Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

CHAPTER 10

126K 2.2K 194
                                    

Chapter Ten

Ang Pangit


Matapos ang flag ceremony ay nagsipanhik na ang lahat ng mga estudyante sa kani-kanilang classrooms. Wala pa namang gagawin pero mamaya ay maghahanda naman ang lahat para sa misa. Typical first day, walang klase hanggang sa matapos ang araw.

"Fourth year St. Mark!"

"Halika dali!"

Hiyaw ng mga babaeng halos mabali na ang leeg dahil sa paninitig sa classroom kung nasaan ang mga miyembro ng FTB.

Ayaw ko mang lingunin 'yon ay para namang may sariling utak ang leeg ko.

I didn't saw Clegane after what happened with Gideon. Basta ang huling alam ko lang ay kinausap ni Daddy si Mang Caloy.

Tungkol saan? I don't know. I'm clueless.

Nakita ko sila sa loob ng classroom sa pamamagitan ng mga kahoy na jalousie windows. Dahil simple lang ang school namin at para sa mamamayan ng San Antonio ay wala ring aircon ang bawat classroom maliban sa faculty at kung nasaan ang mga teachers.

Kasama ko sila Babette, Ian at Easton dahil iisa lamang ang section naming apat.

"Ang haharot!"

Nakaismid na reklamo ni Babette lalo na nang mabunggo siya ng isang babae dahil tulala itong naglalakad habang nakadungaw sa classroom na pinuputakti ng mga estudyante.

Napapitlag ako nang akbayan ako ni Easton habang naglalakad sa hallway. Naputol ang tingin ko sa kung saan.

Kahit na marami ang nakatuon sa gawi nila Clegane ay mayroon din namang laglag ang panga nang akbayan ako ni Easton.

What's new?

Noon pa man ay maugong na ang pangalan ng magkapatid na Del Valle sa school dahil sa dami ng mga admirers nila. 'Yun nga lang ay hindi sila makaporma kay Easton dahil bulgaran ang pagkagusto nito sa akin.

"A-attend ba tayo sa misa?"

Nakangisi niyang bulong habang tinatahak namin ang gawi patungo sa aming classroom.

Nagkibit balikat ako at sinulyapan ang dalawang nakabuntot sa amin.

"Bad influence."

Utas ni Ian samantalang si Babette ay parang nag-iisip na rin sa sinabi niya.

"Tanong ba 'yon o pandedemonyo?" Nakakunot noong tanong ni Babette matapos ang ilang segundo.

Napahagikhik ako at sinulyapan ang pag-nguso ni Easton. Hindi na ito nakasagot nang marating namin ang silid namin.

Pakiramdam ko'y may dumaang anghel nang makapasok kami sa loob dahil sa biglaang pagtahimik ng lahat.

Or it's just because of me? Lumabas ba ang mga pakpak ko?

Kinalas ni Easton ang akbay niya sa akin at marahang kinuha ang kamay ko para igiya sa pinakadulong upuan.

Si Babette ay may nakilalang mga kapitbahay kaya abala ito sa pakikipag-usap sa nakita.

"A-attend o hindi?" Tanong ulit ni Easton habang mataman akong tinititigan.

"What do you suggest?"

Bumuntong hininga si Ian bago naghalukipkip. Nanunuod lang sa amin.

"Sa bahay na lang tayo o kaya sa nipa hut!" Tumaas ang boses niya dala ng excitement dahil sa naisip.

Patuloy ang pag-iling ni Ian samantalang ako naman ay naghihintay pa ng ibang sasabihin ni Easton.

Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon