Black Building
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point of View
Hindi ko alam kung para saan pero ng hawakan noong Kenneth ang kamay ko pakiramdam ko may kuryenteng dumaloy sa aking katawan matapos niya itong dampian. A foreign feeling crawled on my system kaya halos manlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya.
Ano ito? Poste ba siya ng Meralco? Bakit may ganitong pakiramdam?
Dala ng kaguluhan, tuluyan niya akong nahila palayo sa babaeng hawak-hawak ko. Nang lingunin ko ito'y halos patayin ako sa mga titig, ngunit sino nga ba siya para magpadala ako? Sino ba siya para katakutan ko? Masyado na akong maraming napagdaanan para magpadala sa mga simpleng pananakot.
"Hoy! Ikaw babae hindi mo talaga ako kilala 'no?!" Galit na galit na sigaw nito na para bang anumang oras, nakahanda na para sugurin at saktan ako pero katulad nga ng hindi nagbabagong pananaw ko mula ng unang araw na tumuntong ako sa lugar na ito, hindi ako matatakot sa kahit na sino sa kanila. Hindi ako dapat magpakita ng kahinaan dahil alam kong maaari nila itong samantalahin.
Tumatak na sa utak ko na hindi ako dapat nagpapatalo at nagpapasindak sa anumang pagbabantang ibabato nila sa'kin kaya nilingon at sinalubong ko ang mga galit niyang mga mata sa ekspresyon kong walang gana.
"You know what? I don't care. Sino ka ba? Bakit hindi ka na lang magpakilala sa akin para itigil mo ang mga kakatanong ng paulit-ulit?" Dinagdagan ko pa ang walang gana kong sagot.
Wala akong ganang makipagsigawan o makipagtalo sa kanya. Mas pipiliin ko ang makipag basagan ng mukha kesa ang makipagtalo sa walang kwentang bagay. At least kung papayag siya na magsapakan na lang kami, ayon kahit papano may patutunguhan, hindi katulad ng ganito. Sagutan at sigawan sa walang kwentang bagay at punto.
"Aba talaga bang—
"Lucil tama na!" Walang nagawa ang Lucil na iyon ng pumagitna si Kenneth sa aming dalawa. Hinarap siya nito at doon ko nakita kung paano kumislap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa lalaki na tila ba nawala ang bahid ng galit sa akin kanina.
Sandaling nabago ang kaniyang ekspresyon habang nanlalagkit ang mga titig kay Kenneth. Now, her slut attitude takes it over, huh? Parang hindi na siya nahiya na harap-harapan niya itong ginagawa. Napairap ako sa kawalan. I can't take it!
"But she started it Kenneth" Protesta ni impakta habang ang boses ay parang palakang naipit.
Nakakadiri! Kung magpapa-cute sana siya ginalingan na niya. Ang sakit sa tainga ng boses.
"Hindi ko tinatanong kung sino ang nagsimula sa inyong dalawa. Basta ang sabi ko, tama na!" Sagot noong Kenneth sa boses na punong-puno ng awtoridad.
Gusto paman nitong sumagot ay hindi na nito nagawa. Doon ko nakita na mukhang malakas ang kapangyarihan ng lalaking ito sa mga estudyante, hindi ko akalaing mapapaamo niya ang impaktang 'yon ng ganun kadali.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)
Любовные романыLife is full of mysteries. We don't know what's going to happen or what is meant to happen. We cannot predict the future or even on what's going to happen tomorrow. It's like, we are being blindfolded and our eyes was being covered by dark and dange...