Chapter 18

32 4 5
                                    

Chapter 18 Aya's POV

Napaka-memorable ng moments namin ni Aki sa Langit ng Kasiyahan.

Nabigyang linaw ang ilang katanungan sa aking isipan at higit sa lahat nagkaroon ng linaw ang mga damdamin namin ni Prinsipe Aki sa isa't isa.

Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Hanggang ngayon na ligtas kaming nakauwi sa palasyo ay umaapaw sa sobrang kasiyahan ang damdamin ko.

Papalubog na ang araw ng makababa kami mula sa Langit ng Kasiyahan kanina. Sumakay kaming muli sa mga higanteng paru-paro na naghintay sa amin sa damuhan.

Dumiretso na ko sa silid ko upang makapagpahinga kaya't humiga na muna ako sa kama. Sabi ni Aki ay siya na raw ang bahalang magpaliwanag sa mahal na reyna ng mga naganap kanina sa kagubatan.

Napabuntong-hininga ako ng malalim.

Nakakapagod. Pero masaya.

Halos nag-roller coaster ang puso ko sa araw na 'to. Mula sa pag-aalala, sa pangangamba, sa takot, hanggang sa kasiyahan at kakiligan.

So nagkaaminan na kami ng prinsipe.

Kami na ng prinsipe!

Aya Scott, girlfriend of Prince Aki Zia of Diamond Kingdom!

Gosh! Nakakakilig na nakakatuwa at ang sarap ipagsigawan sa lahat lalo na kung kasama sa audience si Prinsesa Mal.

Pero...

Teka, kami na nga ba?

Oo nga at hindi pa nililinaw ni Aki na gusto niya kong maging girlfriend pero nag-confess na kami, nagyakap at nag-kiss na kami. May namamagitan na sa amin 'pag ganun, 'di ba?

Hep! No to negative thoughts, Aya!

Ang mahalaga mahal namin ni Aki ang isa't isa.

Kasalukuyan pa rin akong nakahiga sa kama ng makarinig ako ng katok mula sa pinto.

“Ate Aya! Mabuti at walang masamang nangyari sa inyo ni Kuya Aki sa labas ng kaharian. Masaya ako at ligtas kayong nakauwi.” Pagkasara ng pinto ay lumapit si Prinsesa Amiya sa kama ko at umupo sa gilid niyon.

Bumangon ako upang umupo sa tabi niya at saka ko siya niyakap.

“Salamat, Cutie. At paumanhin kung pinag-alala ko kayo ng mahal na Reyna.”

Niyakap din ako ng prinsesa ngunit humiwalay din siya agad.

“Huwag ka na rin mag-alala dahil nauunawaan namin ni Ina na wala kang kasalanan. Sadyang lumabis ang pag-aalala ng kapatid ko sa 'yo nung hindi ka makita dito sa palasyo kaya't nagmadali siyang lumabas ng kaharian. At nag-alala ka rin sa kanya kaya lumabas ka rin ng kaharian. Siya nga pala, iniwan ko si Kuya at si Ina na nag-uusap para puntahan ka agad nung malaman ko kay Kuya na may mga nangyaring di kanais-nais sa inyo sa gubat kanina.”

Nanumbalik muli sa akin ang kaganapan kaninang umaga.

“Salamat uli. Hinihiling ko na huwag ko na sanang maramdaman ang ganoon katinding pag-aalala. Nakakatakot at masasamang pangyayayari ang biglang sumasagi sa isip ko pag nag-aalala ako kay Aki.”

Nakatitig lamang sa akin ang prinsesa at tila malalim ang iniisip.

“Ate Aya…”

Ngumiti ako sa kanya para iencourage siya  na magsalita dahil parang may pumipigil sa kanya.

“Bakit, Cutie?”

“Ah... Wala naman. Masaya ako at ligtas kayo ng kapatid ko... Ngunit paumanhin sa sasabihin ko, napansin ko ang dumi sa iyong kasuotan at braso. At ang iyong buhok ay tila hinagupit ng malakas na hangin sa ayos nito ngayon. Ano ang nangyari at saan kayo nanggaling ni Kuya Aki? Nais ko lang talagang malaman,  Ate Aya.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Whole New World(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon