Napatayo naman ako ng wala sa oras ng makita si Thunder na nakatayo at may dalang paper bag habang parang papaiyak na. Paktay!
"T-thunder?" Takang sabi ko at tuluyan ng umiyak yong bata kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.
"Hey baby, don't cry na." Pagpapatahan ko pero umiyak lang siya habang nakayakap sakin.
"who is he Lala?" Tanong ni Rere habang nasa likod ng bata na hinihele ko.
"Our son!" Nanlaki naman ako sa sinagot ng tao sa likod ni Rere, at napatingin naman si Rere sa likod niya tsaka naglakad papalapit si Honey sa amin.
"Explain this to us Kae, let's go Thunder..." hinila na niya si Thunder at umiiyak na nagpatianod ang bata. What!!! Akoy nalilitu!
"Lala? May anak ka na?" Azaaar! Nakakainis talaga ang honey nayon!! Grr! Tsaka bakit bigla-biglang umiyak yong bata?
Napatakbo naman ako para habulin sila pero wala na at nasara na ang elevator. Pagbalik ko sa unit ko may paper bag sa pinto yong dala ni Thunder kanina.
Kinuha ko ito at binuksan.
"Hey lala, I think malalim na ang gabi, I have to go, marami ka ring sasabihin sakin okey? Magkita nalang tayo sa susunod na araw. Bye." Niyakap niya ako at ganon din ako at nag wave na sa kanya habang paalis siya, ng makasakay na siya sa elevator ay pumasok na ako sa loob.
Nilagay ko ang paper bag sa couch at niligpit ang pinagkainan namin ni Rere.
*beep*
He's really crying kae, and it's your fault, hindi siya tumatahan.
-honey
Hala! Ako? Bakit ako? Hindi ko nga alam kong bakit siya umiyak eh! TT
Hindi nalang ako nag reply at binuksan na ang paper bag, pagtingin ko meron itong blue offshoulder whole dress at may kwentas na may pendant na moon.
Ang sweet naman ng batang yon. Ang cute ng kwentas. Pupuntahan ko nalang siguro si honey bukas para makausap yong batang ewan kong bakit umiyak.~~~~
"Goodmorning." Bati sakin ni Jerome at tumango lang ako.
"Kamusta na yong bata kahapon?" Tanong ni Coleen habang nagluluto na.
"Ayun naibalik ko na, nga pala sorry ha kong hindi aoo masyadong nakakapagtrabaho, busy lang kasi nitong mga nakaraang araw." Paliwanag ko at ngumiti naman ng nakakaloko si Coleen at yong ibang cook, maliban kay Jerome.
"Okey lang girl, alam naman naming MAHALAGA ang pinagkakaabalahan mo." Tinaasan ko naman ng kilay si Mars.
"Tumigil ka nga mars," saway ko pa.
"Asusss, wag ka ng mahiya, e chika mo na beshe dali.", pamimilit niya pa.
"Wala ako e chichika dahil wala naman talaga okey, bumalik na nga kayo sa trabaho nyo." At buong araw akong kinukulit nila. Eh sa wala naman akong dapat eh chika sa kanila!
"Hello honey?" Sabi ko ng sinagot na niya ang tawag.
"What?" Ay! May ganon? Galitee!
"Ahm, asan si Thunder ngayon?" Nag-aalangang tanong ko. Narinig ko namang tumikhim siya sa kabilang linya.
"He is with me right now why?"
"Asan kayo?" Tanong ko ulit.
"At my house."
"Ahh, pupunta ako dyan ha? Kakausapin ko yong bata paki send narin ng address ha thanks bye." At binaba ko na tsaka nagmaniho na palabas ng parking lot. Nagdala ako ng strawberry cake na gusto ni Thunder.
Na send na sakin ni Honey kaya pinuntahan ko na ang address na sinasabi niya at tumigil ako sa isang gate at may guard na lumapit sakin.
"Sinong pupuntahan maam?"
