Chapter 3

124 85 211
                                    

Chapter 3

"Binibini? Maari ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong sa akin ni long haired handsome guy.

Matagal tagal na rin ang paglalakbay namin dito sa kagubatan. Medyo mabagal na nga lang ang pagtakbo ng mga kabayo dahil wala ng humahabol sa amin.

Bahagya akong lumayo kay long haired guy pero di ko inaalis ang pagkakahawak ko sa waist niya. Para anytime maibabalik ko yung pagyakap ko sa kanya.

Grabe kasi, hindi pa rin nauubos yung bango niya kahit kanina ko pa siya lihim na sinisinghot.

"Aya Scott ang pangalan ko, pero Aya na lang ang itawag mo sakin. Ikaw?" Nakatingin kami sa isa't isa.

Omg. Bakit ganun siya makatitig sakin? Baka matunaw ako.

"Ako si Aki Zia, ang prinsipe ng Kaharian ng Diyamante. Ikinagagalak kitang makilala Binibining Aya."

Nanlaki yung mga mata ko.

"What?! Prinsipe ka? For real? Merong mga hari, reyna, prinsipe't prinsesa dito sa mundo niyo? Omg! I can't believe it!" amazed na tanong ko.

Tila naaaliw siyang nakatingin sakin. "Binibining Aya, may mga pananalita kang kakaiba pero ayos lang dahil alam ko na nanggaling ka sa ibang mundo." Nakangiting sabi nito.

Err pure tagalog siyang magsalita. At least hindi ako mahihirapan makipag-communicate.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Oo, may mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa sa mundong ito. Ngunit sa kaharian namin, si inang reyna, ako at ang nakababatang kapatid kong babae na lang ang makikilala mo. Namatay na kasi si amang hari limang taon na ang nakalilipas."

Omg. Feeling ko ang insensitive ko sa mga sinabi ko kanina. Na-hype kasi ako agad eh.

"Naku paumanhin prinsipe Aki, di ko gusto na may maalala ka na nakakalungkot na bagay. Nabigla lang kasi ako, sorry talaga."

Nakangiti lang sakin ang prinsipe. Omg. Prinsipe in flesh! Kausap ko ang royal blood na ito. And kadikit ko siya at anytime pwede ko pang yakapin!

"Binibining Aya, wag kang mag-alala. Namatay ng magiting ang aking ama." Mababakas sa mukha ni prinsipe Aki na proud ito sa kanyang ama.

Ayoko ng magtanong pa sa family niya. Change topic na dapat.

"Prinsipe Aki, wag mo na kong tawaging binibini. Hindi kasi ako sanay. Aya na lang."

Tila nag-isip ng malalim si Prinsipe Aki habang nakatingin siya sakin.

"Kung gayun, Aki na rin lang ang itawag mo sakin...Aya."

Then bigla siyang ngumit.

Eeeeeeeeeee my heart! Grabeng kabog sa puso ang dulot ng killer smile niya.

Napasinghap ako sa pagkabigla. At nasamid ako sa laway ko hanggang sa magkanda-ubo ubo ako.

Hinagod ni Aki ang likod ko.

Omg. Huhu. Nakakahiya.

"Ayos ka lang Aya?" nag-aalalang tanong nito.

Hindi prinsipe Aki. Hindi.

"Oo A-Aki, parang natuyo kasi yung lalamunan ko." Sorry throat nadamay ka pa.

"Sandali, may dala akong maiinom." May kinuha siya sa parang bag na nakasabit sa gilid ng kabayo.

Nilabas niya ang napakagandang bote. May palamuti ito na maliliit na diamonds. May mga rubies, emeralds and sapphire pa. Pwede ko kayang arborin 'to sa kanya?

Parang milk chocolate yung liquid sa loob niyon. So meron din sila nun dito? That would be great!

Binuksan ni prinsipe Aki ang bote at inabot sakin.

A Whole New World(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon