Lumayo na ako...
Bakit nagpakita pa siya?
"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyon kong tanong sa kanya.
"Hindi ba't ako dapat ang magtanong niyan?"
"Umalis kana.." naglakad na ako pero nahawakan niya ang kamay ko.
"I've been finding you..." I look at him directly in the eye.
"Oh ngayon? Nakita muna ako diba? Pwede ba!" Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at hinarap siya ulit.
"Tahimik na ang buhay ko..... ayoko nang may mga taong maiinvolve sakin.. umalis kana..." at tuluyan na akong naglakad nang bubuksan kuna ang pinto bigla syang nagsalita.
"Hindi ako aalis!!" Edi wag! Mahirap ba yon? Tss.
Pabagsak na sinara ko ang pinto at dumeretso sa kusina. Wala akong pakialam sa kanya. Wala.
Madilim na at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Sinilip ko kanina sa labas at nandoon parin siya nakatayo at kitang-kita ko na nilalamig na siya! Ah basta! Wala akong pakialam!!Wala ba talaga? Wala nga! Nakakainis namang konsensya to!
Wala talaga? Azaaar! W-A-L-A!!
Hahayaan mulang siyang manigas sa labas? Oo! Wala nga akong pake diba?
Wala ka talagang pakialam? Wala!
Pano kong magkasakit siya sa sobrang lamig? Pakialam ko? Tss.
"Arf! Arf! Arf!" Napatingin naman ako kay Ton-ton at tahol ng tahol habang nakatingin sa bintana.
"Ton-ton, sit!" Tumigil naman siya at bumaba sa couch. Nanuod na ako ng tv ulit.
Ilang minuto lang napansin kong wala na si Ton-ton.
Pagbukas ko ng pinto, nandoon si Ton-ton nakahiga at hinihimas ni Anthony habang nakaupo siya sa maliit na hagdanan.
Bakit nga ba ako nagagalit? Bakit naiinis ako sa presensya niya? Bakit ganito ako sa kanya?
Dahil.. ayaw mo nang may madamay pa sa kamalasan ng buhay mo...
"Pumasok kana, at wag muna akong tititigan lang, baka magbago pa ang isip ko..."
•°•°•°•
"Salamat sa--" tinaas ko ang kanang kamay ko.
"One rule, ayoko ng ingay, ayoko sa lahat yong kinakausap ako.. pinatuloy kita dahil wala si Thomas sa bahay niya, please cooperate.." pumasok na ako sa kwarto ko at iniwan siya doon na nakatayo.
Hindi pwedeng maging malapit ako ulit sa kanya.
•°•°•°•
"Goodmorning love!" Natigilan naman ako nang makita ko siyang nagluluto sa kusina 'KO'.
"At sino naman ang nagsabi sayo na pwede kang magluto sa kusina ko?" Nginitian niya lang ako at nag shrug.
"No one." Namiwang naman ako at hinarap siya.
"Hindi karin naman feel at home no? Teka nga! Bakit nakikitira kapa kay Thomas? Marami ka namang pera hindi ba? Mayaman ka! Makakabili ka nga ng bahay sa isang click lang, makakapag check in ka sa hotel, eh anong pang ginagawa mo sa lugar na ganito?" Tinignan naman niya ang kabuohan ng bahay ko at tumingin sakin pagkatapos.
"What? Your house is good. I like it here, and if your asking why I choose to stay here it's because of you..."
"....." nagdadalawang isip naman ako kong aalis ba ako sa kinatatayuan ko o kakausapin pa siya. Pero pinili ko nalang umalis dahil wala din naman akong sasabihin sa kanya.
YOU ARE READING
Weak MEETS the Strong √
Romance"Weak are stronger" ------ Sa alergic sa 'Wrong grammar' at 'Spelling' wag nyo nang basahin. #ROMANCE --