Chapter Sixteen
Research
Clegane Ismael Alameda Cordova.
Ilang minuto akong lutang habang nakatitig sa pangalan niyang isinulat ko sa huling page ng aking notebook.
Sa tuwing umuulit sa utak ko ang pangalan niya ay nararamdaman ko ang pananayo ng balahibo ko sa katawan.
How can a guy's name do that? Kung baga, pangalan niya pa lang ulam na.
Dinagdagan ko ng ilang mga maliliit na puso ang palibot ng pangalan niya gamit ang mga highlighters.
Akala ko huli na iyong araw na tumugtog sila. Akala ko pagkatapos no'n mawawala na ang nararamdaman kong kakaiba sa puso ko. I'm wrong. Parang sa paglipas ng araw ay mas lalo lang iyong lumalala. Parang malubhang sakit na mahirap gamutin!
Natigil ako sa pag-drawing nang marinig ang ingay ng mga kaibigan kong palapit na sa pwesto ko. Malawak ang ngiti ni Babette at gano'n din sila Easton kaya alam kong may nangyaring maganda sa araw nila.
"Guess what?" Ngising asong tanong ni Babette ng makaupo siya sa tabi ko.
Nagmamadali kong iniligpit ang mga kalat ko, lalong lalo na iyong notebook. I can't let her see that.
"What?" Tamad kong sagot.
Naupo na rin sina Ian at Easton sa harapan ko. What is going on?!
"Tuloy na tayo sa Sabado!" Hiyaw niya.
Kumunot ang noo ko. Sabado? Parang wala naman akong natatandaang event sa Sabado maliban sa pag-iisip ko ng nararamdaman ko.
"Anong meron? Birthday mo?"
Agad na napawi ang ngiti ni Babette sa sinabi ko. Napapitlag ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko para lang yugyugin.
"Outing? Saturday? 'Di ba 'yon ang usapan natin noong nakaraang linggo? Ulyanin ka na!"
Nalaglag ang panga ko sa narinig. She's right, I totally forgot about that. Magagawa ko pa bang isipin 'yon kung okupado na ng isang tao ang utak ko?
Napatingin ako sa bag kong buntis. That's where his jacket is. Ilang linggo ko na bang dala iyon para isauli pero wala akong lakas ng loob na ibigay sa kanya sa harapan ng mga kaibigan niya.
Lalong lalo na sa harap ng hitad na si Daniella. Naiisip ko na naman iyong huling tugtog nila! Napabuntong hininga ako.
"Ah, okay." Nasabi ko na lang.
Napasinghap si Babette dahil sa walang amor kong sagot.
"Ano na namang nasa isip mo? You didn't seem excited about it."
"Sorry. May naisip lang ako."
"Hmm... About what? Or should I say who?" Her face lighten up again.
Umiling lang ako at binalingan ang dalawang lalaking nag-uusap ng ibang topic.
"Well... Kung sasabihin ko sa'yong kasama natin ang FTB sa Saturday, magbabago ba ang mood mo?"
Napaangat ako ng tingin at diretsong napatitig sa mga mata niya. Ano?!
Si Clegane, makakasama ko sa Sabado? Ibig kong sabihin, silang lahat?! Damn it! Ni hindi ko pa nga naisasauli iyong jacket na nahiram ko e.
Pakiramdam ko'y hanggang ngayon naaamoy ko pa rin ang bango niya nang gabing iyon. The way I review thoughts about him touching my shoulders makes me wanna scream. Oh my God! Parang ilang segundo pa lang nangyari ang lahat!
BINABASA MO ANG
Her First And Lust (Campbell University Series 4)
RomanceSpoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is only for the weak. But when she meets Clegane Cordova, she can't deny her feelings. Their blossoming love is only the start of this tale of lost love, betrayal, and misunderstandi...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte