Never
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point of View
"Babalik na muna kami sa Academy. Hindi kami pwedeng magtagal dito dahil ilang oras lang ang ipinaalam namin sa tita ni Erin. But maybe we can go back by one of these days." Nagpa-alam na kami. It's almost 5pm kaya hindi na kami pwedeng magtagal pa. Baka mapagalitan na kami. Masyado ring malaki ang gulong nangyari kanina kaya naman mahirap kung dadagdag pa kami sa sakit ng ulo ng faculty.
Ilang pag-papaalam pa. Naging maayos na rin ang mga pag-uusap namin. Sa wakas ay nawala na rin ang palitan ng maaanghang na salita ng isa't-isa. Wala ng away, wala ng gulo sa pagitan ng lahat. Naitawid namin ang buong oras na walang ibang ginawa kung hindi ang pag-usapan ang nakaraan at ilang bagay habang wala kami sa buhay ng isa't-isa.
At some point naiingit ako sa kanila. Kahit na ganun ang nangyari, they still have each others, samantalang ako. Mag-isa, walang maalala.
I used to cry all alone at night on my room. Naiiyak dahil bakit wala akong maalala. And those years, wala akong ibang inisip at sinisi kung hindi ang sarili ko. Sa loob ng ilang taon sarili ko ang sinisisi ko sa lahat. Tanging ang mga bituin sa malalim na gabi lamang ang saksi ng mga pagluha ko ng mga panahong iyon. Mahirap at masakit mang isipin pero ngayon na narito na sila, onti-onti ng nawawala ang mga iyon dahil napapalitan na ng bago.
Isang malaking sasakyan ang dala namin kasama ng pinahiram na driver ng tita ni Erin. Nagkasya kaming lahat doon at halos mag-agawan sina Veronica at Barbie sa tabi ko.
"Ako rito!" Nakayakap na si Veronica sa kanang braso ko at ayaw naman magpatalo ni Barbie.
"Doon ka sa kabila!" Pilit niyang tinulak papunta sa kabilang side si Veronica pero hindi ito pumayag kaya sa huli, wala siyang nagawa kung hindi ang pumunta sa kabilang parte ko.
Buong byahe maingay lang sila. Kaonting asaran at tawanan. At dahil hindi naman ito ganun kalayo, umabot lamang ng nasa kalahating oras ang naging byahe namin.
"Where is Lance?" Pagkarating naman ng Academy ay iyon agad ang tanong ko kay Amber. Mukhang bumalik na sa dati ang buong lugar. Tahimik at mapayaga pa hindi katulad kanina na halos walang mapaglagyan ang gulo.
"I already texted him, Cassie pero wala pang reply. Nagtanong na rin ako sa ilang classmates ko sa ibang subject at sabi nila wala ng gulo. Naayos na at nakausap lahat ng sangkot. Baka nasa Cafeteria lang."
Tumango-tango, "Let us rest first. Magkita-kita na lang tayo sa cafeteria mamaya para kumain."
"Aphrodite— I mean, Cassie!" Tawag sa akin ni Veronica.
"Let's eat together ha? We will wait for you." Pagkatapo ay kaagad siyang yumakap sa akin. Napangiti naman ako.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)
RomansaLife is full of mysteries. We don't know what's going to happen or what is meant to happen. We cannot predict the future or even on what's going to happen tomorrow. It's like, we are being blindfolded and our eyes was being covered by dark and dange...