Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

CHAPTER 9

108K 2.2K 211
                                    

Chapter Nine

Bawal Sa Bata


Naka-layo na ako pero hindi pa rin tumitigil ang mga luha ko dahil sa pagka-bwisit!

Ilang beses ko pang hinampas si Gideon para mas makalayo pa kami kaya naman panay ang hiyaw ng kabayo ko.

I've never been this angry, at kahit kailan ay hindi ko pa nagawang pagbuntunan ng galit ang kabayo ko. I feel bad for it but I just need to run away from that guy!

Napakapit ako ng mahigpit ng nanginig si Gideon sa mas malakas na hampas ko.

"I'm sorry!" Pinilit kong haplusin ang likod niya sa kabila ng panginginig ng mga kamay ko.

Dumami ang puno sa tinatahak naming daan ni Gideon.

Sa paghampas ng hangin sa katawan ko ay pakiramdam ko'y nakakalma kahit paano ang puso ko. I don't know where I was going but I continue to whip Gideon. Mas mahina kumpara kanina.

Huminga ako nang malalim ng matanaw ang mga malalaking ugat ng puno sa dinaraanan namin. Kinabig ko ang tali ni Gideon para bumagal ang takbo niya pero mas lalo lang siyang bumilis.

Kumalabog ang puso ko ng sumuray ang takbo niya.

"Gideon!" Nanginig ang boses ko lalo pa't hindi niya yata alam kung paano huminto.

Did I scare him too much?

"Gideon!" Dumoble ang kaba sa puso ko ng makitang pagubat na ang tinatahak niya.

He can't run this fast! Kung hindi kami matutumba ay baka magkasugat-sugat naman ako sa mga sangang nakaharang sa daan.

"Gideon stop! Please!" Gumaralgal ang boses ko.

My emotions went from zero to zenith! Parang gusto ko na lang siyang yakapin at humingi ng tawad nang paulit-ulit. Yumuko ako nang makita ang mga malalaking sanga na nakaharang sa daraanan ko pero ang ilan ay nahagip pa rin ang braso ko.

Nagsitakbuhan ang mga kung anong hayop sa muling paghiyaw ni Gideon.

"Gideon, please calm down! I said I'm sorry!" Hinihingal na ako sa pagsasalita dahil namumuo na naman ang mga luha ko sa mata.

Kung madi-disgrasya man ako at mababalian ng buto ngayon ay kasalanan ko. Pero hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Gideon. All he did was follow my whippings! Hindi ba ginusto ko 'to?

Ang makalayo ng mabilis sa lahat ng inis ko sa lalaking 'yon?

"Maddison Alessa Montealegre! Slow the fuck down!" Malakas na sigaw ng lalaking nasa likuran ko.

Ngayon ko lang narinig ang mabilis na takbo ng kabayong nakabuntot na sa akin! Napapikit ako nang mariin ng mapagtantong boses iyon ni Clegane.

Ang boses niyang sambit ang pangalan ko. Sinubukan kong sulyapan ang damuhong Clegane.

Atoy gallops to keep up with me. Seryoso at galit naman ang tanging ekspresyon na nakita ko sa taong nakasakay sa kanyang likuran.

Bumalik ang atensiyon ko kay Gideon. Kahit na kailangan ko siyang pahintuin ay parang hindi ko kaya lalo pa at nasa likuran ko na ang taong tinatakbuhan ko!

Kumurap kurap ako habang pilit na iniiwasan ang mga malalaking sangang nadaraanan ko.

"Maddison! Ano ba!" Sigaw niya ulit ng mas malinaw.

Nasa buntot na sila ni Gideon pero wala akong maisagot sa kanya. Ayaw ko siyang kausapin! I hate him! Mas gugustuhin ko pang ma-aksidente kaysa kausapin siya.

Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon