Chapter 17

13.1K 371 8
                                    

We will play

~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Ano ba talagang ginagawa natin dito?" Alia asked for God knows how many times. Hindi ko siya sinagot at nauna na lang sa paglalakad.


Madilim ang buong paligid. Isang abandonadong lugar. Parang isang gusali na matagal ng hindi nagagamit. Nagpalinga-linga ako sa buong paligid at hinanap ang taong kausap ko.


Hindi rin ako pwedeng magkamali pero ito ang address na ibinigay niya sa akin kung saan kami dapat magkikita. Hindi ko alam kung bakit ganitong klase ng lugar ang napili niya pero hindi naman ako pwedeng magkamali. Ito nga ang lugar na iyon.


Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng suot kong black jeans. I checked the text message and it says here the exact location including the landmarks.


"Tinanong mo ba kung sino siya? Cassiopeia even if you cannot remember the things from your past pwede nating malaman ang mga sagot. Tutulungan kitang maghanap, but please umalis na tayo. Hindi ligtas ang lugar na ito!" Anito.


Pero hindi ko pwedeng hayaan ang sarili ko na makulong lang sa bagay na iyon. Kailangan kong alamin ang lahat. Kailangang ako mismo ang umalam sa mga bagay na iyon dahil hindi ko na ito kayang iaasa pa sa ibang tao. Hindi ko na kaya pang maghintay nalang sa wala. Hindi ko na kaya pang mangapa sa dilim kung pwede naman akong gumawa ng sarili kong ilaw para malinawan. Kailangan ko ng kumilos.


"Hindi iyon ganun kadali, Alia! Dahil kung talagang madaling mahanap ang sagot bakit ganito? Bakit hindi ko pa rin maalala?" Pinagmasdan ko ang babaeng kasama ko. Kaming dalawa lang sa madilim at abandonadong lugar na ito. Kanina pa niya kinokontra ang desisyon kong ito pero hindi ako nagpapapigil.


May nakapagsabi sa akin na kilala niya ang pumatay sa mommy ko kaya ako pumunta rito. Hindi ko maalala ang lahat, kung paano siya namatay dahil wala rin akong maalala sa buhay ko noon matapos naming umuwi galing Korea.


"One year ago, umuwi kami galing Seoul. Pero bakit wala akong maalala sa buhay ko rito sa Pilipinas noon?" Nakita ko kung paano manlaki ang kanyang mga mata. Para bang nagulat sa mga sinabi ko kahit na halos iyon ang parati kong daing sa kanya. Hindi ko maalala, wala akong maalala.


"I tried to asked you for so many times pero wala ka ring maibigay na sagot sa akin Alia! I thought we're friends. Pero bakit parang katulad ka lang nila kuya na mailap sa mga kasagutan?"


Kakampi ko ang mga kapatid ko rito pero sa bawat araw na lumilipas at sa bawat tanong na gusto kong sagutin nila ganito ang nangyayari. Wala silang masabi, wala silang maisagot kaya ngayon nagdududa na ako kung bakit. Minsan iniisip ko nalang na siguro may kinalaman sila rito. Ayoko mang isipin pero siguro...


"Nawawalan ka na ng tiwala sa mga kapatid mo, Cassiopeia. Magtiwala ka lang, huwag mong iisipin na hindi—


"Kung ayaw niyong mag-isip ako ng kung ano ano sabihin niyo sa akin! Lahat-lahat! Ang buhay ko rito noon at bakit wala akong maaalala." Ngunit sa gitna ng pagtatalo naming dalawa, nagulat na lang ako sa mga nakaitim na biglang lumabas mula sa madidilim na parte ng lugar. Ngunit ang higit na ikinagulat ko ay ang mga babaeng hawak-hawak nila.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon