Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

CHAPTER 20

160K 4.1K 1.4K
                                    

Chapter Twenty

Baby


Buong laro ay si Clegane ang naglalagay ng mga alak sa baso namin. Akala ko ay hindi lang niya sadya iyong una na kaunti ang inilalagay niya sa akin dahil ang mga sumunod pa ay mas kaunti pa ang inilagay niya.

"Truth!" Sagot ni Zion ng matapat sa kanya ang boteng pinaikot ni Moira.

"Sinong crush mo sa Saint Anthony?" Kumurap kurap siya na tila hinihintay talaga ang isasagot nito.

Nagsitawanan sila Clegane dahil sa tanong.

"That's lame." Natatawang singit ni Bianca.

Kanina pa kami naglalaro at ipinagpapasalamat kong hindi pa ako natatapatan ng bote. Sa tuwing natatapat naman ang bote kay Daniella ay si Babette ang nag-iikot no'n kaya puro payak ang mga utos niya. 'Yung hindi maisasali si Clegane sa ipagagawa o itatanong niya rito.

"Sino na lang ang pinakamaganda ngayon na narito!" Pag-uulit ni Moira sa tanong niya.

That's still lame. Hindi naman obvious na gusto niyang sabihin ni Zion na siya di ba?

Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan na lang ang mga M&M's na hawak ko. Oo nga at nakakatuwa ang ganitong laro pero nakakainis pa rin talaga!

Napaangat ang tingin ko nang tumikhim si Zion. Pulang pula na ang mukha niya dahil sa kanilang lahat ay siya ang pinakamaputi.

"Am I allowed to answer that?" Hindi na nawala ang ngisi niya.

Is he drunk? Tinitigan ko sila, halos lahat sila ay namumula na at ako na lang yata ang hindi natatamaan ah? Paano ba naman? Napanguso ako nang mahuli ko ang titig ni Clegane sa akin.

"Si Maddy." Bulalas si Zion.

Nalaglag ang panga ni Moira sa sinabi nito. Pati ako ay Awtomatikong napabalik ang tingin sa kanya. Nahihiya namang yumuko si Zion at kinuha ang bote sa gitna.

"My turn." He said.

Walang nagsalita dahil sa sagot niya. Kung nakamamatay nga lang ang titig ni Moira ay baka nangisay na ako.

"Finally!" Bumalik ang sigla ng lahat ng matapat sa akin ang bote.

Tumuwid ako ng upo. My heart pounded at that. Akala ko buong laro na akong hindi matatapatan! Kinabahan tuloy ako ng makita ang ngisi ni Zion.

"Truth or dare?"

Nakita ko ang pagsasalita ni Babette na walang boses, ibinubulong ang salitang dare habang nakangisi.

"Truth." Humugot ako nang malalim na paghinga dahil do'n.

Kinakabahan ako at ayaw kong mautusan ng walang kwentang bagay, gaya na lang ng ipinagawa ni Babette kanina kay Daniella na tumakbo ng dalawang ikot sa mainit na buhangin ng walang suot na tsinelas.

"You sure?" Tumaas ang kilay ni Zion.

Bakit ba gusto yata talaga nilang utusan ako?

Tumango ako bilang sagot.

"Okay. Hmm, kung may hahalikan ka sa grupong 'to. Sino?"

Agad akong napabaling kay Clegane ng wala sa oras. Mapupula na rin ang pisngi niya pero hindi iyon gaanong halata dahil sa mala brazillian male model niyang kulay.

"H-Ha?"

"Oy! Sagot na dali." Si Babette.

Humalakhak si Easton at tinitigan ako. Umikot pa ang tingin ko sa kanilang lahat. Pati ang mga kaibigan niya ay naghihintay ng sagot ko.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay CengCrdva, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni CengCrdva
@CengCrdva
Spoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 57 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @CengCrdva.
Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon