"KYAAAAAAH" natigilan naman ako sa paglakad at napahawak sa puso ko habang papasok sa bahay ng may tumili.
"Woy! Makatili naman kayo, saan kayo dumaan at nakapasok kayo sa pamamahay namin?" Nakapamiwang kong sabi sa kanila habang sila nakaupo sa mahabang couch at nakatingin sakin yong ulo lang ang inikot nila sakin.
"Dumaan sa pinto bes." Siraulo din 'tong si Coleen eh.
"Aba syempre! Nga pala ba't nandito kayo?" Sa tinagal-tagal na kasi ng panahon parang magbabarkada na kami nila ate nasali pa si Coleen.
Umupo ako sa kaharap na pangisahang couch at nagdikwatro.
"May paguusapan tayo.." seryosong sabi ni Ate martha na nagpakaba sakin.
"A-ano?" Kinakabahang tanong ko at bigla siyang ngumiti sabay tawa ng dalawa. Nawala naman ang kaba ko. Pwew!
"Kong kabahan ka naman dyan wagas, anyways... ito na nga...."
" BIRTHDAY NA NI ANTHONY!!" Sabay sabay na sigaw nila may kasabay na parang kinikilig pa yan.
"So ano na mik? May plano kana?" Tanong naman ni Ate Sonya habang nakatingin sakin. Nagtatanong naman ang ekspresyon ko sa kanila at hinawakan ang magkabilang dulo ng couch.
"Birthday na nya? Kailan?" Sabay sabay din na nawala ang ngiti nila at sumandal sabay cross arm. Take note sabay sabay!
"Ahh alam niya pala nice." Coleen sarcasmly ask. Kaya nag peace sign ako.
"Anyways, kong hindi mo alam we will inform you, his birthday will be this coming Wednesday kaya........tulungan mo kami sa set up, and pagusapan na natin ngayon..." excited na sabi ni ate Martha.
Wednesday?
"Woy! Tulala? Dali na, may mga naisip na kami tapos dagdagam mo nalang bes..." agaw atensyon ni Coleen kaya I smile slightly.
"Sige. So ano na'ng mga naisip nyo?" Pumalakpak naman sa excitement si ate sonya.
"Ganito, isang formal birthday party, hmm, naisip namin siguro ang theme long gown alam muna isang kilalang mayaman ang birthday boy kaya dapat bungga! Eh parang wala naman siyang pakialam sa birthday niya kaya tayo nalang ang magplano.." paliwanag ni ate Martha.
"Yah right, tapos bes kailangan ka namin para mapapayag natin si fafa Anton, kasi last namin na kumbinsi sa kanya ayaw niya gusto niya lang ng simpling birthday pero dahil ayaw ng mga dyosang kapatid niya at ako na maganda so... nilapitan ka namin.." ayun! Kontra ako don eh!
"Ahh, so surprise party ganon?" Para naman silang aso na tumatango.
"Okey deal ako dyan!" Sabi ko pa at nasisiyahang pumalakpak sila.
"Kyaah! Good." Bakit excited sila?
"Pero bakit sobrang excited kayo? Ano bang klasing surprise?" Ngiting parang aso naman sila.
•°•°•°•
Tuesday ngayon at panay tawag saakin si Joanna, pang sampong beses na siguro to!
"Ano ba!! Hindi ka ba makapaghintay?" Agad na bulyaw ko. Nasa kotse ako ngayon at nagmamaniho papunta sa sight kong saan itatayo ang bagong restaurant ni Tony.
"Hahaha. Relax dear, just incase you forget, and to remind you, pag hindi ka sumipot sa pupuntahan...hindi ko alam kong ano ang kaya kong gawin.." pinutol na niya ang tawag at bumuntong hininga nalang ako.
Nagpark na ko at bumaba na.
YOU ARE READING
Weak MEETS the Strong √
Romance"Weak are stronger" ------ Sa alergic sa 'Wrong grammar' at 'Spelling' wag nyo nang basahin. #ROMANCE --