Chapter 13: Tragedy

3.8K 88 0
                                    

Kanina pa ako wala sa sarili. I don't know why, pakiramdam ko kasi may hindi magandang mangyayari. Kanina pa rin ako naghihintay kay Wayne dito sa mansyon. Sabi kasi niya sakin, he will visit me at magpapaalam kila mommy and daddy kung pwede ba siyang makitulog dito for a week. Wala kasi sila tita Cindy sa bahay.

"Ma'am, pinapatawag po kayo ng mommy niyo." bigla akong tinawag ng isa naming maid.

"Bakit daw po, manang?"

"May bisita daw po ata eh. Pumunta daw po kayo sa library." tumango nalang ako at umalis na si manang. Agad naman akong nagpunta sa library dahil nandun sila daddy, naghihintay sakin. I suddenly got curious, sino kayang bisita yun?

Nang nandun na ako sa harap ng library, kumatok ako at agad naman binuksan yung door. There, I saw my mom, my dad and my fiance.

"Oh, Janine. Have a seat. May pag-uusapan tayong importante." luh. Nakakakaba naman si daddy, bigla nalang magsasabi ng ganito. Umupo ako and gave them my confused look.

"This is the proof that you are the heiress of Alcantara group of companies. Since you and Kurt will soon get married, I think, this is the time to give what you deserves." so, eto na ba talaga 'to? Wala na bang bawian sa kasal?

Dad gave the envelope to me and there, isang will and testament na sinasabing sa akin mapupunta lahat ng ipinundar ng mga ninuno at mga magulang ko. I can see na nanggigilid na yung luha ko.

"But dad, I don't deserve this. Si kuya nalang. He is much more responsible than me. I just can't accept it." binigay ko ulit kay daddy yung envelope, kahit naman anong sabihin nila, hindi naman ako aatras sa kasal eh. I don't need something para pumayag sa kasal dahil bukal naman sa loob ko yun. Natutunan ko na ngang mahalin ng sobra si Wayne eh.

"Baby, hindi naman ikaw ang magmamanage ng lahat. Kayong dalawa ng mapapangasawa mo together with your kuya Rome. Kinausap na namin siya about this, hindi siya pwede dahil meron na siyang sariling company." alam ko ang hirap pag may hinahawakan kang isang malaking negosyo. Nawawalan ka na ng time sa sarili mo at sa pamilya mo. That's why I don't want to manage a company. Gusto ko, nasa pamilya ko lang ang atensyon ko.

"Mom, dad, mahihirapan ako. Ni wala akong experience sa ginagawa ninyo. I really can't."

"Don't worry, Isabelle. Hindi kita hahayaang mahirapan. I will be the one who will manage the two companies. Sayang ang pinagpaguran nila tito kung mapupunta lang sa board of directors ang lahat lahat."

"Are you sure? Ayokong mahirapan ka o anu man yan. Ayoko rin na pabayaan mo ang sarili mo sa sobrang busy at pagod."

"Wag kang mag-alala. I can handle everything. Even our family in the future, hinding hindi ko papabayaan ang pamilya natin. I will always find a time for everything." then he gave me a very confident smile. Hindi ko alam pero kailangan kong magtiwala sakanya.

"Hindi talaga kami nagkamali sayo, Kurt. Ngayon lalo ko ng naiintindihan ang gustong mangyari ng mga lolo ninyo." ako? Hindi ko parin alam kung bakit. I'm still clueless. Ang alam ko lang, masaya ako kung anu man binabalak ng mga lolo namin.

"Kung ganun, tapos na yung mga dapat kong sabihin sainyo. Alam kong kailangan niyo ng quality time together." yun yung hinihintay ko eh! Bibigyan din pala kami ng break. Hehe. Eto na naman ang kilig vibes.

[Kurt's POV]

Agad kaming lumabas ni Isabelle sa library ng mansyon nila pagkatapos kaming kausapin nila tito Xander. Hindi ko alam kung anong nangyare bakit pumayag akong magmanage ng dalawang companies. Nakakabaliw siguro yun. Pero kakayanin 'to, para sa mapapangasawa ko at mga magiging anak ko, syempre. Alam ko namang magiging super busy ako pag nagmanage na ako ng mga companies, but like what I've said earlier, hahanap at hahanap ako ng oras para sakanila dahil turo ni papa sakin na family ang pinakaimportanteng bagay sa isang tao.

"Hey, bakit ang lalim ata ng iniisip mo?" bigla akong tinawag ni Isabelle. Medyo nawawala ako sa sarili ko, hindi ko mapaliwanag nararamdaman ko.

"Ah, wala. Don't mind me. Anyway, I'll be out of the country for 2 weeks."

"What? Bakit ngayon mo lang sinabi sakin? Kailan ka aalis? Saan ka pupunta?" ayan na ba sinasabi ko eh, maghihisterical pag nalaman na aalis ako.

"Woah. Easy! It is a business matters with my parents. Bukas ang flight ko papuntang Korea."

"What?! Ngayon mo lang sinabi sakin tapos bukas ka na pala aalis? Seriously, I'm starting to hate you." tch, I hate her when she's like this. So childish. Pasalamat siya tumatalab charisma niya sakin.

"Tch, if I know. You're head over heels in love with me." then I chuckled.

"Spell asa!"

Hahaha. Small talks, lambingan. Mamimiss ko 'to, 2 weeks din. Parang medyo matagal?

----

[Janine's POV]

1 week without him. A week of sadness. I already miss him. School at bahay lang ako ngayon. Walang mall or night life. Hay, di ko maintindihan ang sarili ko. Parang incomplete ako these past few days. Yeah, parang ang OA ko diba? Saglit na panahon, namiss ko na agad. What more kaya kung kasal na kami? Basta, ayoko nang mag overthink.

*kriiiiing* *kriiiiing*

Agad kong sinagot yung call, baka si Wayne kasi eh.

"Hello?"

[Baby! Ang mommy mo 'to. Naaksidente daw si Kurt!]

What? They are joking right? Yes, they are!

"Mom, that's not a good prank or joke."

[I'm not joking, baby. Fix your things. Aalis tayo papuntang Germany.] naririnig ko sa boses ni mommy yung takot.

"Why Germany mom? Akala ko bang nasa Korea siya?"

[No more questions, basta susunduin ka namin ng daddy mo. May inaasikaso lang kami dito sa company. I love you, baby. I know everything will be alright.]

I ended the call, then I suddenly felt my tears running through my cheeks. Ayokong umiyak pero di ko mapigilan. Bakit ngayon pa? Ngayon pang mahal ko na siya. Yes, I'm in love with him.

"Lord, please lang. Alam ko pong di ako naging super bait na tao. Pero sana po wag niyong pabayaan yung taong nagpapasaya sakin. Yung taong mahal na mahal na mahal ko. Alam ko pong mahal niyo rin po ako at hindi niyo siya pababayaan. Promise po, I'll be a good girl na. Amen."

Alam kong maririnig ni Lord lahat ng prayers ko. Wayne, wait for me...

----

Nasa airplane na kami, kasama ko sila mommy at daddy. Wala akong ibang iniisip ngayon kung hindi si Wayne.

"Stay strong, loves... I'll be there." bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos ng ilang oras na biyahe, nandito na kami sa Germany airport. Parang di ko maimagine na nakikita si Wayne sa isang hospital bed. Nasa labas na kami at pasakay na ng kotseng sumundo samin. Tahimik lang ako sa sasakyan ng bigla akong dinalaw ng antok...

----

[A/N]: Sorry for the late update.

#MSYOBTragedy

My Sixteen Years Old BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon