Chapter 12: Lovers' Quarrel

3.7K 89 0
                                    

[Janine's POV]

Natapos ko na yung activities sa school. Ewan ko ba, sobrang stress ako dahil sa school works. Malapit na kasi yung kasal kaya kailangang mag focus sa paghahanda.

"Babe, after ng wedding, pwede bang magbakasyon muna tayo for a week?" kasama ko ngayon si Wayne. Di ko nga alam eh, laging nakabantay sakin. Para tuloy akong may body guard. To be specific, gwapong body guard. Hehe.

"Talaga namang magbabakasyon tayo, diba? Kaya nga tinapos ko na yung mga quizzes and exams ko for this month eh."

"Saan mo gustong pumunta after ng wedding?"

"Kahit saan." daming tanong eh.

"Pwede ba yon? Kailangan bago ang kasal, may maisip ka ng lugar ha. Alam mo na, honeymoon." may kasama pang kindat.

O________O

Honeymoon? Seriously? Ang bata ko pa para dun no. Tama na yung nakagawa na kami ng isang pagkakamali.

"Wayne, wag muna yon. Bawal eh." ayoko muna ngayon dahil hindi pa karapatdapat sa edad ko. Sana lang, maintindihan niya.

"Tch. Ayaw mo lang kaya ganyan. Parang di pa natin ginawa yun ah."

"Kahit na may nangyari ng ganun, wag na nga muna. I'm too young."

"Sabihin mo, ayaw mo lang talaga. Tch. Di naman kita pipilitin kung ayaw mo." hindi naman kasi sa ayaw ko. Kulit nitong lalaking 'to. Azar!!

"Ay, naku. Bahala ka jan. Kasakit ka ng ulo." pagkasabi ko non, umakyat na ko papunta sa kwarto ko. Inis eh.

"Isabelle! Come back here!" narinig kong sumisigaw pa siya para tawagin ako. Tch. Kahit mapaos siya kakatawag sakin, wala kong pake!

Napansin ko na parang mas nagiging childish siya ngayon kaysa sakin. Super bipolar niya, paiba-iba ng mood. Naalala ko tuloy nung nag mall kami kahapon

*Flashback*

"Babe? Saan mo ba gustong kumain?" tanong niya sakin with wide smile. Sarap sa feeling ng ganito araw-araw.

"Kahit saan, okay lang ako. Kung saan mo gusto, dun nalang din ako." nagsmile din ako sakanya, yung ngiting litaw lahat ng ipin.

"Meron bang restaurant na kahit saan ang pangalan? You should be the one who will decide."

"Kaw na. Kaya mo na yan. Wala akong maisip na gusto ko eh."

"Sige, dun nalang tayo sa Korean resto." biglang naging matamlay yung aura niya.

"Osige, tara na." then I hung my arm in his. Nagulat ako nung bigla niyang tinanggal yung pagkakahawak ko sakanya.

Pinabayaan ko nalang para di na lumaki pa yung issue sakanya.

Nung nandun na kami sa MinWoo Korean Restaurant, sinalubong kami nung waitress at tinuro yung table for 2. Bigla nalang siyang umupo, di man lang niya ako pinanghila

T__________T

Kung sabagay, what would I expect?

Nung oorder na, "Sabihin mo nalang kung anong order mo. I already gave mine." he said with a cold voice, a very cold one. Para akong nag-ice bucket challenge sa sobrang lamig ng pakikitungo niya sakin ngayon.

Binigay ko na sa waitress yung order ko at iniwas nalang yung tingin sakanya. Ayokong nakikitang cold siya sa akin.

---

After namin kumain sa restaurant, agad na kaming pumunta ng sasakyan. Di man kami nag-uusap sa mall kanina hanggang ngayon. Ano ba kasing problema nitong gung-gong na 'to?

"Tell me, what is your problem?" hindi na ako nakapagpigil at kinausap ko na siya.

No response. Ayoko na ng ganito.

Hanggang sa makauwi kami, walang pansinan. Miss ko na siya. Hanggang sa ako na mismo yung lumapit sakanya.

"Wayne? Please, we should not be like this. Kailangan natin ng both happiness, right?" dahil dala ng emosyon, I hugged him. A very tight but full of care hug.

Dun lang kami nagkaayos.

*End of the flashback*

But now, iba eh. Ayokong ako ang magsosorry dahil wala naman akong ginawang masama sakanya.

Kailangan niyang intindihin at respetuhin kung ano ang gusto at ayaw ko.

*tok tok* *tok tok*

Kahit di na sabihin kung sino ang kumakatok, alam 'kong si Wayne na 'to.

"Babe, please talk to me. Open the door."

*tok tok* *tok tok*

He keeps on knocking the door but still, I don't want to open it.

"Hey, I'm sorry. I didn't mean to act like a kid. Let's settle this."

Hindi ko parin binuksan yung pinto, hanggang sa wala nakong naririnig na kumakatok or nagsasalita sa labas.

Sisilipin ko sana kung wala na ba talaga siya nung biglang nagbukas yung pintuan and there he is..

Obviously, kinuha niya siguro kila manang yung susi ng kwarto ko. Tch.

He held my hand, looking straightly into my eyes. I can see the sincerity in his actions.

"I'm sorry. Imperfect lang akong tao. I can't promise to make you happy everyday. But I promise to you, pag nasaktan kita o pinaiyak, handa akong gawin ang lahat para mapasaya ka ulit."

Naiiyak ako sakanya. Bakit parang nag-iba siya?

"Kaya ko tinatanong lahat ng gusto mo ay para mapasaya kita. At hindi naman nakukumpleto ang relationship kung walang challenges diba? Kaya pag may misunderstandings tayo, we should settle it right away. I want us to be a perfect couple. Gusto 'kong maging isang mabuting asawa sayo, at mabuting magulang sa mga magiging anak natin."

Naluha na talaga ako.. ano ba 'to. Hindi niya naman ako mahal diba? Pero bakit kailangan niyang sabihin sakin yung mga ganitong bagay?

Hinalikan niya yung noo ko, "Isabelle, kahit bigyan ako ng isang daang problema, basta ikaw ang katuwang ko.. walang problema sakin. Haharapin ko ito ng buong buo. I promise, I will never give up no matter what."

And he sealed his promises with a very passionate kiss.

[A/N]: Kinilig naman ako kay Wayne. Sana may kagaya pa niya sa mundo ngayon.

Thank you for reading x

-bivhynkynitan

My Sixteen Years Old BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon