[Janine's POV]
Nasa airport ako ngayon, darating kasi yung so called "kababata" ko eh. Si kuya Wayne. Actually, ako lang tumatawag sakanya ng ganun. Siya lang din naman tumatawag sakin ng Isabelle. Super close kami niyan dati eh.
By the way, highway. Joke! Ako nga pala si Janine Isabelle Takashi Alcantara. I'm half Japanese and half Filipino. Pero more on Filipino cause I grew up here.
My family? Next time nalang. Tinatamad akong mag kwento.
Nasan na ba yung lalaki na yun? Akala ko bang 9 ang arrival niya?! 11 na eh!!
Ewan ko ba kase tuwing uuwi si kuya Wayne dito, ako lagi ang nagsusundo. After 5 years, uuwi ulit siya at sabi nila, he will stay here for good. Iba ata ang atmosphere? Akala ko wala ng balak umuwi yun eh.
May sasabihin akong secret sainyo, pero atin atin lang 'to ha? Peksman?
Crush ko si kuya Wayne nung grade 6 ako. Hihihi. Noon pa naman yun eh, ngayong 16 years old na ako, wala na yun. Tinatanong niyo age ni kuya? 23 na siya. Secret ulit yon ha. Dami na natin secrets! Last niyo na yan ha.
[Kurt's POV]
I'm now at home! Nandito na ako sa Pilipinas. It's been 5 years since I left Philippines to study in Canada.
Bigla nalang akong pinauwi ni mama at papa, I have no reason to stay here yet they want me to live here. Kilala ko na kung sinong susundo sa akin nito, sino pa ba? Edi yung makulit/pasaway kong kababata. Si Isabelle!!
Siya lagi sumusundo sa akin eh, di ko alam bakit. Utos daw ni tito Xander at tita Vivian, parents niya. Tagal ko ng kilala si Isabelle. Since baby pa lang siya, kilala ko na yan. Super childish.
Hanggang ngayon kaya ganun parin siya?
"Kuya Wayne! Kuya Wayne!" kahit malayo yang tumatawag sakin, kilala ko kung sino yan. Parang naka microphone eh.
Nang makalapit na ako sakanya, "Ikaw parin talaga ang sundo ko? Di ka parin nagbabago, maingay ka parin." makasigaw kasi eh, parang nasa kabilang bundok yung kausap.
Biglang sumimangot may kasamang pout. Kahit ganito lang 'tong babaeng to, cute parin talaga.
"As if may choice ako? Wag ka kasing umuwi para wala akong sinusundo!!" ayan na, nagbwisit na agad. Nakakasakit ng ulo 'tong babaeng 'to.
"Wag ka ng magbwisit jan. Umuwi nalang tayo. Pagod na pagod ako at inaantok."
Masakit din ang ulo ko dahil sa nakakarinding boses nitong babae na 'to. Isa pa, may jetlag pa ako.
"Ugh! Fine kase." pasigaw niyang sabi sakin, tingin tuloy ibang katabi namin. Tignan mo nga naman 'to.
Papunta na kami sa kotse ng biglang napatingin ako sakanya, kahit parin talaga napaka kulit at isip bata, maganda parin talaga siya.
Wala sa mukha ni Isabelle ang 16 years old, mukha na siyang matured pero kilos bata!!!
Binawi ko yung mga mata ko nung nakita kong nagtagpo yung mata namin. Namiss ko rin si Isabelle ng sobra. She's like a sister to me.
Nakasakay na kami ng kotse para umuwi na, "Kuya Wayne, sa bahay tayo uuwi dahil nandun din naghihintay sila tito Miggy atsaka si tita Cindy. Nagpahanda daw sila mommy and daddy dun."
"Okay." matipid kong sagot sakanya, mgkaiba kasi ugali namin eh. Boring akong tao.
Nandito na kami sa Alcantara mansion, siguro nga nandito sila mama at papa. Mukhang may party eh, konting handaan. Parang ganun?
"Sir, kami nalang pong bahalang magpasok ng mga maleta ninyo. Kanina pa po kasi kayo hinihintay nila ma'am Vivian eh." pagkasabi sakin noon ni kuya Willy, isa sa mga boy dito sa bahay, pumasok na kami ni Isabelle.
Nakita ko agad si tito Xander kausap si papa. Mukhang seryosong usapan ah. Hindi man lang ako napansin na parating.
"Hey, welcome back Kurt. How are you? Wow, you're getting handsome huh." napangiti naman ako kay tita Vivian, she's so thoughtful.
"That's the cause of being single tita. You can do whatever you want to. No stress at all." you heard me right. I'm single. Pagkatapos ng isang heartbreak, natakot na akong magmahal ulit..
"You're single? Wala sa itsura." napatawa bigla si mama sa sinabi ni tito Xander. Eh nasa genes ata yan eh.
"Hm. Kamusta naman kayo ni Janine? Diba siya ang nagsundo sayo?" nasaan nga pala si Isabelle? Kanina andito lang yun eh.
"Yes, pa. I'm with her, bigla nalang siyang umalis."
"Nasa kwarto niya, pinagbihis ko ng maayos eh. Marami kasing tao sa labas. Ikaw din, mag-ayos ka muna at may pag-uusapan tayo." ano naman kaya 'tong pag-uusapan ang sinasabi nila? Curious. Pero mamaya na alamin, mag bibihis muna ako.
Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ulit ako at nandun na si Isabelle, wearing a floral dress with spaghetti strap. I admit, she's a godess. She's like Aphrodite with innocent eyes.
Nung makalapit na ako sa table nila, "We have important an important things to say, son."
"Go ahead, pa." Psh. Ano nanaman kaya 'tong pakulo nilang 'to.
"Ngayong araw na 'to, engagement day ninyo." ha? Ano raw? Hindi malinaw pagkasabi ni papa eh.
Biglang napatawa yung katabi ko ng sobrang lakas, "HAHAHAHAHAHAHA!! Ano nanamang trip 'to, dad?" biglang sabi ni Isabelle tapos humarap sa mga parents namin habang di parin tumitigil tumawa.
"Your late grandfathers made an agreement in their last will and testament." hindi madigest sa utak ko kung anong sinasabi ni tito Xander at papa.
Magsasalita na sana ako kaya lang naunahan ako ni Isabelle, "Tito, I don't think this conversation of us will work. Wala akong balak pakasalan si kuya Wayne. He is like a brother to me."
I should be happy because she's not agree with them. Pero bakit ganun? I felt something inside of me. Something disappointed?
"You don't understand, iha. Hindi natin mapapakialaman ang kahit na ano sa mga kompanya kung hindi kayo makakasal. At kailangan, sa age mo na 16, kakasal ka na." what?! Anong trip ng mga lolo namin.
"Nak, kung wala tayong magagawa sa lalong madaling panahon..babagsak ang pinaghirapan ng mga Alcantara at mga Altamonte. It's for your own good and for your future." hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakasira ng tuktok ang kakaisip!
"That's impossible. They are impossible." mahinang bulong ni Isabelle may kasama pang buntong hininga.
[A/N]: My second story. Read the first story I've made! On-going pa po eh. Medyo naging excited ako sa pag buo ng plot ng story na to sa utak ko that's why, ito nanaman ako. Thank you for supporting!
Panuorin niyo yung "We Got Married" ni Key and that beautiful Japanese model, Arisa Yagi. Sila yung inspired characters ko.

BINABASA MO ANG
My Sixteen Years Old Bride
Teen FictionMarriage? Big word and big responsibility. Paano kung ikakasal ka sa taong hindi mo naman pinili? At ikinasal kayo sa di tamang edad? What will be the result of your married life? Cover by: ThatSammyGirl Original Story by: bivhynkynitan