Chapter Eleven
Umaway
Pakiramdam ko'y nabulunan ako sa sarkastikong pagtawa ni Clegane dahil sa sinabi ko.
Siniko ako ni Babette nang makitang laglag ang panga ng lahat dahil sa bigat ng judgement ko sa ginawang pagkanta ni Clegane.
"Really."
Malamig na utas ni Clegane na dumaloy sa buong katawan ko. Shit!
Inirapan ako ni Daniella at kumalas panandali sa braso nito para harapin ako.
"Montealegre, right?" Nakataas ang kilay niyang tanong habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa.
Dumoble ang pagkairita ko sa kanya.
"Glad you know me." Ngumisi ako bilang ganti sa mapanuri niyang titig.
"Saang parte ang pangit sa boses ni Clegane? How dare you say that in front of us?!" Tumayo siya at naghalukipkip sa harapan ko.
"Whoa! Easy!"
Tumayo na rin si Easton ng makitang lalapitan na ako ni Daniella.
Sumunod ang mga lalaki nang maramdaman ang tensiyong bumalot sa kabuuan ng nipa hut.
"Oo nga! How dare you!" Galit na pang-gagatong ng babaeng katabi ni Travis.
Tinapunan ko siya ng matalim na titig na nagpalunok sa kanya. She looks so mad right now. Pati ang babaeng maiksi ang buhok ay parang leon na handa na akong lapain ano mang oras.
Pigil ang bawat paghinga ng mga lalaking naroon pero mas lalo ang kay Babette na gulat pa rin sa naging reaksiyon ko.
Natatawa akong tumayo para pantayan sila.
"Gusto mo talagang sabihin ko?" Tinaasan ko ng kilay si Daniella ng bumalik ang titig ko sa kanya.
Ikaw! Ikaw ang pangit sa lahat at hindi ang boses niya!
"Nielle..." Malambing na pagkuha ng atensiyon ni Clegane sa galit na namumuo sa pagkatao ni Daniella.
Doon pa lang ay tumaas na lalo ang alta presyon ko. I hate everything here! I hate how he's very close to Daniella.
Galit na nilingon ni Daniella si Clegane.
"Nothing's ugly with your voice, Clay!" Aniya at matalim niyang ibinalik ang titig sa akin.
Kung kanina ay namumula ang mukha niya sa kilig, ngayon naman ay sa galit.
Naghalukipkip din ako at ibinalik sa kanya ang parehong intensidad ng titig niya. Kung akala niyang matatakot ako sa kanya dahil sa mas matanda siya sa akin ay doon siya nagkakamali. Ako? Nagpapatawa ba siya?
"Masyadong matalas ang dila mo!" Itutulak na sana niya ako ngunit mabilis na pumagitna sa amin si Easton kaya ito ang naitulak niya.
Agad na napatayo si Clegane sa ginawa nito at hinila si Daniella palayo sa akin.
"Nielle, calm down! We have different opinions. Kung pangit sa kanya, it's fine with me." Seryoso niyang sabi habang nakatitig dito.
Doon lang umamo ang mukha ni Daniella. Muli niyang inilagay ang kamay sa braso ni Clegane. Tumitig naman sa akin ang huli.
Now I feel bad! Tanging ang malakas na pagwawala ng puso ko ang naririnig ko.
"I think we should get going!"
Tumayo si Babette at mabilis na kinuha ang kamay ko para hilahin palayo sa grupo nila.
Hinawi ko ang unang paghawak niya sa akin dahil patuloy akong tinititigan ng Daniella na 'yun! At gusto kong manghina siya sa ganti ng titig ko!
BINABASA MO ANG
Her First And Lust (Campbell University Series 4)
RomanceSpoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is only for the weak. But when she meets Clegane Cordova, she can't deny her feelings. Their blossoming love is only the start of this tale of lost love, betrayal, and misunderstandi...
Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte