Monday defines as hatest day of all times. I must admit, kagaya rin ako ng ibang mga estudyante na napapagod din gumising ng maaga. I love school, of course.
But waking up in the earliest morning is really not my thing. May iba akong gustong gawin ngayon. Parang gusto kong... parang...
parang...
parang...
...parang gusto kong kasama si Wayne buong magdamag.
Na-adik na nga yata akong kasama siya eh. Kaimbyerna naman kasi eh. Kasama ko nanaman siya kahapon, whole day. Dito kasi siya natulog sa mansyon. Nung una, dun muna siya sa guest room. Kaya lang nung tulog na lahat sa bahay, lumipat siya sa kwarto ko at dun siya natulog.
Wag kayong green-minded. Wala kaming ibang ginawa no. Mga bastos na 'to.
Naaalala ko nanaman yung kiss namin kahapon ng umaga! Shemay. Nahiya ako dun ha, first move kaya ako. Pero okay lang, di ko pinagsisisihan. At least... hm! Nakiss ko nanaman siya.
And now, back to basics. On my way na ako papunta sa Royal Slater Medical University kung saan ako magcocollege. First day of being a college student. Parang wala man sakin eh. Di ako nakakaramdam ng excitement or nervousness.
Curious lang ako kung sino ang mga classmates ko. I'm just wondering kung may kakilala ba ako sakanila o wala. But I'm hoping na may kakilala ako sakanila. Iba parin kasi yung feeling na may kaclose ka sa mga classmates mo diba?
"Ma'am, nandito na po tayo." Biglang sabi sakin ni manong. Di ko tuloy namalayan na nandito na pala kami sa university.
Agad akong bumaba ng sasakyan,
"Ah. Manong? Balik nalang po kayo mamayang dismissal namin okaya papatawag ko nalang kayo pag magpapasundo na ho ako."
Tumango lang siya at pinaandar na yung engine ng kotse.
Habang tinatahak ko yung way papuntang registrar's office, may mga naririnig akong commotion
"Hey, hindi ba siya yung unica ija ng Alcantara family?"
"Omg! She's a goddess. Kamukhang kamukha niya si Princess Vivian."
"Sino kaya yan? Parang sikat, sis. Pinagtitinginan eh. Tapos mukha pang freshmen student."
"Tanga, sis. Siya yung anak ni Princess Vivian Alcantara. Heiress of Grand Empire Group of Companies."
Grabe naman 'tong mga 'to kung pag-usapan ako. As far as I heard from them, princess ang tawag nila sakanya. Narinig ko narin 'to kay papa eh. My mom was the campus princess in their time.
Aminado naman akong maganda si mommy eh. Kaya nga mana ako eh. Naks! Hahaha.
Hindi ko alam kung saan hahanapin ang registrar kaya naglakas loob na kong magtanong.
"Hi, can I ask where's the registrar's office here?" Tanong ko dun sa girl na naka mermaid curl yung buhok.
Nagsmile siya sakin, lapad ng smile eh.
"AYIIIEEE!!! YOU ARE JANINE ISABELLE ALCANTARA, RIGHT?!?!"
Punyeta ha. Ingay nitong bruhang 'to. Eskandalosa ampupu!
"Yes. Why?" Kahit na inis slash imbyerna ako sa mukhang bungangang babaeng 'to, di ko parin inalis ang smarty look ko at ang poise. Trademark ako ni mama eh. Kailangang ingatan image niya.
"Oh my f--! I can't believe this! Idol kasi kita eh. You're so pretty."
Eh yun naman pala eh. May pambawi. Sige, abswelto na siya sa kasalanan niyang pagsigaw ng sobrang lakas.
BINABASA MO ANG
My Sixteen Years Old Bride
Teen FictionMarriage? Big word and big responsibility. Paano kung ikakasal ka sa taong hindi mo naman pinili? At ikinasal kayo sa di tamang edad? What will be the result of your married life? Cover by: ThatSammyGirl Original Story by: bivhynkynitan