WMTS 20

804 11 0
                                    

"Goodmorning-" napatingin naman ako kay Mars. Nasa counter siya ngayon at nakaharap ako sa kanya habang nakatingin siya sa likoran ko.

"Woy! Napano ka?" Nginuso niya naman ang likoran ko kaya dahan dahan na umikot ako para tignan ang tinuturo niya.

O_O

"A-ano yang s-suot mo?" Nagtatakang tanong ko sa taong nasa harap ko ngayon, imbes na kausapin ako sinagut niya lang ako ng ngiti.

Naka uniform kasi siya ng pang casher, kaya siguro nagulat din si Mars. Sinundan ko lang siya ng tingin habang lumapit siya kay Mars at may binulong.

"Thank you sir! Yes!" At dali-daling naglakad si Mars paalis sa counter at pumasok sa opisina ng mga employee.

"A-anong nangyari?" Nakatingin kong tanong sa kanya habang tinuturo ang dereksyon na pinuntahan ni Mars.

"Hi maam Goodmorning! I will be your casher for this whole intire day." Nakangiting sabi niya sakin habang, gulat ang nakapaskil ang pagmumukha ko ngayon. Siya? Casher?

"Nasisiraan ka na ba?" Umiling lang siya at nakangiti parin. Ang sarap burahin ng ngiti niya -_- pinagtitinginan na kasi siya ng mga babaeng costumer.

"Excuse me miss, bibili ka ba?" Napatingin naman ako sa babaeng halos ka edad ko lang yata.

"Hindi." Sagot ko lang.

"Ahh, bibili kasi ako. Excuse nga." Tinaasan ko naman siya ng kilay ng tumitig siya kay Tony.

"Miss? Bibili ka? May bayad kasi ang titig dito samin, yung pagkain nalang ang titigan nyo, mabubusog pa ang mata nyo.." pagtingin ko sa kanya kay Tony nakangisi lang siya sakin kaya inirapan ko siya at pumasok na ako sa kitchen.

"Beast mood teh?" Huminga naman ako ng malalim bago sagutin si Coleen.

"Wala. May mga taong nakakabwesit lang talaga! Gaya ng Casher natin dyan!!" Naiinis na sabi ko habang ini-slice ang manok na lulutuin ko.

"Si Mars?" Umiling naman ako.

"Ha? Eh wala namang ibang Casher ah! Sino ang tinutukoy mo?" Tinignan ko naman si Coleen ng deretso sa mata.

"Tignan mo nalang!" Mahinang sabi ko at nagkibit balikat lang siya.

"Jerome paki slice nalang nong pork please, salamat.." sabi ko. Kararating niya lang at sa back door siya dumaan. Hindi naman niya naabutan si Coleen kasi pumunta ito sa labas para TIGNAN ang Kahero. Tss. -_-

"Copy that!" Nag salute pa siya at ginawa na ang sinabi ko.

Sunod-sunod ang mga orders ang dumating kaya puspusan ang pagluluto namin. Sinasabi ko na nga ba eh! Ang CASHER ang may kasalanan nito!

"Hay, iba talaga pag ADONIS ang kahero, dinudumog ng mga bubuyog ang restau.." natawa naman ako sa term niya na bubuyog.

"Sira! Adonis-adonis ka dyan, ang pangit nga non! Pft." Sabi ko, naiinis kasi ako ewan ko ba! Ang dami na kasing customer take note LAHAT BABAE!

Magaling! -_-

"Talaga? Yiiee. Selos kalang eh!" Anong selos-selos pinagsasabi nito! Duh! Ako? Magseselos?

"Another Five orders of Pork sisig.." sabi nong taga kuha ng orders. Huhu helpppp.

"Coleen, tulungan na kita." Sabi ni Jerome kay Coleen. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa.

Hhmm? Merong alam nyo na.

"Wag pabebe Teh. Twenty first century na.." hindi ako tumingin sa kanya at sinigurado kong maririnig niya.

Weak MEETS the Strong √Where stories live. Discover now