Draw
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point of View
"What the hell?" Pakiramdam ko nanigas ang mga paa ko at nag yelo ako sa kinatatayuan ng makita ko ang malaking gulo na nasa harapan.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila. Marami ng duguan. Marami ng nakahandusay sa sahig. May ilang umaawat, pero hindi pa rin matigil. I even saw my brothers na halos makipagpatayan na rin sa gitna.
Goddammit! Ano sa tingin nila ang ginagawa nila? Anong gulo ito at anong tingin nila sa sarili nila? Mga bata? Hindi ko alam na matapos ang nangyari sa akin, heto ang ibubungad nila sa akin. I am still on a process of healing. I wanted to calm my brain dahil paonti-onti na akong bumabalik sa normal pero ito ang makikita ko? Akala ko pa naman even for once, they will give me a peace of mind pero mukhang kalokohan lang ang lahat.
Hindi na ako nakapag-isip pa ng tama at patakbong tinungo ang mga nagkakagulo ng matigilan ako ng makita ko si Lance sa kabilang parte.
"Lance..." Bulong ko sa hangin ng makita ko siya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman pero tumalon ang puso ko ng makita ko siya. Hindi rin ako nakakilos kaagad dahil natulala na lang ako.
Lots of questions are haunting me pero isinantabi ko muna ang mga iyon. Kahit na nakita ko na ang ilan sa mga kapatid, ay kaagad ko pa ring tinakbo ang lugar ni Lance. Bahala na! Tumakbo ako sa gawi nito and I immediately catched the man's baseball bat bago paman ito tumama sa likod niya.
Damn it! He almost hurt Lance!
"Wag kang back fighter. Asshole!!" Marahas kong hinila ang baseball bat na hawak nito saka ko sya sinipa ng ubod lakas sa tiyan. Sinigurado ko talagang malakas iyon. At hindi naman ako nabigo dahil mabilis siyang tumalsik at bumagsak sa sahig.
Hindi ba sila titigil? Ano bang dahilan nila para magkagulo ng ganito? Naihagis ko ang baseball bat na hawak ko sa malayo saka ako tumingin sa paligid.
"C-cassiopeia? Anong ginagawa mo dito?" Si Lance iyon. Gulat na gulat siya ng makita ako.
Ngunit hindi ko muna ito hinarap dahil naglibot ang paningin ko sa buong paligid. Dumating na rin ang ilan sa mga teachers para umawat sa gulo. Nang makita ko na naawat na ang ilan, medyo nakampante na akong napatingin kay Lance.
"What do you think you are doing?" Pagalit kong asik dito. Isang cut sa pang-ibabang labi niya ang agad na nakaagaw ng aking atensyon. May dugo iyon na agad kong pinahid. Pati ang gilid ng kaniyang kilay ay may isang cut na rin kaya lalong nanliit ang mga mata ko.
"You'll stop it o ako mismo kakaladkad sayo palayo?" Halos magtangis ang mga bagang ko sa inis. Hindi ko akalain na matapos kong mawalan ng malay dahil sa mga alaala naming dalawa noon ay ito ang igaganti niya sa akin?
Oo, naaalala ko na. Naaalala ko na siya. Hindi ako sigurado kung tama o sapat na ba ang lahat ng iyon pero naaalala ko na siya. Pero hindi ko iyon sasabihin sa kaniya dahil sa ginagawa niyang ito.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)
Storie d'amoreLife is full of mysteries. We don't know what's going to happen or what is meant to happen. We cannot predict the future or even on what's going to happen tomorrow. It's like, we are being blindfolded and our eyes was being covered by dark and dange...