Chapter Seven
Secretly Hoping
"That's the look of love!" Hiyaw ni Babette nang mapadpad kami sa canteen matapos ang nakakanginig kalamnan na tagpo kanina.
O ako lang 'yon? Dahil si Babette naman ay maayos namang nakakapagsalita kahit na hanggang ngayon ay naiinis pa rin sa mga babaeng umipit sa kanya.
Pinaglaruan ko ang bote ng soft drink na nasa harapan ko habang patuloy na nakikinig sa mga sinasabi niya. Ala una na ng matapos kami sa pag-eenrol dahil sa haba ng pila.
Pinasadahan ko ng tingin ang papel na hawak ko.
Magkaklase pa rin kami ni Babette at alam kong kahit mahuli si Easton ay madali niya namang mapapapalitan 'yon kung sakaling mapunta siya sa ibang section.
"Huy! Nakikinig ka ba?"
Ikinumpas niya ang mga kamay niya sa saliw ng bayang magiliw.
Tamad kong tinapunan ng tingin ang nakangisi niyang mukha. Napailing siya at tumigil nang makita ang pagkatamlay ko.
"Okay ka lang? Sabi ko look of love 'yon!" Pag-uulit niya sa sinabi.
Umayos ako ng upo at mabilis na sumimsim sa nasa harapang inumin ko.
"Look of terror!" Rumolyo ang mga mata ko at hinihingal na ibinaba ang soft drink.
What is it with Clegane that makes him different from the other guys that I've met? Bakit kahit na sabihin kong sukdulan ang inis ko sa kanya ay parang may iba pa. Mga pakiramdam na hindi ko madaling maintindihan.
Paghanga? That's it?
Lumipat ng upuan si Babette para tabihan ako.
"Crush mo 'yon no?! Ano nga ulit ang pangalan?" Siniko siko niya pa ako kaya tuluyan nang nawala ang mga problema sa utak ko.
"Hindi 'no! Ako magkaka-crush kay Clegane? Come on, you know me." Sinimangutan ko siya.
Kumurap kurap siya sa harapan ko. Mukhang hindi kumbinsido sa sagot ko.
"E 'di ba naging crush mo si Easton noon? Huwag ka nga!"
Wala sa sariling napabuntong hininga ako.
"Oh? Aminin! Parang ganito karin tulala noon, a? Uy!" Sinundot sundot niya ang tagiliran ko.
"Hindi nga." Nilipat ko ang bag ko sa pagitan namin para hindi na niya ako makiliti.
Eventually she gave up. Ginaya niya akong nakapangalumbaba sa lamesang nasa harapan namin.
Kung naging crush ko noon si Easton at ganito ako katulala, ano pa ngayon? I never felt this way. Siguro nga attracted ako noon kay Easton pero ni hindi nagawang manginig ng tuhod ko sa tuwing nakikita ko siya. Sa tuwing nakakausap ko siya ay nakakasagot naman ako nang normal.
"Hey girls!" Sabay kaming napalingon ni Babette sa pinanggalingan ng alam na namin kung kaninong boses.
"Easton!" Mabilis akong napatayo at napayakap sa bagong dating.
"God, I missed you!" Bulong niya habang hinihigpitan ang hawak sa katawan ko.
"Miss ka rin namin!" Lumayo ako para bigyang daan si Babette na mayakap siya.
"At bakit ka puyat, huh?" Walang pagpipigil na usisa ni Babette nang bumalik na kami sa upuan.
Hindi nawala ang ngiti ko habang nakatitig sa guwapong mukha ni Easton. Sure, he's not like someone but he's hot too! Isa siya sa pinakasikat sa Saint Anthony dahil sa galing niya sa mga arts. Sa katunayan nga ay siya rin ang nananalo sa poster making na ginaganap taon taon.
BINABASA MO ANG
Her First And Lust (Campbell University Series 4)
RomanceSpoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is only for the weak. But when she meets Clegane Cordova, she can't deny her feelings. Their blossoming love is only the start of this tale of lost love, betrayal, and misunderstandi...
Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte