Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

CHAPTER 14

102K 1.9K 155
                                    

Chapter Fourteen

Pabango


Kumalampag ang puso ko at pakiramdam ko'y pati ang tuhod ko ay biglang nanghina nang marinig ang boses na 'yon.

Hindi pa man ako nakakasiguro sa lalaking nagsalita ay nakita ko na ang pagsulpot ni Clegane papasok sa waiting shed na mayroong mahina at kulay dilaw na ilaw.

Nilinga ko ang likuran niya pero siya lang mag-isa.

Napalunok ako nang makitang basa ang kanyang buhok at damit. Is it raining? Sa pagkatuliro ko ay hindi ko na napansin ang pag-ambon ng langit.

His abs went visible in his white shirt.

Napanguso ako nang mahuli niya ang paninitig ko roon. Padabog ko siyang tinalikuran at pinilit na buhayin ang cellphone kong kanina pa namatay. Hindi naman closed space ang kinaroroonan namin pero pakiramdam ko'y nauubusan ako ng hangin lalo pa ngayong narito na siya sa loob.

Wala sa sariling napaupo ako sa loob nang bumuhos na ang malakas na ulan.

Kung nasaan ka man Paolo... Humanda ka na!

"Bakit nandito ka? Nasaan na ang mga kabanda mo?" Agad akong napalunok nang maramdaman ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko.

Bumilis na naman ang tibok ng letse kong puso lalo pa nang humilig siya sa haliging naroon para matitigan ako nang mataman.

Ipinagpapasalamat ko ang pagbuhos ng ulan dahil hindi ko masyadong naririnig ang lakas ng tibok ng puso ko.

Even when he is wet, he's gorgeous!

"Ako ang nagtatanong 'di ba? Bakit ka nandito? Akala ko ba kanina ka pa umuwi?" Sinundan ko ang mga mata niyang inilakad niya sa kanyang itim na wrist watch. "It's almost six thirty." Dumiin ang pagbigkas niya no'n.

Dahil sa pag-shut down ng cellphone ko ay hindi ko na namalayan pa ang oras. Tuluyan nang binalot ng dilim ang paligid habang bumubuhos ang ulan na may kasamang kulog.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hanging umiihip sa waiting shed.

"H-Hinihintay ko si Paolo." Tipid kong sagot bago iiwas ang tingin sa kanya.

I can't look straight in his eyes. Parang may kung ano sa ulan na mas nagpapatindi ng nararamdaman ko para sa kanya.

"Hindi ba niya sinabing nasira ang sasakyan niyo?"

Awtomatikong bumalik ang paningin ko sa kanya. What?!

"H-Ha?!"

Umiling siya. Natigagal ako nang umalis siya sa pagkakahilig sa poste ng waiting shed at agarang naupo sa tabi ko.

Literal na naputol ang paghinga ko lalo pa nang maamoy ang bango niya. Ganito ba kapag nababasa? Mas lalong lumalabas ang mabangong amoy?

"Hindi." Sabi ko.

Gustohin ko mang umurong palayo sa kanya ay tila nakadikit na ako sa kinauupuan ko. I can't even breathe normally. Para akong nasasakal dahil sa lapit niya!

"Ikaw... Bakit nandito ka pa?" Pinaglaruan ko ang mga palad ko.

I can ask him that, right? Pwede naman di ba? Pero bakit ganito ang kalabog ng puso ko. Masyadong malakas at masakit na sa dibdib.

"Obvious ba, naglalakad pauwi." Itinukod niya ang magkabilang kamay sa upuan.

Kitang kita ko ang paninigas ng biceps niya sa kanyang ginawa.

"O bat di ka pa dumiretso?"

Parang gusto ko na lang takpan ang mukha ko. Heto na naman ang pagiging lutang ko. Wala siyang dalang kung ano maliban sa army jacket na nasa kanyang balikat. But I'm sure it's damp too.

Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon