WMTS 36

724 11 0
                                    

One week had passed at maganda naman ang nangyari sa isang linggo nayon. Masaya kaming dalawa, hindi namin sinasayang ang bawat oras, minuto at sigundo.

Para naman siyang timang dahil kahit kukuha lang ako ng tubig sasama siya, oh kaya naman pag magluluto,maghuhugas sasama siya. Buti nga nadadaan ko sa usapan pag magbabanyo na ako, like duh!

"Woy Anton! Para ka namang tuko niyang pagkakapit mo kay Mik, lumayolayo ka nga kahit minsan." Sita ni Ate Sonya. Sinamaan naman niya ng tingin si ate.

"Ikaw nga diyan, kapit na kapit tss." Sabi naman niya kaya sinapak ko siya sa balikat sabay pinandilatan. Nginitian niya lang ako at sumandal ulit sa balikat ko.

Nandito kami ngayon sa bahay nila ate sonya at nag momovie marathon. Naks! Parang teens lang!

Kasama namin ang mag-asawa na syempre si Ate Sonya with kuya Kent and Ate Martha with kuya Rick at ang magjowang Jerome and Coleen.

Si Thunder naman at Jacob ayon nasa grandma nila dahil mamamasyal daw sila.

Nasa pangisang couch naman kami ni Tony at nakikisiksik siya sakin kaya ang ginawa ko dumausdos ako para hindi siya makaupo.

"Doon ka kaya umupo, kitang pangisahan lang.." sabi ko sa kanya sabay turo sa malaking couch kong saan nakaupo si Jerome at Coleen na ngayon ay naglalambingan.

Tinignan namaa niya ng masama ang dalawa kahit hindi siya nakikita. Sira! Haha! Wala siyang nagawa kundi ang umupo don katabi ng dalawa.

Ang seating arrangement, ako nasa pangisahang couch then sa mahabang couch nakaupo si Jerome at Coleen kasama narin si Tony na ngayon nakabusangot! Haha! Si Ate sonya at kuya Kent nasa sahig pero naglatag sila kasama narin si Ate Martha.

Nakatingin ako sa kanila at poro naglalambingan. Hahaha! Nakakatawa ang pagmumukha ni Tony parang tanga!

Nanuod na ako at narinig ko pang may sinabi si Tonu pero hindi kuna pinansin. Nanunuod pala kami ng Korean drama in titled 'Seducing Mr. Perfect' ayon! Haha!

"Tumigil ka nga sa pagtitig sakin.." napatingin naman ako kina Jerome at Coleen na ngayon magkatitigan.

"Ayoko." Sabi naman ni Jerome.

"Budong ha, nakakainis kana.." pabebeng sabi ni Coleen. Pabebe tong bruhang to!

"Stop being beautiful first.." hinanda kuna ang unan ko. Focus na focus yong dalawa sa isat-isa eh akala nila sila lang ang tao.

Kinalabit naman ni Tony si Jerome na katabi niya at....

Binato namin sila ng unan! As in kaming lahat! Ang choosy eh! Napaka mais!

"Makabato naman-- husay." reklamo ni Coleen. Pero pagtingin niya samin seryoso na kaming nanunuod ng movie.

"Ha? May problema Coleen?" Nagmamaang-maangan kong sabi at inirapan lang ako ng bruha. Binato niya ako ng unan pero nasalo ko naman.

"Boba." Palihim nalang akong natawa at ang magasawa sa harap namin wala naring pakialam sa atmospher. Nanunuod ba talaga kami? May sariling mundo sila eh.

Pagtingin ko kay Tony nakatingin na siya sakin at bigla siyang ngumiti.

"'Nong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Naka taas na kilay kong sabi.

"Wala lang. Ang ganda mulang kas- aray!" Hagalpak naman ang tawa ko ng batohin siya ng unan nila ate at bes.

Akala ko busy tong mga loka? Haha! Akala ko lang pala!!

"Tawang-tawa ka naman?" Nag thumbs up naman ako at kita kong nainis siya at nag walk out kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Woy! Saan ka pupunta? Joke lang woy!" Tawag ko sa kanya pero hindi siya nakinig napikon!

Weak MEETS the Strong √Where stories live. Discover now