Chapter 6

99 81 54
                                    

Chapter 6

Three days ago nung may magtangkang kumidnap na halimaw sa akin. Luckily ay nakatakas ako. Bumalik kami ni Aki sa Bukal ng Bahaghari para makapaglinis akong muli at nasalubong namin sina Kiro at ang blonde guys. Sinundan pala nila kami ngunit sa bilis ng patakbo ni Aki sa kabayo para masundan ako at ang halimaw, naligaw sila.

Buti na lang magaling mangabayo ang prinsipe.

I always felt safe and secured kapag nandiyan siya.

Sa tatlong araw na yun ay namangha ako sa mga lugar na tinahak namin.

Nang makalagpas kami sa Bukal ng Bahaghari ay tinahak namin ang isa na namang kagubatan. Walang masiyadong special thing sa kagubatan. Weird lang yung mga naririnig ko doon habang naglalakbay kami. Nang tanungin ko si Aki, mga hayop daw iyon na nakatira sa gubat na yun.

Napansin ko din na naging mas cautious sila habang nandun kami sa gubat. Hawak nila ang kanilang mga espada at tila nagaabang kung may biglang aatake. According to Aki, may mga hayop doon na bigla bigla na lang lulusob at mananakmal. I imagined bears, lions, tigers, and wolves.

Thankfully, nothing attacked us.

Nang sumunod na araw ay tinahak namin ang bundok na gawa sa diyamante. Gustong gusto kong pumukpok ng bato para makakuha kahit maliit na diamond pero sa nakita ko, malabong may makuha ako dahil sobrang solid nito at mahihirapan ako. Ang bundok na ito daw ang palatandaan na malapit na kami sa Kaharian ng Diyamante.

Very obvious. Yung kaharian na malapit sa bundok na gawa sa emerald ay tinawag na Kaharian ng Esmeralda. Yung malapit naman sa bundok na gawa sa ruby ay Kaharian ng Rubi. Same goes sa mga kaharian na malapit sa mga bundok na gawa sa sapphire at diamond. Kaharian ng Safiro at Kaharian ng Diyamante.

Nang malagpasan namin ang bundok na gawa sa diyamante ay tinahak namin ang isa pang kagubatan.

Ito ang ika pitong araw ng paglalakbay namin magmula ng mapunta ako sa mundong ito at iligtas ni Aki mula sa mga slimy creatures.

Magaan ang loob ko kina Kiro at sa mga blonde guys. Lalo na kay Aki. Nagkkwento sila ng mga nakakatawang bagay. Isa na dun yung inakala nila na isa sa mga halimaw yung itinakdang babae. Pero most of the time, natatawa ako kapag sila ang mga nagbibiruan. Bihira lang nila biruin si Aki. Marahil ay dahil sa isa itong prinsipe.

Sobrang nasanay na rin ako na bumiyahe habang enjoy na enjoy na nakayakap kay Aki. Oh yes, nung makapaglinis ulit ako dun sa bukal, lumakas na ang self-confidence ko na dumikit kay Aki. Napapabitaw na lang ako sa tuwing may nakikita akong amazing sa kapaligiran at kapag may tinatanong ako dito.

“Aki? Malayo pa ba ang kaharian niyo? Uhm, hindi naman sa naiinip ako pero ikapitong araw na natin at nabanggit niyo na pitong araw ang lalakbayin bago makabalik sa inyo.”

Kinuha niya ang golden compact at sa malapitan ay napansin ko na parang pinaghalong compass at orasan ito. Ang hirap iexplain pero yung mga pwesto ng mga gemstones ay naaayon sa pagkakadescribe nila kung nasaan yung apat na kaharian sa mundong ito. At parang may kung anong nagbblink na parang sa radar at tila sinasabi kung nasaan kami. At nakikita ko na nagbblink ito malapit sa northern part kung nasaan yung diamond.

He cleared his throat before he looked at me and answered, “malapit na tayo Aya at masisilayan mo na ang palasyo.” Nakangiting sagot nito.

I smiled and simply nod at him.

Mayamaya pa ay pakonti na ang mga puno na nadadaanan namin. I think thirty minutes din yung lumipas since ng nagtanong ako. Hanggang sa pagliko namin mula sa malaking puno ay nasilayan ko ang tuktok ng isang palasyo.

A Whole New World(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon