Bryle's POV
Nakarating na ako sa bahay at hindi pa rin siya nawawala sa isipan ko. Why does she have to stay in my mind? Why did I even have to get interested in her? Don't act like you don't even care, a voice in my head said. Tanginang 'yan oh. Bumaba na ako ng kotse at pumasok ng bahay. Malakas kong sinara yung pinto dahilan para magising at mapatingin si ate sa akin.
"Problema mo?" medyo galit niya tanong. Tss. You're so stupid Bryle, bakit mo ginawa 'yun?
"Wala." mahina kong sabi. Magagalit na naman 'tong isang ito.
"Tangina Bryle, wala pala eh! Bakit ka nanggigising ng ibang tao?!" sigaw ni ate. Sabi na eh.
"Napalakas yung sara ko." sabi ko. Inangat ko yung kamay ko at medyo nahihiyang kinamot yung batok ko.
"Tangina, umakyat ka na lang sa kwarto mo!" sigaw niya ulit. Agad naman akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. I don't want to get on her bad side right now. Baka kasi hindi na ako makalakad bukas. Umupo ako at nilabas yung picture ni Shanice na binigay sa akin ni tito. Pinagmasdan ko iyon. Habang pinagmamasdan ko iyon, may napansin ako sa shoulder blade ni Shanice. Nakaside view kasi siya sa picture. Tinignan ko iyon ng mabuti. Tattoo..It was a tattoo. It was a triangle like tattoo. May nakasulat din doon na mga numero pero hindi ko nakita kung ano. Bakit kaya siya may tattoo? Ano ibig sabihin nun? Pinatong ko yung larawan niya sa side table.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Ngiti mo lang ang nagbago sayo. You smile a lot less now." bulong ko sa sarili ko. Inisip ko ulit yung kanina. Yung tinanong ni Shanice. May problema kaya siya? Sumulyap ako sa orasan na nakapatong sa side table.
7:15pm
Dalawang oras na ba talaga ako nakahiga dito? Parang..Parang 30 minutes lang.
"Bryle!" dinig kong sigaw ni ate mula sa baba. Agad akong tumayo at bumaba. Nakita ko siya sa kusina kaya pumasok ako.
"Bakit, ate?" medyo inaantok kong tanong.
"Kakain na." sagot niya sabay ngiti. Napansin kong sumulyap siya sa likod ko at mas lumapad ang ngiti. At dahil doon, lumingon ako. Nakita ko si kuya Chase at si...Shanice. Nanlaki ako mga mata ko sa nakita ko. I rapidly blinked several times. Pero totoo nga. Naglakad ako papunta kay ate at marahas siyang hinila papunta sa sulok.
"Anong ginagawa niya dito?" medyo naiinis kong tanong.
"Well, makikikain dito si Chase." simple niyang sagot at tatalikod na sana nang hilahin ko siya ulit.
"Hindi si kuya Chase. Palagi naman siyang nandito. I mean Shanice."
"Oh. I..Uh..I..I invited her." nauutal na sabi ni ate at kabadong ngumiti.
"BAKIT?!" sigaw ko sa kanya dahilan para lumingon sa amin si kuya Chase at Shanice.
"Well..I wanted to get to know her more. Is that a crime?"
"No." I mumbled to myself. Umupo na ako sa usual spot ko at kumuha ng pagkain. Sinimulan ko nang kumain.
"Dahan-dahan lang, dude. Baka mabulunan ka." medyo na tatawang sabi ni kuya Chase. Ngayon ko lang napansin na ubos na pala yung kinakain ko. Tumayo ako, kinuha yung pinagkainan ko, nilagay sa lababo at lumabas ng kusina.
"Tapos ka na?!" dinig kong sigaw ni ate mula sa kusina ngunit binalewala ko iyon.
Shanice's POV
BINABASA MO ANG
Nothing But Trouble
AcciónNagpanggap silang pamilya ni Shanice. Sila ang tumayong pamilya niya halos buong buhay niya. Ayaw nilang malaman ni Shanice ang totoo. Pero, nagkasundo sila na sabihin na kay Shanice kapag sumapit na ang kan'yang ikalabing-walong kaarawan. Ayaw man...