Hold on
~~~🌸~~~
Dos's Point of View
"M-maniwala kayo. Wala talaga kaming alam. Maawa kayo. H-hindi talaga namin alam kung asan si Cassiopeia o kahit sinuman sa kanila. W-wala kaming kinalaman sa pagkawala nila. Maniwala kayo." Duguan na ang lalaking hawak ko at ilang pasa na rin ang nasa kaniyang mukha. Pero hindi ako makuntento. Sa tingin ba nila maniniwala ako?
Hangga't hindi ko nalalaman kung asan si Cassiopeia ay hindi ako titigil. Kung kailangan kong isa-isahin ang lahat ng street gangster sa lugar na ito gagawin ko. Alam din nila ang mga nangyayari sa paligid. Kaya ano sa tingin nila? Na ganun kadali para mapaniwala kami? Hindi!
Kung kailangan ring halughugin ko ang bawat sulok ng lugar na ito ay wala akong palalampasin.
Hangga't hindi nahahanap si Cassiopeia isinusumpa ko walang nilalang sa lugar na ito ang mananahimik.
Lahat ng taong may koneksyon sa mga taong maaaring may gawa nito kay Cassiopeia. Ang mga taong naghahangad ng pwesto sa Underground ay hindi matatahimik. Lahat sila.
Wala akong patatahimikin. Ilabas nila si Cassiopeia kung gusto nilang maging mapayapa ang lugar na ito.
"P-parang awa niyo na. P-pakawalan niyo na kami. Kilala kami ni Uno. Kilala niya kaming lahat dito." Gumapang ang isa sa kanila at halos yakapin ang binti ko.
"Dos parang awa mo na pero kilala kami ni Uno. Alam niya na hindi namin kailanman tinangkaang kalabanin ang grupo niya. A-at kahit sa panaginip hindi namin tinangkang kalabanin siya. A-ang pamilyang Kim." Lumuhod ito sa harapan ko habang nakikiusap.
"K-kahit kailan hindi namin sinubukang salungatin o ang humarang sa daraanan nila. N-nagsasabi kami ng totoo. Wala kaming kinalaman sa pagkawala ni Cassiopeia."
Nagpatuloy sa pakiusap ang lalaki pero hindi ako naniniwala. Kilala ng lahat kung gaano mapanlinlang ang mga Underground gangsters. Na kahit si Kian ay minsan na nilang binalak na lokohin. Kahit plano lamang iyon at hindi natuloy ay hindi pa rin ako naniniwala sa kanila.
Madali lang naman ang gusto ko. Marinig ko lang kung saan nila dinala si Cassiopeia at tapos ang usapan. Pero dahil sa tingin ko ay wala na akong mapapala sa kanila at kanina pa kami rito. Napapagod na rin ako sa kakapakinig sa mga sinasabi nila. Nabibingi na rin ako.
Hinugot ko ang baril sa likod at itinutok ito sa ulo ng isa sa kanila. Sa ulo ng lalaking nakaluhod pa rin sa aking harapan.
"Dos! Tama na 'yan." Napa-igting ang panga ko ng marinig ko ang malalim na boses ni Uno mula sa likod.
Tangina! Ito na naman sya. Umiiral na naman ang pagiging mabuting tao. Hindi ba niya naiintindihang buhay ng kapatid niya ang pinag uusapan dito? Kaya ang bigyan ng sempatsya ang mga gagong ito ay hindi tama.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)
RomansaLife is full of mysteries. We don't know what's going to happen or what is meant to happen. We cannot predict the future or even on what's going to happen tomorrow. It's like, we are being blindfolded and our eyes was being covered by dark and dange...