Chapter 5

102 81 93
                                    

Chapter 5

“Wooooow...ang saya naman dito!” Narating na namin ang nag iisang bukal na pwedeng paglinisan o paliguan. Pabilog ito tulad ng ibang bukal pero ito lang ang nakita kong pinakamalaki. Halos kasing laki ng basketball court kung magiging pabilog man ang hugis niyon.

Kung iba't ibang kulay yung mga nakamamatay na bukal,  itong pwedeng paliguan ay malinis na tubig at walang kulay. Parang yung normal na tubig lang sa pinanggalingan kong mundo.

Natanong ko kanina si Aki kung bakit nakamamatay yung ibang bukal. Hindi niya ko sinagot pero pinakita niya sakin. Kumuha siya ng isang nakakalat na bato at dahan dahan niyang nilubog sa color orange na bukal. Pagkadikit ng bato sa tubig ay umapoy ito ng color orange at agad niya itong binitawan. Malinaw ang tubig kaya't kitang kita ko ang mabilis na pagkasunog nito hanggang sa mawala ito. Mabilis akong lumayo doon. I became extra cautious kaya iniiwasan ko na mapalapit sa mga colorful but deadly springs sa paligid.

Inalalayan ako ni Aki sa paglusong ko sa malinis na bukal. Ang nakakatuwa, pagkalusong ko sa mainit init na tubig ay nagsimulang magbubbles yung tubig na dumikit sa balat at damit ko.

Sumunod na lumusong sina Aki, Kiro at blonde guys. Halos magmukhang jacuzzi na itong malawak na bukal dahil sa mga bubbles.

Lumangoy langoy sila dahil malalim sa bandang gitna ng bukal.

Ako naman ay nanatili lamang sa gilid. Sa pinaka mababaw.  Manghang mangha ako dahil yung mga bubbles pala ay reaction ng tubig sa dumi ng katawan at damit ko.

Hindi ko na kailangang maghilod pero ginawa ko pa rin dahil nakasanayan ko na. Sinubukan kong maglakad palapit sa gitna. At nang hanggang leeg ko na ang tubig ay nakiliti ako sa mga bubbles. Habang nakatayo doon ay huminga ako ng malalim at nilubog na ng tuluyan ang buong katawan ko.

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko habang nasa ilalim ng tubig. Sobrang linaw nito. Nagbububbles yung buhok ko. Nakakatuwa.

Hindi ako nagtagal doon. Sobrang linis ko na. Pati yung gown ko malinis na. Ginhawa talaga sa feeling kapag malinis. Agad akong bumalik sa gilid para doon magbabad. Sina Aki ay naglalangoy pa rin sa bandang gitna. Napangiti ako. Obvious na close siya sa mga blonde guys lalo na kay Kiro. Kahit na prinsipe siya, mukha siyang mapagkumbaba.

“Aya, tapos ka na?” tanong sakin ni Aki.

“Oo pero dito muna ko magbababad.” nakangiting sagot ko na nagpangiti din sa kanya.

Habang nagtatampisaw ako ay napansin ko na hindi na nagbububbles yung tubig sa paligid ko. I think indication yun na malinis na ako at wala ng dumi.

Grabe pala dito sa mundong ito. Tipid ka na sa shampoo at conditioner, tipid ka pa sa body wash at  detergent soap. Feel ko na exfoliate ng bongga ang balat ko. And malambot sa pakiramdam nung hinawakan ko.

Sa pag eenjoy ko di ko namalayan na may nakalapit na pala sa likuran ko. Biglang may pumulupot sa katawan ko at kasunod ay naramdaman kong lumutang ako at nilipad ng mabilis mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng bukal papunta sa malagkit at madulas na bagay na iyon. Pagtingin ko ay nanlaki ang mga mata ko. Yung slimy creature!

Napasigaw ako sa kilabot. At the same time nandidiri ako! Yung pumulupot pala sa akin ay dila nito. Animo palaka ito na nanghuli ng pagkain niya.  Ngunit hindi naman niya ko diniretso sa bibig niya. Tinanggal niya ang dila niya sakin para lamang mapalitan ng kamay nito. Para akong bola na inipit niya sa isang braso at isiniksik sa gilid niya at mabilis na tumakbo palayo sa bukal. Palayo sa mga kasama ko. No!

Narinig ko ang pagsigaw nina Aki.

“Aki!” naluluha ako. Pangalawa lang ang takot na nadarama ko. Nangunguna ang pandidiri.

A Whole New World(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon