Messenger
~~~🌸~~~
Amber's Point of View
Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako at wala pa ring nakakasagot sa mga tanong. Nagkapatong-patong na ang lahat. Para bang lalong naging komplikado ang lahat. Pakiramdam ko isa kaming lubid na nabuhol sa isa't-isa at hindi na ngayon mahanap ang tamang paraan kung paano makakaalis. Kaya ang resulta, halos wala akong naging tulog kagabi.
Alas-tres na ata ng madaling araw ng mapilit ko ang sarili kong matulog. I also took sleeping pills last night but I think it did not help me. Tumingin ako sa wristwatch ko para makita ang oras. It's already 7 in the morning. My first subject for today is at 7:30 pero dahil maaga rin akong nagising kahit late na ako nakatulog heto at mukhang mapapaaga pa ata ako para sa unang klase.
"You okay?" Tumingin ako kay Barbie na lumabas ng banyo habang nakatapis pa ng tuwalya ang basang katawan. Abala naman ako sa pag-aayos ng aking necktie sa harapan ng salamin kaya sa repleksyon niya lang ako napatingin. Ngumiti na lang ako bilang sagot.
"May klase ka na ba? Hintayin mo na ako, sabay na tayo."
Tumango ako. Maaaga pa naman para sa unang klase at hindi naman ganun kalayo ang Silver building para mahuli sa unang klase. Mas mabuti sigurong ilihis ko ang utak ko sa pag-iisip ng kung anu-ano.
Naging abala na ito sa pagbibihis habang tinatapos ko naman ang uniform ko. Matapos sa aking necktie ay kinuha ko naman ang aking blazer na nakasabit sa gilid. Tapos na ang aking buhok pati na rin ang konting make-up. Tama na siguro ito ang mahalaga matakpan kahit papano ang eyebags ko. Ayokong magmukhang sabog mamaya sa klase.
"I'm done! Let's go?" Nagulat ako. Katatapos ko lang mag-ayos at tapos na siya kaagad?
Lumingon ako rito at sinuyod siya ng tingin, "You done?" Kahit ako ay hindi makapaniwala.
"Uhm, yeah?" At umikot pa siya para ipakita sa akin ang kabuoan ng kaniyang suot.
"See? So let's go?" Kahit na mangha pa rin ako kung paano siya natapos sa loob lamang ng ilang minuto ay sumunod na lamang ako.
Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa aking kama at sumunod sa kaniya palabas. Sa hallway ay halos kasabay naming lumabas ang lahat. Sina Erin, Faye at Yen na magkakasama sa kanilang kwarto. At si Kylie at Dorothy naman na nasa iisang kwarto rin.
Handa na ang lahat para sa unang klase kaya sabay-sabay na kaming tumungo sa elevator para pumunta sa kabilang building.
"Tumawag na ba ulit si Cassiopeia o kahit text?" Tanong ni Faye.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may bagong message ba. Kagabi habang hindi namin siya ma-contact isang unknown number ang nagtext sa akin. Ang sabi si Cassiopeia raw siya at okay naman. Nasa kanilang mansyon, umuwi dahil kailangan. Kaya kahit papano nakahinga kaming lahat ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)
RomantikLife is full of mysteries. We don't know what's going to happen or what is meant to happen. We cannot predict the future or even on what's going to happen tomorrow. It's like, we are being blindfolded and our eyes was being covered by dark and dange...