Prologue

287 83 237
                                    

************

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.

This is my original work. It's from my dream and hindi ko yun maintindihan so ginawan ko ng paraan para maging makabuluhan. First fantasy story ko to and sana matuwa kayo. Please enjoy!

************

Prologue - Aki's POV

"Nakasaad sa propesiya na may itinakdang babae na magmumula sa ibang mundo ang siyang magiging susi sa kaligtasan ng ating mundo. Kakaiba ang itsura, ugali at pananalita nito. Ngunit dapat na unawain, asikasuhin at pangalagaan ito."

"Ina, sigurado ba na totoo ang nakasaad sa aklat ng propesiya?"

"Oo anak. Sinasabi mo ba na sinungaling ang ating ninuno?"

"Hindi naman po sa ganun, Ina. Napapaisip lang ako tungkol sa itinakdang babae na magmumula sa ibang mundo. May iba pa bang mundo bukod dito sa ating mundo? Hindi kapani-paniwala."

"Aki, maging ako ay hindi naniniwala noon, ngunit tumutugma ang mga nagaganap ngayon sa nakasaad sa propesiya. Palatandaan na ito ang panahon na pagdating ng itinakdang babae. At kailangan mo siyang mahanap bago ka maunahan ng pinuno ng mga halimaw."

"Nakasaad din po ba kung saan ko mahahanap ang babae?"

"Nakasaad at nakadetalye kung saan mismo mahahanap ang itinakdang babae. Sa bato ng kamatayan. Sa gabi na bilog ang buwan."

"Bato ng kamatayan? Bakit doon pa sa nasasakupan ng mga halimaw na iyon? Bakit doon pa sa kalaban natin na siguradong papatayin ang itinakdang babae?"

"Hindi ko din alam. Sige na at maghanda ka na sa iyong pag-alis. Kanina pa nakahanda ang mga mandirigma na makakasama mo sa paglalakbay. Pitong araw mula ngayon ay ang gabi ng kabilugan ng buwan at kailangan mahanap mo ang itinakdang babae."

"Opo, Ina. Makakaasa kayo na mahahanap ko ang itinakdang babae at kasama ko siya sa pagbabalik ko dito."

.....

Nakahanda na kaming lahat ng mga kasama ko at hinihintay na lang namin ang pagbabasbas sa amin ng aking ina.

"Humayo kayo at mag-ingat mga magigiting na mandirigma. Gabayan nawa kayo ng ating mabuting Bathala. Inaasahan namin ang inyong matagumpay na pagbabalik."

"Maraming salamat Reyna Adana!" sabay sabay na tugon namin ng mga kasama kong mandirigma sa aking ina.

Sakay sa aming mga kabayo, nagsimula na kami sa aming paglalakbay.

.....

Makalipas ang pitong araw ng paglalakbay namin sa ay narating namin ang bukana ng kagubatan na siyang daan papunta sa kaharian ng kalaban.

Nakakubli kami sa mga matataas at malalapad na puno. Tanaw mula rito ang palasyo ng kaaway at isang malawak na kapatagan ang pumapagitna mula doon at dito.

Sa gitna ng kapatagan ay ang malaking tipak ng bato.

Ang bato ng kamatayan.

Dito dinadala ng mga halimaw ang mga duguan at naghihingalo nilang biktima. Dito na manghihina ang nilalang na iyon hanggang sa mamatay ito.

Naniniwala sila na ang kapalit ng buhay ng inosenteng nilalang ay ang kaligtasan nila.

.....

Hatinggabi na at bilog na bilog ang buwan. Nananatili kaming nakakubli dito sa kagubatan. Tanaw namin ang mga halimaw sa palasyo na nagkakasiyahan.

A Whole New World(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon