Chapter Three
Cup A
Nangatog ang tuhod ko dahil sa boses ni Clegane. Mas lalo kong itinago ang sarili ko. Hanggang sa labi ang inilubog ko sa tubig. Kahit na malakas ang bagsak ng tubig sa falls ay pigil ko pa rin ang aking paghinga.
"Ano Clay?" Narinig ko ang paglalakad ng ilang mga mabibigat na yapak patungo sa pwesto niya.
Hindi ko na alam kung ano na ang ginagawa ng Clegane na 'yon dahil hindi ko na sila nakikita.
"May tao?" Anang isa niyang kaibigan.
Humalakhak ang isang boses.
"That's a girls clothes who went skinny dipping!" Dagdag ulit ng isa.
"Tapang ha." Halakhak naman ng mas matinis na boses.
Napamura ako sa narinig. Pakiramdam ko'y naririnig ko ang paghinga ni Clegane kahit na malayo naman ang pagitan namin. Shit!
Sinubukan kong sulyapan ulit ang dako kung nasaan ang pwesto ng mga damit ko. Naroon ang apat na lalaki maliban pa sa anak ni Mang Caloy.
Pare pareho silang palinga linga sa paligid para hanapin ako. I guess I'm doomed! Wala na yata akong magagawa kung hindi ang magpakita sa kanila. I mean, not like this. Naked.
Nakita ko pa lang na hahawakan ni Clegane ang mga damit ko ay sumigaw na ako.
"Huwag!" Napangiwi ako na tanging 'yun lang ang nagawa kong isigaw sa dami ng pwede kong sabihin.
Kumunot ang noo ni Clegane. He was tracing my voice.
"Show yourself." Aniya at inilapat ang kamay sa batong kinalalagyan ng mga gamit ko.
Nanatiling tahimik ang mga kaibigan niya habang patuloy sa paghahanap sa akin.
Sa kanilang lima ay isa lang ang kilala ko doon, ang nakatatandang kapatid ni Easton. Si Erwan.
"I can't." Napalunok ako at hindi na nadugtungan pa ang sinabi.
Alam ko namang alam na nilang lahat na wala akong suot na kahit ano pero natatakot pa rin akong aminin 'yon.
Since when did I become this reckless?!
Tumawa ang mga kaibigan niya na mas lalong nagpakaba sa akin.
"Come on, mababait kami. Lalo na ako." Sagot ng isang boses.
"Time is ticking, Miss." Ani Clegane.
"Hindi nga pwede!" Sigaw ko ulit.
Sa lahat ng mga sinasabi nila ay tanging ang kay Clegane lang ang nagagawa kong sagutin.
Umugong ang halakhak ni Clegane sa paligid. My knees weakened. Bakit pati ang boses niya ay nagpapahina sa nanlalamig kong katawan?
"E 'di huwag." Natatawa niyang sabi.
Sa muling pagsulyap ko sa dako nila ay naalarma ako nang makitang aalis na siya sa tabi ng gamit ko. Siguro nga hahayaan na talaga niya akong mamatay sa lamig ng tubig. Kahit na alam kong sa maliit na kubo ang pwesto nila ay imposibleng hindi pa rin nila ako makikita sakaling umahon ako.
"I'm naked!" Napapikit ako matapos isigaw 'yon.
Napahinto ang mga yapak nila at tanging ang lagaslas ng tubig ang bumalot sa paligid namin.
I can hear my heart beating so fast. Mas mabilis at mas malakas kumpara noong unang araw na nakita ko siya at nakadama ng galit. It's different. Parang may sariling ritmo ang puso ko dahil sa matinding kaba.
BINABASA MO ANG
Her First And Lust (Campbell University Series 4)
RomanceSpoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is only for the weak. But when she meets Clegane Cordova, she can't deny her feelings. Their blossoming love is only the start of this tale of lost love, betrayal, and misunderstandi...
Wattpad Original
Mayroong 17 pang mga libreng parte