"Si honey po," patay ano nga ba apelyido non?
"Apelyido maam?" Shits!
"Ahm diko-"
"Papasukin mo na yan, bisita ni Sir yan!" Sigaw nong kasama niya matapos may pakausap sa telepono. Binuksan na ng guard ang gate at nagpasalamat ako.
Tumigil naman ako sa may itim na gate ng bahay. Ang laki ha! Mygheed! Hindi pa nangangalahati yong bahay ng magulang ko dito eh!
Dingdong!
Nakatayo naman ako sa labas habang hinihintay na buksan.
"Pasok po maam," sabi nong babae ng ngitian ko siya at pumasok na ako.
"Wow," ang laki ng bahay niya! Luluwa na yata ang mata ko eh! O_O
"H-hi?" Nagaalangang kumaway ako kay honey habang nakatayo siya sa pinto ng bahay at nakapamulsa na nakatingin sakin.
"Come in," sabi niya at ngumiti ako ng kunti saka pumasok ng bahay. Hindi ko na pinahalatang namangha ako kasi nakakahiya, kong ano yong ganda kanina sa labas mas sobra pa dito sa loob. Bahay yata to ni Romeo and Juliet eh!anyways...
"Si Thunder?"
"Sa kwarto niya, hindi lumalabas kagabi pa." Nakunsensya naman ako dahil siguro sa akin kaya nagkaganon.
Huminto na siya sa isang pinto ng kwarto qt tumingin lang ako sa kanya. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng hawakan niya ang isang kamay ko.
"Let's talk after this" tumango naman ako at ngumiti ng kaunti at tuluyan ng pumasok sa kwarto.
Nakita ko naman si Thunder na naglalaro ng mga maliliit na sasakyan. Sumulyap lang siya sakin at hindi na ako tinignan ulit.
"Hi Baby Thunder," masayang sabi ko pero patuloy lang siya sa paglalaro.
"Baby, sorry na please, kong ano man ang nagawa ni Tita Mikaela sorry na please." Sabi ko habang nakaupo sa kama na kinakausap siya.
"Ow wait, I have sonething for you, diba you like this?" Panunuyo ko pa at pinakita ang box ng strawberry cake. Pero hindi man lang siya nasiyahan. Huhuhu T.T
"Baby, I'm really really sorry." Panunuyo ko pa, pero pusong bato yata ang batang to ngayon T.T
"Sige, kong ayaw mong makausap si tiya ngayon babalik nalang ako sa susunod na araw okey? Takecare baby." Sabi ko at naglakad na papalabas ng biglang magsalita ang bata. Yes! ^_^
"Wait! Promise me that you wont date any guy out there, just my Tito." Hala tong batang to! Yun ba yong kinaiyak niya kagabi nong makita kami ni Rere?
Naglakad naman ako pabalik sa kama niya na nakangiti.
"Okey, I promise." Sabi ko na parang nag reresite ng 'panatang makabayan' hahaha!
"Thankyou and I'm sorry about my behavior tita." Nagpapacute niya sabi and I pat his head.
"And also for the cake."
"You're always welcome baby." Nakangiti naman siya sakin.
"Bakit ka nga pala umiyak kahapin Thunder?" Tanong ko habang kumakain siya ng cake na pina slice ko sa kasambahay nila.
"Because you're with the other guy, and tita I'm just caring for my tito's lovelife, nakasalalay kaya ang future niya don." Abaaa, kala mo naman matanda na yong kausap ko eh four palang ata to eh!
"Hahaha ikaw talagang bata ka," saway ko a kanya ng may biglang kumatok sa pinto.
"He likes you."
Mahinang bulong ng bata sa tinga ko ng pumasok ang tito niya. Pero parang SIGAW nayon sa akin ng sabihin niya.
YOU ARE READING
Weak MEETS the Strong √
Romance"Weak are stronger" ------ Sa alergic sa 'Wrong grammar' at 'Spelling' wag nyo nang basahin. #ROMANCE --