Chapter 41

13.1K 303 9
                                    

Tawag


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Asan siya?" Kaagad kong tanong.


Nanginig ang mga kamay ko at alam kong naramdaman niya rin iyon.


"Kumalma ka Aphrodite. Maayos na ang lagay niya. Nasa hospital at wala pa nga lang malay. Nakuha ko itong cellphone niya at nakita ko ang ilang missed calls at text messages galing sa'yo. Ako rin ang nakabasa ng message mo kanina kaya ako ang narito."


Ipinakita niya sa aking harapan ang cellphone. Medyo nalito lang ako at may basag na ang screen nito pero alam kong kay Lance iyon. Kilala ko ang kaniyang cellphone.


"Asan siya ngayon? Puntahan natin siya!" Ako na mismo ang humila sa kaniyang kamay pero hinila naman niya iyon pabalik tila ba hindi sang-ayon.


"Aphrodite sandali lang." Tumingin ako sa kaniya. Kumunot ang aking noo at halos magkadikit na ang mga kilay.


"Nasa hospital siya ngayon, maayos na siya kaya huwag ka ng—


"Pupunta ako! Saang hospital?!"


"Aphrodite!—


"Please..." Biglang humina ang aking boses at nagtila bulong na lang.


Hindi ko alam kung bakit niya ako pinipigilang makita si Lance pero sa dami ng mga taong humahadlang sa amin nawawalan na ako ng lakas. Para bang sila mismo ang humihigop ng lakas ko. Ang hirap! Sobrang hirap!


Hindi ko alam kung bakit ganito? Gusto ko lang naman makita si Lance at makasama pero bakit tutol na ata ang buong mundo? Lahat na lang sila ayaw na magkita kami!


"Gusto ko siyang makita Amber..." Umiiyak kong pakiusap. Hindi ko alam ang dahilan niya pero sana pakinggan niya ako. Kahit ang dahilan ko na lang.


Nag-aalala na ako ng sobra kay Lance. At ngayon na sinabi niyang nasa hospital ito, lalo akong nanghina.


"Gusto kong makita ang pinsan mo kaya please..." Nanghihina ang tuhod ko. Hindi ko alam kung hanggang saan pa ba ako aabot pero hinang-hina na ako. Kailangan ko ng makita si Lance.


Lumapit sa akin si Amber at kaagad akong hinila para sa isang mainit na yakap. Sinuklay niya ang aking mahaba at tuwid na buhok habang marahan at malambing ang boses na bumubulong sa akin. Pilit na inaalis ang takot at pangamba sa akin pero sa tingin ko tanging si Lance na lamang ang makakaalis nito.


Kung makikita ko siyang ligtas at nasa maayos na kalagayaan, doon lamang ako mapapanatag. Pero hangga't hindi ko siya nasisilayan hindi ako matatahimik.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon