Chapter Four
Change
Para akong sinampal sa narinig ko. Kung kanina'y nasa rurok ang paghanga ko sa kanya, ngayon naman ay lumagapak ulit sa dati.
"N-Ngayon na?" Nauutal kong tanong.
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Kahit ako ay gusto ko na lang pagtawanan ang sarili ko. Ganito ako katuliro sa harapan niya?
I should spend my time thinking how to get back at him! Kailangan kong makaganti bago matapos ang summer! Sigurado akong hanggang matapos ang bakasyon ay narito siya pagkatapos ay babalik narin kung saan siya nanggaling.
Napalunok ako. My heart ached when I pictured him leaving. Siguro ay dahil wala pa akong nagagawang ganti. That's it.
"Tapos ka na 'di ba? Unless you want to get naked again." Itinigil niya ang pagsulyap sa akin at hinarap ang lamesa.
Napaawang ang bibig ko nang kinuha niya roon ang isang pakete ng sigarilyo. Kumuha siya ng isa at agad iyong hinithit matapos sindihan.
Sa pagbaling niya sa akin ay halos maubo ako nang patungo sa direksiyon kong ibinuga niya ang usok.
Agad akong napaatras. Bwisit! I hate him! I freaking hate this douchebag!
"Clay, baka pwedeng mamaya na lang. Pagpahingahin mo muna." Nasulyapan ko ang isang lalaking nagsalita.
Sigurado akong nakita ko na ang isang ito. Siguro sa school or kung saang sakop ng San Antonio.
"Mamaya na lang kapag medyo bumaba na ang araw." Suhestiyon naman ng isa pang may pinakaplakado at malinis na buhok sa kanilang lahat.
Wala akong naisagot. Kahit na gusto ko nang umalis dahil sa galit na namumuo sa puso ko para sa kanya ay gusto ko ring manatili dahil sa hindi malamang dahilan. I want to hear his voice again.
Nababaliw na yata ako. How can I hate someone and get curious about them at the same time? 'Yong pakiramdam na gusto mo pang makita ang iba niyang kayang gawin. More and more.
Binalingan ni Clay ang mga kaibigan at nagsipagtanguan pa sila bilang pagsang-ayon. Tanging si Erwan ang tahimik na nakatitig sa akin.
"Ayaw kong may istorbo rito." Matigas niyang sabi.
"Maya maya uuwi rin naman." Tumawa ang isa para mawala ang tensiyon pero hindi ko naramdamang nabawasan 'yon.
I can't help but compare him to his friends. Oo nga at maayos naman ang kanilang hitsura pero si Clegane ay talagang angat na angat! I mean...
"Hindi na. Uuwi na ako." Pagputol ko sa usapan nilang tungkol sa akin.
Nanghihinayang ang traydor kong puso sa desisyong lumabas sa bibig ko.
Agad na napatayo si Erwan.
"Ihahatid na kita, Maddy." Presinta niya.
Lumapit ako sa bintana at tumango kay Erwan bago balingan si Clegane.
"Isasampay ko na lang dito. Sorry nabasa." Sabi ko bago iayos ang tuwalya sa kahoy ng bintana.
Lumayo ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Lumabas si Erwan sa kubo at nginitian ako.
"Ingat ka Maddy." Paalam naman ng isa pang hindi ko alam ang pangalan.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Naunang naglakad si Erwan patungo sa daan pabalik sa baba ng kubo. Bago ako tuluyang sumunod sa kanya ay sinulyapan ko ulit si Clegane.
BINABASA MO ANG
Her First And Lust (Campbell University Series 4)
RomanceSpoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is only for the weak. But when she meets Clegane Cordova, she can't deny her feelings. Their blossoming love is only the start of this tale of lost love, betrayal, and misunderstandi...
Wattpad Original
Mayroong 16 pang mga libreng parte