Chapter 11
Isang napakagandang umaga ang mayroon ang araw na ito kaya naman pagkakain ko ng breakfast with Prinsesa Amiya ay napagdesisyunan ko'ng pumasyal sa hardin.
Unfortunately, hindi ako masasamahan ni Cutie but I let her know na mamamasyal ako kahit sandali lang.
Habang namamasyal ako sa hardin ay nilalanghap ko na rin ang sariwa at kakaibang amoy ng hangin. Kakaiba dahil bukod sa fresh at clean ito, may humahalong mabangong amoy na sa tingin ko ay nagmumula sa mga makukulay na puno at halamanan.
Mayamaya pa ay naisipan ko'ng pasyalan ang mga kabahayan na malapit lang dito sa hardin. Ang mga kumikinang na gintong kabahayan.
Nagkikislapan ang mga ito dahil sa tama ng sikat ng araw at tila nagsasabi'ng Aya, hawakan mo ako.
Natawa ako sa naisip ko. I'm not that materialistic pero dito sa mundo'ng ito ay di ko maiwasan ang humanga sa mga designs and structures ng mga bahay na nakikita ko.
Ginto ang mga bahay at may palamuti na mga gemstones. Yung mga mamahaling hiyas sa pinanggalingan ko ay napaka common lang dito.
Habang nasa daan ay may nakita ako'ng batang babae na nasa edad walo at kasama nito ang isa pang batang lalaki na nasa edad tatlo.
Ang cute nila. Well, sa paningin ko naman ay talagang cute ang mga bata lalo na ang mga batang nilalang dito sa mundo'ng ito. Ewan ko ba kung bakit.
Naghahabulan ang mga ito at sa sobrang enjoy nila ay di nila ako napansin kaya naman nang mahabol ng babae ang lalaki ay saktong bumangga sila sa akin.
At tumumba kami sa gitna ng gintong kalsada. Medyo malakas kasi yung impact since ang bilis ng takbo nila.
Agad ako'ng kumilos para tignan kung nasaktan ang mga ito.
Naunang tumayo ang batang babae at inayos nito ang sariling kasuotan kaya naman ang batang lalaki na nakadagan sa binti ko ang tinulungan ko'ng makatayo.
“Ayos lang ba kayo mga bata?” tanong ko sa mga ito ng makatayo na ako. Napangiti ako dahil kasalukuyang naman inaayos ng batang babae ang kasuotan ng batang lalaki.
Sabay silang tumingin sa akin at sabay din nagsalita, “Opo, pauman---”
Nakita ko kung paano nanlaki ang kanilang mga mata pagkakita sa akin kaya di na nila nagawang kumpletuhin yung sagot nila.
Do I look scary?
Naisip ko na baka kakaiba nga ako sa paningin nila dahil sa namumukod-tanging kulay ng aking itim na buhok.
Yeah, yeah. Kayo na may magagandang blonde hairs.
Mukhang natatakot nga sila sa akin. I tried to assure them. “Wag kayo'ng matakot, tinatanong ko lang kung ayos ba kayo, nasaktan ba kayo?” I smiled warmly at them.
Nanatiling nakatingin lang ang nanlalaki pa rin nilang mga mata sa akin habang magkasabay na tumango-tango para sabihin na ayos lang sila.
They're so cute! Synchronised pa talaga ang pagtango nila.
“Mabuti naman kung ganoon. Saan ba kayo nakatira?” tanong ko sa kanila.
“Elayka! Erinio!”
Di na sila nakasagot dahil lumingon sila sa babaeng sumigaw. Maging ako ay napalingon din dito.
Mula sa isang gintong bahay ay may isang babae na may mabilog na katawan ang naglakad papunta dito sa amin ng mga bata.
Tila nagmamadali ang babae at nanlaki din ang mga mata ng magkatinginan kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/123807103-288-k651391.jpg)
BINABASA MO ANG
A Whole New World(On Hold)
Fantasi🏆 Goblin's Award 2018 WINNER for Fantasy Category *Language: Taglish* *Genres: Fantasy, Romance, Adventure Aya Scott's second chance of life in a world that she has never heard of. The world that has been waiting for the girl who, according to the...