Chapter 12
Matapos ko'ng makilala ang mag-iina ay nagpakilala naman ang mga nakapaligid sa akin na nagbigay galang kanina.
"Ikinagagalak ko po na makilala kayo'ng lahat." Nakangiti ako habang sinasabi ko 'yon dahil sobrang gaan ng loob ko simula ng makausap ko sila.
I feel like I belong here. They made me feel that I belong here. Hindi man nila sinasadya pero 'yon ang naipararamdam nila sa akin.
Hindi ko maipaliwanag pero para ba'ng may awra sila ng kabanalan na tanging kapayapaan ang nais sa buhay.
"Binibining Aya, kami po ang lubos na nagagalak sa iyong pagparito sa aming mundo." Malawak ang ngiti na sabi ng babaeng nagpakilala bilang Larisa habang wala sa sarili na napahimas siya sa kaniyang medyo umbok na tiyan. Buntis kasi siya. Sinabihan rin niya ako kanina na tawagin ko siya sa pangalan niya. Pero siya naman ay hindi ako tinawag sa pangalan ko lang.
Maganda si Larisa at matanda lang pala siya ng limang taon sa akin. Mababakas sa mukha nito ang kasiyahan at tingin ko nga nag-g-glow siya. Not literally glowing but maybe glowing because of so much happiness.
Nalaman ko na ang asawa niya ay isang mandirigma na ang pangalan ay Lumino.
Familiar yung name ni Lumino pero di ko siya matandaan. Mas familiar ako sa mukha ng karamihan sa mandirigma. Ang tanging kilala ko ay ang nakasama namin ni Aki sa paglalakbay.
Nagpatuloy ang aming usapan at halos sabay-sabay kaming napalingon sa narinig na yabag ng mga tumatakbong kabayo.
Tatlong mandirigma ang natatanaw namin na nakasakay sa kabayo at nakasuot ng kanilang baluti.
Kinabahan ako maging ang mga nakapalibot sa akin. Awtomatikong naigala ko ang paningin ko sa paligid. Baka may nakapasok na halimaw nang di namin namamalayan.
Malapit na ang mga mandirigma at nakita ko'ng si Kiro pala ang nangunguna. Kasama niya yung dalawang mandirigma na nakikita ko sa silid ng pagsasanay. Sila ang mga mandirigma na una at pangalawang natuto sa archery.
Napansin nila kami dito sa tabi ng gintong kalsada kaya't lumapit sila sa pangunguna pa rin ni Kiro.
Nang magtama ang paningin namin ni Kiro ay tila ba nawala ang pagka-tense sa itsura nito at parang nabunutan ng tinik.
Bumaba ang mga ito sa kabayo at naglakad palapit sa akin at nagulat ako ng yumuko sila sa harapan ko. Talagang sa loob ng silid ng pagsasanay lamang sila hindi yumuyuko sa akin. Dahil sa request ko.
"Magandang umaga, Binibining Aya." Bati nila. Pati si Kiro tinawag akong binibini.
"Magandang umaga din sa inyo ng mga kasama mo, Kiro." Umayos na agad sila sa pagkakatayo at nagpatuloy ako sa pagsasalita habang nakakunot ang noo ko, "Bakit may binibini na naman? Di ba Aya na lang? Ano ba'ng nangyari at mukhang nagmamadali kayo? May kalaban ba'ng nakapasok dito?"
Tila nagulat pa si Kiro sa mga tanong ko at saka sumagot sa mahinahong paraan, "Binibining Aya, tayo ay nandito kasama ang mamamayan na lubos kayo'ng ginagalang. Nagbibigay galang lamang ako. Nasa batas din namin 'yon. "
"Ah ganoon ba.." Kaya pala kahit nabanggit ko kanina sa mga nakilala ko'ng mamamayan na Aya na lang ang itawag sa akin ay mas pinili pa rin nilang sundin ang batas nila. "Naintindihan ko naman. Sige kung saan kayo mas panatag na itawag sa akin ay ayos lang." Nakangiti ko'ng sabi sa mga bagong kakilala at ngumiti din sila sa akin.
"Teka Kiro, sabihin mo, may panganib ba ngayon at nakasuot kayo ng ganyan?" nag-aalalang tanong ko.
Tila pigil ang pagngiti ni Kiro at bahagyang napa-iling. "Walang panganib dito sa kaharian ngunit napag-utusan kami ni Prinsipe Aki na hanapin ang itinakdang babae."
BINABASA MO ANG
A Whole New World(On Hold)
Fantasía🏆 Goblin's Award 2018 WINNER for Fantasy Category *Language: Taglish* *Genres: Fantasy, Romance, Adventure Aya Scott's second chance of life in a world that she has never heard of. The world that has been waiting for the girl who, according to the...