Chapter Thirteen
Too Late
Hindi ko na alam kung paano natapos ang araw ko nang kantahan ako ni Clegane. Buong araw akong inusisa ni Babette tungkol doon pero parang natangay sa kung saan ang buong katinuan ko.
Kahit na ilang araw na rin ang lumipas ay wala pa rin akong maikwento sa kanya.
"Ano ikukwento mo na?" Nakangising tanong ni Babette sa akin.
Katatapos lang ng flag ceremony at ngayon ay nakapanhik na kami sa classroom. Paunti-unti ang klase namin noong nakaraang linggo pero ngayong linggo ay talagang kailangan nang magsipag sa pag-aaral.
"Kalimutan mo na 'yon." Napanguso ako at tumahimik na lang sa upuan ko.
Ano nga bang sasabihin ko? Na naging mansanas na pula ako sa harapan ng kabanda niya at lahat ng mga nakasaksi ng pangyayari?
Ngumiwi si Babette at bumuntong hininga.
"Nakakakilig ba?" Patuloy niyang tanong.
Umirap ako at pinaglaruan ang ballpen na hawak ko.
"So bati na kayo?"
"Hindi naman kami nag-away." Tipid kong sagot.
"Hmm... I see. Balik na nga ako sa upuan ko!" Tumayo siya at lumipat sa kabilang upuan.
Napailing na lang ako. Napatuwid ako ng upo nang pumasok si Yrene sa classroom kasama ang isang babaeng sa tingin ko'y inihatid lang siya.
Great. Alam kong classmate ko siya noong una pa lang pero ngayon lang ito pumasok. Sakto naman ang pagsunod sa kanya ng teacher namin kaya nanahimik na ang lahat ng nasa silid.
Tahimik siyang umupo sa dulong pwesto. I'm sure she'll stay there because of our seating arrangement.
Si Easton at Ian naman ay nagkukumahog na pumasok sa room. Tumaas ang kilay ni Babette nang makita ang dalawa.
Mabuti na lang at mabait ang unang teacher namin kaya hindi na niya ito nasita. Sa kabuuan ng araw ay wala akong ginawa kung hindi ang makinig sa mga nakaka-boring na lectures.
Bumalik lang ang sigla ko ng matapos ang panghuling subject namin.
"Tara sa field!"
Hiyaw ko kay Babette na ikinagulat niya dahil buong araw akong tahimik at wala masyadong reaksiyon sa mga nangyayari sa paligid.
"Bakit? Di pa ba tayo uuwi?" Naguguluhan niyang tanong.
"Basta, lika na!" Hinila ko na siya palayo.
Hindi naman makakasama sa amin ang dalawang lalaki dahil sila ang cleaners ngayong araw.
Humihingal ako sa magkahalong excitement at tagumpay nang marating namin ang field. Lumawak ang ngisi ko nang makita ang mga third year at fourth year students na bumababa sa hagdanan patungo sa field dala ang kani kanilang mga rifles.
Inisa isa ko ang titig sa kanila. I'm looking for Daniella and her friends. Noong nakaraang drill nila kasi ay hindi ako nakapanuod dahil sa pagkalutang ng pagkatao ko.
"Bakit ba?" Reklamo ni Babette habang isinisiksik ang katawan sa isang punong sinisilungan namin.
Tanaw sa malawak na field ang mga estudyanteng naghahanda para sa C.A.T. Napangisi ako nang makita si Paolo na nagmamando sa lahat ng naroon.
Ang ibang officers ay inaayos ang mga baguhan para ihilera. Nasa harapan naman si Paolo na seryosong sinusuri ang lahat.
Wala sa sariling napangisi ako nang makita ang nakabusangot na mukha ni Daniella habang hawak ang tingin ko'y pinakamabigat na rifle gaya ng sabi ko kay Paolo. Gano'n din ang mga kaibigan niyang sina Moira at Bianca.
BINABASA MO ANG
Her First And Lust (Campbell University Series 4)
RomanceSpoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is only for the weak. But when she meets Clegane Cordova, she can't deny her feelings. Their blossoming love is only the start of this tale of lost love, betrayal, and misunderstandi...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte