Goodbye
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point of View
"Nandito na sila. Any plans?"
Tumingin ako sa repleksyon ko mula sa salamin sa harapan bago ako matipid na ngumiti kay kuya Ryle na nakatayo sa aking likuran. He's staring at me pero pakiramdam ko ay maliban doon, marami pa siyang gustong sabihin. Hindi lang masabi dahil sa pag-iingat. I know that they don't want this. They don't like this idea but this is what I want. Alam din nila na kahit hindi man sila pumayag, ngayon na magaling na ako ay ako mismo ang gagawa ng paraan.
"How about Dos, kuya? Asan siya?" I don't know if this is right. Looking for Dos' presence at this event pero bukod sa kailangan ko siya sa okasyon na ito, magmula rin ng dumating kami ay hindi ko na siya nakita. Hindi ko alam kung kasama niya lang ba ang ilan sa Zeus na matagal niya ring hindi nakita o sinasadya niya ito.
Kahit text message o tawag ay wala akong natatanggap. I was looking for him this whole day. I even texted and called him pero mukhang nakapatay ang cellphone niya.
And I also know how selfish this is, but after months na hindi sila nakita parang nababahag ang buntot ko. Hindi ko alam kung paano sila haharapin. Ang mga kaibigan ko, pati na si Lance. Hindi ko pa rin sila nakakausap mula ng umalis ako. Walang communication and all, kaya wala akong idea kung anong opinyon nila sa pag-alis ko ng wala man lang maayos na pamamaalam.
"I don't have any idea, Cassie." Nakita ko na naglakad si kuya papunta sa kama ko at doon naupo. He looks worried. Even from his reflection ay nakikita ko iyon.
"Walang may alam kung saan nagpunta ang kumag na iyon. Even the whole Zeus don't have any idea on where he is. That bastard! Alam naman niyang kailangan siya dito."
I am worried as well, pero mas nananaig sa akin ang pagiging guilty. Dahil alam ko na may ambag ako kung bakit wala siya rito. Our last conversation was when we were at Seoul pa. Dahil pagkatapos noon, nawalan na ako ng pagkakataon na makausap siya or rather I say, naging mailap na si Dos at umiwas sa akin.
Tiningnan ko ang item mask ko na nakapatong sa table. Tama lamang ang laki noon, na tatakip sa aking mga mata hanggang sa ilong. Sa gilid ay may may disenyo na kulay ginto. Simple but elegant na siyang tama at angkop sa theme ng party. Maingat ko itong kinuha at pinagmasdan.
I am afraid, hindi ko alam kung paano sila haharapin pagkatapos ng lahat and I hope that this mask will help me hide all those feelings na nahihirapan akong pagkasyahin sa aking dibdib.
"Sige kuya. Mauna ka na, susunod na lang ako." I gave him a smile bago naupo at pinagmasdan ang hawak kong itim na maskara.
Matatakpan kaya nito ang matinding kaba na nararamdaman ko ngayon?
Hindi ko alam pero hinihiling ko na sana. Sana...
"Are you sure princess? I can escort you? Pwede naman kitang hintayin."
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)
RomanceLife is full of mysteries. We don't know what's going to happen or what is meant to happen. We cannot predict the future or even on what's going to happen tomorrow. It's like, we are being blindfolded and our eyes was being covered by dark and dange...