Chapter 37

11.4K 505 16
                                    

Trust


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


I stared at her car. It was tinted, I can't see her from inside. But then, I don't want to see her ugly face either so that would not be a problem anymore. I don't like to see her ugly face because at the end of this game, I will turn it into something uglier so what's the point?!


I ready myself. Ngayon mo ako subukan Rhian. Tingnan na lang natin kung hanggang saan ka tatagal. Gusto mo ito, hindi ba? You want to be Aphrodite? You want to be me? Then let's see!


Mahigpit kong hinawakan ang manibela at ilang hingang malalim ang hinugot. Matagal ko itong pinagplanuhan. Mula ng makita ko ang mukha niya sa front page ng Underground Newspaper gustong-gusto ko ng basagin ang mukha niya but of course I need to find a perfect timing for that.


Alam ko naman na lahat ng bagay may tamang panahon at kabilang na roon ang pagwasak sa mukha ni Rhian. Hindi siya exempted syempre. Siya pa nga ang nangunguna sa listahan ko. At sa ginagawa niya ngayon, talagang nalalapit na ang kaniyang pagbagsak.


Dirty players never win after all. Hinding-hindi siya magwawagi, ako ang sisiguro roon.


Inayos ko ang salamin para makita ang nasa likuran bago ko muling tiningnan ang sasakyan ni Rhian sa aking harapan. Humigpit ang hawak ko sa aking manibela. From my right hand I hold the gear stick firmly and ready myself from smashing Rhian's down. I shifted it and pushed my foot on the floor, but there was a sudden change of a plan of course.


I am not just a Queen of this race, I am the wise Queen. Hindi ako tanga para hindi malaman ang kanilang binabalak. Hindi kay Rhian ang naging direksyon ko, sa halip na diretsong banggain ay iniwasan ko ito dahilan kung paano ko nakitang halos mawasak ang harapan ng sasakyan ni Rhian matapos malakas na banggain ni Shainna na nasa aking likuran lang kanina.

Hindi ko alam kung kailan siya lumiko pabalik para mapunta sa likuran ko pero dahil walang finish line ang larong ito at ang goal ay ang mapabagsak ang lahat, malamang ganoon nga ang ginawa niya.


Nagsalpukan ang kanilang mga sasakyan sa isa't-isa. Nakita ko na ang sasakyan ni Shainna kanina na papalapit. Akala niya siguro hindi ko mapapansin pero hindi ako tanga.


Ako naman ang balak nilang ipitin? Well, that won't happen of course. Huwag nila akong igaya sa babaeng ito na nangangahas na agawin ang titulo ko sa lugar na ito. Hindi ako katulad ng impostor na kasama nila na walang utak!


But of course that's not enough.


Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos na maunawaan kung anong klaseng lason ba ang pinainom ng Rhian na ito sa mga miyembro mga Athena. Pero ngayong gabi hindi lang pagpapakilala at pagbasag sa mukha niya ang gagawin ko. Narito rin ako para bawiin ang kung ano ang akin. Lahat ng kinuha niya, ibabalik ko sa kung sino ang totoong may-ari. At kasama na roon ang Athena.


Mabilis kong inikot ang manibela at pinihit paharap kay Rhian.


Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon