Chapter Eighteen
Sunflowers
Hindi nawala ang mabilis na pagkalampag ng puso ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa flower farm. Tahimik lang ako at hindi nagagawang lingunin ang adonis na nasa gilid ko.
Tanging ang sariwang simoy ng hangin ang pilit na kumakalma sa nagwawala kong puso. Kahit na anong pumapasok sa isip ko na dapat itanong o sabihin sa kanya ay hindi ko magawa.
"Tahimik mo, ah?" Napapitlag ako at agad na napalingon sa pwesto niya.
Damn! He's still smiling again! Tama bang si Clegane ang nasa harapan ko o isang engkantong nagpapanggap na siya?
"Bakit? Kailangan ko bang magsalita?" Nagbaba ako ng tingin.
I bit my lower lip when I heard him laugh.
"Sungit naman." Natatawang sabi niya.
Napanguso ako at tinitigan siyang muli. Ano bang bago? 'Yong buhok niya? Gano'n pa rin naman ah? 'Yong mga mata niyang tila isang malalim na balon ay gano'n pa rin. What changed except with his good aura and smiling face?
His eyebrows furrowed. Iyon ang naging hudyat ko para bumitiw sa kakatitig sa kanya. Okay, I'm thinking too much again!
"Bakit ka ba nandito? Di ba may practice ka ng basketball?"
Itinuon ko ang tingin sa daan habang mahigpit ang kapit kay Gideon.
"You noticed." Hindi nawala ang tuwa sa boses niya.
"Malamang, nakita ko kayo kanina." Umirap ako sa kawalan.
"I got bored. I'm glad you visited the barn." Mas bumilis ang lakad ni Quinty kaya nasa harapan ko na sila ngayon.
"Ah..."
Bumibisita naman talaga ako roon dati, pero nitong mga nakaraang araw na abot langit ang inis ko sa kanya ay umiiwas ako at nagkukulong na lang sa kwarto pagkagaling sa eskwela.
"Bakit? May iniiwasan ka ba?" Napalunok ako nang lingunin niya ako at matamang titigan.
Hindi ba talaga nababawasan ang pagiging gwapo ng isang 'to? Bakit ganito na naman...
Sinubukan kong tumawa kahit na wala namang nakakatawa sa tanong niya.
"Sino namang iiwasan ko?" Umiiling kong sabi.
Nagkibit balikat siya at ibinaling na lang ang tingin sa daan. Agad na nawala ang ngiti ko at napabuga na lang ng hinga sa kawalan noong hindi na siya nakatingin sa akin.
"That's why I'm asking." Aniya.
"Okay."
Lumingon na naman siya kaya ibinalik ko na naman ang sarkastiko sa mukha ko.
"Can you follow me?"
"Ha? Saan naman? Hindi ba sa flower farm tayo?" Naguguluhan kong tanong.
"Basta, may dadaanan lang ako. Follow me and please... Be careful." Aniya bago ako talikuran at patakbuhin si Quinty sa tamang bilis.
Nataranta naman ako dahil sa mga nangyayari kaya mabilis ko na ring pinatakbo si Gideon. Pero hindi gaya noon ay ginawa ko ang sinabi niya. May pag-iingat.
Lumiko kami sa daan taliwas patungong flower farm. Hindi ko man alam kung saan kami pupunta pero nagawa ko pa rin siyang sundan.
Ilang ektaryang taniman ng pinya at niyog ang nadaanan namin bago ko matanaw ang isang bahay kubo na tila naligaw sa malawak naming lupain. Nauna si Clegane patungo roon kaya nauna rin siyang makarating.
BINABASA MO ANG
Her First And Lust (Campbell University Series 4)
RomanceSpoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is only for the weak. But when she meets Clegane Cordova, she can't deny her feelings. Their blossoming love is only the start of this tale of lost love, betrayal, and misunderstandi...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte