Chapter One
San Antonio
"Dad, let me ride Gideon, please?" pagmamakaawa ko kay Daddy na ngayon ay abala sa pagbabasa ng arawan niyang diyaryo.
I guess old ways can't change in just a snap. Kahit kasi maunlad na ang teknolohiya ay sa diyaryo pa rin talaga ang buhay ni Daddy.
"No, Maddison. Hindi pa pwede at bago pa si Gideon." Mariing paliwanag ni Daddy na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Pero bakit si Quinty? Bago pa siya noon pero nasakyan ko na kaagad!" Ngumuso ako at padabog na naupo sa tapat ng upuan ni Daddy.
This is why I hate new gifts! Bago nga pero hindi ko naman magamit, so anong silbi nila?
Ibinaba ni Daddy ang binabasa at tinignan ako. Mas lalo akong sumimangot sa harapan niya.
"Alright fine! But I'll ask Caloy to accompany you, okay?" Inayos niya ang kanyang salamin at bumalik sa pagbabasa.
"Yes! Okay!" Masigla kong sabi at mabilis na napayakap kay Daddy.
Alam ko naman kasing kahit kailan ay hindi niya ako matitiis. Who can resist Maddison Alessa Montealegre's charm?
Wala.
I always get what I want. I maybe considered as a brat but this is who I am and honestly, I love being me.
Nabuhay akong hawak ko sa palad ang lahat. I can even manipulate someone to do deeds for me.
Hindi ko alam kung ang lahat ba ng taong nakapaligid sa akin ay mahal ba talaga ako o dahil lang sa pamilya namin na kayang kaya silang palayasin sa mga tinitirhan nila ano mang oras.
But do I care? No. Wala akong pakialam kung mahal nila ako o hindi, basta ang mahalaga ay nakukuha ko ang gusto ko at napapakinabangan sila.
Matapos kumain ay nagmamadali akong nagbihis. Isang plain t-shirt at black pants ang isinuot ko kasama ng aking kulay itim na Dr. Martens.
Hindi ko mapigilang tumalon talon sa tuwa habang naglalakad palabas ng mansion namin. Nasalubong ko ang kapatid kong nakakunot ang noo sa akin habang kumakain ng kanyang chips.
"Guess what?" Ngising asong sabi ko.
Tamad niyang inihinto ang pagnguya at tinitigan ako.
"I'm riding Gideon today! Wanna see?" Ngumiti ako at inayos ang buhok ko.
"No thanks. I'm playing Xbox." Masungit na sagot ni Harrison at nilagpasan na ako para pumanhik sa itaas kung nasaan ang kwarto niya.
Wala talaga yata akong mapapalang amor sa kapatid ko tungkol sa mga kabayo na hilig ko.
Napanguso ako at naglakad na lang sa kung saan ako pupunta.
Wala sa sariling napangiti na naman ako nang matanaw ang malawak naming lupain sa paglabas ko ng mansion.
Hinipan ng malamig na simoy ng hangin ang buhok ko.
"Gideon, Gideon..." paulit-ulit na sambit kong pakanta sa bagong kabayo ko.
I just can't wait to see him again! Halos sumabog na nga yata ang puso ko habang naglalakad ako patungo sa mga kwadra ng kabayo.
Si Quinty ang unang naging alaga ko pagkatapos ay si Atoy na ang nagpangalan ay ang walang ka-taste taste kong kapatid na si Harrison.
Sabi niya ay laruan ko lang naman daw 'yon kaya Atoy na lang para madaling tandaan.
Lumawak ang ngiti ko nang matanaw ang mga tauhan ni Daddy na abala sa kani-kanilang mga trabaho. Mayroong naghahanda para sa pag-aani ng mga mangga at mga gulay namin. It's the time of the year!
BINABASA MO ANG
Her First And Lust (Campbell University Series 4)
RomanceSpoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is only for the weak. But when she meets Clegane Cordova, she can't deny her feelings. Their blossoming love is only the start of this tale of lost love, betrayal, and misunderstandi...
Wattpad Original
Mayroong 19 pang mga libreng parte