" Thunder, wag masyadong malayo!!" Sigaw ko sa bata.
Nasa isang sikat na beach resort kami at nagsasaya dahil nandito yong mga lahat ng kamag-anak nila. Isang buwan na kasi ang nakalipas simula nong pumunta kami ng canada at ngayon may family day na naman sila, ang saya nga tignan eh dahil lahat sila nakangiti at tumatawa. Kahit papano napalapit narin ako sa ilan sa kanila.
"Tita.. pupunta muna ako kay mommy ha?" Tumango naman ako at pinanuod naman siyang tumakbo.
Nasa ilalim ako ng maliit na puno at nakaupo habang tinatanaw ang dagat, hindi masyadong mainit at mukhang uulan pero hindi talaga uulan. Makulimlik lang, anyways..
Si Tony, nitong mga nakaraang buwan kakaiba lahat ng kinikilos niya. Masyado na siyang carring, at nagaalala sa akin kahit maliit na bagay lang, kinukumusta ako kahit na magkasama kami nong isang araw. Ewan, simula nong sabihin niya sakin na gusto niya ako naging ganon na siya at gusto ko yon.
Ang hindi ko lang maatim eh nagsisinungaling kami sa mga kapatid at mommy niya eh hindi naman talaga totoong kami, tsaka LIKE lang naman yon hanggang doon lang, pwede pang magbago at mawala.
"Mik..." napaangat naman ako ng tingin at nakita ko si ate martha.
"Ate martha..." nginitian naman niya ako at tumabi siya sa pagkakaupo sakin.
"Tignan mo sila, nakakatuwa dahil nagagawa ng tumawa at ngumiti ng kapatid ko na yan.." napatingin naman ako sa di kalayuan kong saan nagtatampisaw sa dagat ang mag tito.
"Po? Bakit naman po?" Tanong ko at tumingin sa kanya.
"Alam mo ba na yang kapatid ko na yan, malimit lang namin makita ang tawa at ngiti? Nagulat nga kami ng makita namin siyang mabilis tumawa at ngumiti nong pinakilala ka niya sa amin. Natawa nga ako nong tinakot siya ni mama, naalala ko pa nong sinabi ni mama sa kanya na paghindi pa siya nag girlfriend o kaya magasawa ipapakasal siya sa mga anak ng kakilala ni mama, ayon natakot naman! Nagulat nga ako ng pinakilala ka niya kinabukasan.." napapangiti naman ako habang nag kukwento si Ate.
"Pero alam mo, natutuwa kaming lahat dahil kong di dahil sayo hindi namin makikitang nakangiti at tawa ang kapatid, and one thing... I know everything Mik, not totally but yes I know something between you and him..." bigla namang nagdagungdong ang puso ko sa sinabi niya.
"P-po?" Nauutal na sabi ko.
"Pretending ha?" Nakangiting sabi niya at nanlaki naman ang mata ko.
"P-po.." wala na akong ibang masabi.
"Ako ang ate, kilalang kilala ko na yang takbo ng utak ng kapatid ko hindi ko man alam kong saan ka niya nakilala pero nagpapasalamat ako at nakilala ka niya nakikita ko ang pagbabago ng kapatid ko dahil sayo.... alam kong mahal nyo an--"
"Po!? H-hindi ko po siya mahal--"
"Ops! Pinagdaanan ko rin yan, yong tinatanggi mo? Pero kahit anong gawin mo, iba parin ang sinasabi ng puso mo..." tumayo naman ako ng tumayo siya at kinakabahang tumingin kay Tony habang masayang naglalaro kasama si Thunder sa dagat.
"You can't stop the feelings you have for someone. You can't lie to yourself either. Your heart knows the truth, all to well..." at tinuro niya pa yong puso ko.
Mahal ko na nga ba talaga siya? Pero pano kong hindi niya ako mahal? Pano kong ako lang yong nagmamahal? Ako lang din ang masasaktan.
"Nasaktan na siya noon, sana hindi na maulit yon.... I trust in you, Oo magkaiba kayo ng babaing minahal niya, pero ang nakikita ko ngayon, MAS MATIBAY ANG PAGMAMAHAL NIYA SAYO.. torpe lang kasi yon.. and one thing, talagang hindi ako maniniwala na Fiance ka na niya, wala kasing singsing sa kamay mo, but I know dadating din tayo sa point nayan." Tinakpan ko naman ang kamay ko, Oo nga pala! Ang tanga naman ni Tony.
