Chapter Fifteen
'Wag Mo Na Sana
Excited akong pumasok kinabukasan dala ang jacket ni Clegane. Buong gabi nga yata akong naghanda kung paano ko iyon ibabalik sa kanya sa pinakanormal na paraan.
Flag ceremony pa lang ay aligaga na ako habang nakasulyap sa pila nila. Lubos ang pagtahip ng puso ko nang masulyapan ko siya. Seryoso siyang nakikinig sa mga kaibigan habang sila Erwan ay nagkakatuwaan sa pila.
Pinaglalaruan niya ang kanyang hikaw sa gilid ng labi habang matikas na nakatayo sa dulo ng pila. He's the tallest in their section.
Hindi ako nag-iisa sa pagtitig sa kanya. Ang mga babaeng kahit na nasa malayo ay kagaya ko ring nakatingin sa gawi niya. Maybe day dreaming too...
Hindi ko alam kung bakit wala sa sariling napangiti ako nang sumulyap siya sa gawi ko. Parang gusto ko pang kumaway para lang masigurong ako ang tinitigan niya. Mas nilawakan ko ang ngiti ko nang manatili ang mga mata niya sa kinaroroonan ko.
Damn. Smile for me please?
Siniko siya ni Erwan pero nanatili ang titig niya sa direksiyon ko.
Pakiramdam ko'y nalaglag ang puso ko ng kumunot ang noo niya. Damn it!
Napanguso ako at agad na nag-iwas ng tingin.
Ngayon paano ko ba isasauli ito? Okay naman kami kagabi ah? Hindi niya naman ako sinungitan di ba? We're like...
Shit! Ipinilig ko ang ulo ko nang lumalim na naman ang pag-iisip ko.
Pagkatapos ng flag ceremony ay mabilis na umalis sa pila si Yrene para puntahan ang pila ng mga fourth year students.
Nawala ang natitirang saya sa puso ko nang makita ang paglapit niya kay Clegane para kunin ang hawak nitong libro. Nakaismid si Daniella sa gilid ni Clegane pero tila walang pakialam si Yrene. Ngumiti siya at tumango matapos kunin ni Yrene ang ilang libro.
It's impossible... Hindi ko kayang isipin na may gusto si Clegane rito o kung ano pa man. Kay Daniella siguro pwede pa pero rito?
Napabuntong hininga ako.
Why do I need to think about that? It's none of my damn business!
Buong araw nanatili sa bag ko ang jacket niya.
Ilang beses akong nagpaalam sa teacher para lumabas ng classroom at mag-CR. It was my alibi.
Gusto ko nang dalhin ang hawak kong jacket sa classroom nila pero sa tuwing natatanaw ko siya sa labas ng jalousie windows ng silid ay nanginginig na kaagad ang tuhod ko.
Pagkatapos ng klase ay umaasa pa rin akong maibibigay ko sa kanya iyon. Hindi sumabay sa akin si Babette dahil hindi na ito nakapasok sa huling subject. She has an emergency at home.
Si Ian at Easton naman ay dumiretso sa gym para sa try out ng basketball kaya naiwan akong mag-isa. I know Paolo is busy too.
Naghintay ako sa isang bench malapit sa cafeteria. I'll wait for him. Inabala ko ang sarili ko sa kakapanuod ng kung ano ano sa aking facebook timeline.
Hindi ko pa man nappractice ang dapat kong sabihin sa kanya ay hindi na ako nag-abala pa. I should thank him. Kahit na sinabi ko na iyon noong hinatid niya ako ay parang dapat ko pa iyong ulitin nang mas klaro ngayon.
Nang matanaw ko ang pulutong ng mga taga-hanga nila ay napatayo na ako.
My heart ached when I saw Daniella holding Clegane's arm. Nakangiti naman ang huli at patuloy na nakikinig sa kung anong nakakatuwang sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
Her First And Lust (Campbell University Series 4)
RomanceSpoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is only for the weak. But when she meets Clegane Cordova, she can't deny her feelings. Their blossoming love is only the start of this tale of lost love, betrayal, and misunderstandi...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte