Bitch
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point of View
I look at myself in the mirror. Mula ulo hanggang sa aking mga paa. Bawat sulok, bawat kanto ng aking katawan. Hindi ko lubos maisip kung saan ako magsisimula dahil pakiramdam ko kahit saan ako tumingin ibang tao ang nakatayo ngayon sa aking harapan.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ko habang patuloy naman sa pagdaloy ang malamig na tubig mula sa shower na hindi ko na rin magawang pagtuunan pa ng pansin dahil sa sobrang ukopado ng aking utak. Napakaraming pumapasok sa utak ko at hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Para akong sasabog.
Ito na rin siguro ang ikalimang beses ng pagsasabon ko ng aking balat. I really want to erase that memory, ang mga pangyayari kanina. Ayoko ng maalala pa. Gusto kong alisin ang bakas ng paghawak sa akin ni Hanz kanina.
Hindi ko alam kung kanino ba ako lubos na magagalit. Sa lalaking 'yon at sa ginawa nya sa akin, o sa sarili ko na hindi magawang alisin ang bakas ng walanghiyang 'yon. Kahit anong gawin ko. Halos matuklap na ang balat ko sa ilang ulit na pagkuskos pero wala pa rin. Walang nangyayari. Nandidiri pa rin ako tuwing naaalala ko kung paano nya ako hawakan kanina. Kung paanong dumikit sakin ang balat nya, at kung paanong wala man lang akong nagawa para ipagtanggol sana ang aking sarili.
Hindi ko napansin, dahil sa kung anu-anong naglalaro sa utak ko, kasama na pala ng tubig na dumadaloy ang mga luha kong hindi ko alam na kanina pa ata namamalibis. Galit at awa. Iyon ang nararamdaman ko para sa sarili ko ngayon.
Bakit hindi ako lumaban? Bakit umiyak lang ako kanina? Bakit wala akong ginawa?
This reminds me of something. The day I felt useless. The day I felt worthless. And I can't believe that after all these years mararamdaman ko ulit 'yon.
Ang araw kung gaano ako kawalang-kwenta...
"N-no! N-no Help! Help me! Please! Someone help me!"
Screaming! Asking for help. Can't do anything but to cry and scream and wait for someone to come and help me. Waited for someone to save me from that nightmare.
I can't do anything that night but to scream, to shout for someone to help me because I am that useless to can't do anything.
I shouted.
From the top of my lungs, inilabas ko ang halo-halong emosyon na kanina pa gustong kumawala sa akin.
I screamed. Not because I felt worthless again but because I am mad at everything.
"Damn you all!"
I remember the day when I promised myself that I will be the new Cassiopeia. A brand new Cassiopeia. But what the hell is happening? Bakit pakiramdam ko wala pa rin akong kwenta?
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)
RomanceLife is full of mysteries. We don't know what's going to happen or what is meant to happen. We cannot predict the future or even on what's going to happen tomorrow. It's like, we are being blindfolded and our eyes was being covered by dark and dange...