"Mukhang seryoso yang pinaguusapan nyo ah.." napatingin naman ako kay Tony na karga-karga si Thunder.
Dugdug. dugdug.
"That heartbeat.." bulong ni Ate, alanganin namang ngumiti ako sa kanya.
"Hindi naman seryoso, tara para makapaglunch na tayo..." sumabay ako sa paglalakad ni Ate at hindi na tinignan ulit si Tony, naiilang ako?
•••
Sumapit ang hapon at namangka kami, at by couple daw kaya ano pang ine-expect nyo? Syempre sya ang kasama ko.
"Tama na yang pagsasagwan, malayo na tayo, naku pag ako nalunod dito Tony mumultuhin kita swear.." tumawa naman siya ng kunti at nilapag na ang sagwan.
"I just want us to be alone.." tinitigan ko naman siya at ganon din ang ginawa niya.
"Kae..." lalapit na sana siya ng bigla siya matumba at mahulog sa bangga.
"Tony!!" Umalog naman ang bangka nang mahulog siya. Shit!
Tumalon ako at sumisid sa ilalim. Nang makita ko siya agad na hinatak ko siya pataas.
"Tony!" Tinapiktapik ko ang mukha niya at hindi pa siya dumilat.
"Tony ano ba!! Gumising ka!" Tinatapik ko parin siya, nakalutang kaming dalawa sa dagat habang siya walang malay. Lumangoy ako papunta sa bangka namin at kumapit don. Shit! Hindi ko kayang umakyat, tataub ang bangka pag tinangka kong umakyat.
"Tony--" natigilan naman ako ng tumingin ako sa kanya, mulat na ang mata niya at nakangiti pa sakin.
"Tony naman eh!" Tinulak ko siya at lumayo ako sa kanya.
"Sorry na.." Sinamaan ko siya ng tingin at lalangoy na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Sorry na."
"ALAM MO NAMANG HINDI MAGANDANG BIRO YUN EH! PANO NALANG KONG NAMATAY KA SA KAGAGUHAN MO! Kong hindi kita kinuha sa ilalim ano ma de-deads ka don?.." naiinis na bulyaw ko sa kanya at nginitian niya lang ako na nagpainis pa lalo sakin.
"Bahala ka nga diyan! Nakakabwesit ka.." hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko sabay hapit sakin.
"Sorry na, pinagalala kita, promise I will not do it again," tinaas niya pa ang palad niya kaya humopa na ang inis ko.
"Oo na, talagang wag mo nang uulitin dahil pag inulit mo! Ako na ang lulunod sayo.." sabay naman kaming napatawang dalawa.
Unti-unting naglapit ang mga mukha namin at unti-unti ring pumikit ako hanggang sa naramdaman ko na ang labi niya na nasa labi ko. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at ang kamay naman niya na nasa bewang ko.
"Mahal na nga yata kita.." sabi niya ng maputol na ang halik namin dalawa.
"Hindi kapa naman sigurado ah, magbabago pa yan..."
Nagbibihis na ako ng pantulog at umupo sa terrace. Nasa resort parin kami, nirentahan kasi tong buong resort ng dalawang araw. Naka pajama lang ako at nag jacket dahil mahangin kasi dito sa terrace.
Napatingin naman ako sa likod ng may marinig akong yabag.
"Mag Tshirt ka nga! Kabagin kapa." Sita ko sa kanya, dahil nakabalandra na naman ang katawan niya po! Hindi niya ba alam na naakit ako? Ezz. Biro lang!
"Ang init, pinagpapawisan ako." Pinantaasan ko naman siya ng kilay.
"Anong mainit? Ang lamig-lamig nga ng hangin! Anong balat meron ka?" Tinawanan niya lang naman ako.
"Nakikita lang kasi kita, umiinit na ako.." O_O
"Woy! Wag mo akong idamay sa kalibugan mo!"
YOU ARE READING
Weak MEETS the Strong √
Romance"Weak are stronger" ------ Sa alergic sa 'Wrong grammar' at 'Spelling' wag nyo nang basahin. #ROMANCE --