Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte

CHAPTER 6

128K 2.2K 158
                                    

Chapter Six

Stampede


Tuliro akong nakaharap sa laptop ko habang hawak ang ballpen sa kaliwang kamay.

Napabuntong hininga ako. Ilang oras na kasi akong naghahanap ng mga ideya para makaganti kay Clegane pero wala akong mahanap na pupwede ko siyang mainis nang sobra! Nakarating na ako sa paghahanap ng mas madugong paraan pero hindi ko yata kayang sikmurain 'yon.

Wala sa sariling isinarado ko ang laptop. I texted Babette. Ngayon ang araw na mag-eenroll kami. Hindi ko naman kailangan pang mag-abala pero dahil sa wala akong magawa ay ako na mismo ang nagpresinta kay Daddy para gawin 'yon.

Ako:

Babs, ready ka na?

Babette:

Isa pa. Hindi talaga ako sasama sa'yo!

Hindi ko napigilang matawa sa message niya. She hates it when I call her that. Hindi lang dahil sa mabahong pakinggan kung hindi dahil may katabaan ang kaibigan kong 'yon.

Ako:

Matitiis mo?

Lumapit ako sa salamin para ayusin na ang sarili. It's already nine o'clock and I need to get things done before lunch.

Babette:

Uhm. Titiisin! Sige na, sa school na lang tayo magkita.

Hindi na ako nag-reply pa. Knowing her, ni minsan ay hindi siya na-late sa usapan namin.

Nadaanan ko si Daddy sa veranda kasama ang kapatid ko habang naglalaro ng uno cards.

"Dad, mag-eenrol na po ako." Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

Umangat ang tingin niya para tignan ako.

"Ngayon na pala 'yon. Do you need anything? Si Paolo?" Ibinaba niya ang cards at itinuon ang buong atensiyon sa akin.

I smiled at him.

"Okay na Dad. Hinihintay na ako." Ngumiti ako at binalingan naman ang kapatid ko.

"What's the deal?" Tumaas ang kilay ko sa tanong.

Kung hindi kasi ito naglalaro ng xbox ay nasa kwarto lang ito para sa computer.

Ngumisi ang kapatid ko. Parang nakuha ko nang may gusto na naman siyang ipabili kay Daddy kaya naglalambing.

"Wala."

Tinignan niya si Dad ng tingin na parang may sikreto silang dalawa na walang pwedeng makaalam. Kahit ako.

I rolled my eyes at him.

"Mauna na ako, Dad." Paalam ko bago sila tuluyang iwan.

Naghihintay na si Paolo sa paglabas ko ng mansion. Nakatayo siya sa gilid ng itim na g-wagon habang nakatingin sa akin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto nang makalapit na ako sa sasakyan.

"Ikaw lang Miss?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Oo e. Sa school tayo." Sumakay na ako.

Mabilis naman siyang tumalima para ihatid ako roon. Saint Anthony is fifteen minutes away from our house. Pwede rin namang lakarin pero dahil patirik na ang araw ay magpapahatid na lang ako.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga bulubundukin sa labas ng sasakyan. Ang mga berdeng palayan at mga hayop na kumakain ng damo ang dahilan kung bakit hindi ako nabagot.

Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon