Chapter 16

41 10 6
                                    

Chapter 16 - Aya's POV

“So, uhm, Aki? Sigurado ka ba na pupuntahan natin yung sinasabi mo?” Tanong ko habang naglalakbay kami.

“Oo naman, Aya. Natitiyak ko na masisiyahan ka kapag narating na natin iyon.” Excited na sagot niya kaya pati ako ay naexcite sa pupuntahan namin.

Kanina, imbes na tahakin namin ang gubat kasabay sina Kiro ay tinahak namin ni Aki ang daan sa gilid nito hanggang sa marating ang mababato at matarik na daan.

Ganito pala ang klase ng daan sa bandang hilaga ng kaharian kaya't ayon kay Aki, bihira daw ang naglalakbay dito. At dahil matapang ang prinsipe ng Kaharian ng Diyamante, naglakbay siya noon dito at marami daw siyang natuklasan.

Ilang sandali pa ay narating namin ang isang kapatagan na may napakaraming bulaklak.

Hindi ordinaryong mga bulaklak ang nakikita ko. Kasing laki ito ng palanggana at humahalimuyak ang tamis na amoy nito.

Pero ang mas nakakamangha ay ang mga nagliliparan at makukulay na paru-paro. Kasing laki rin sila ng mga bulaklak.

Muling pumukaw sa pansin ko ang simoy ng hangin. Matamis ito at tila kay sarap tikman. Alam kong dahil iyon sa halimuyak ng mga bulaklak.

Sa sobrang bango ay napabitaw ako sa pagkakayakap kay Aki at saka ako lumanghap sa kapaligiran.

“Napakasarap ng amoy ng hangin dito, Aki. Ito ba ang sinasabi mong pupuntahan natin? Salamat at isinama mo ako dito.”

Ipinikit ko ang mga mata ko para feel na feel ko yung nalalanghap ko.

Narinig kong bahagyang natawa si Aki kaya napatingin ako sa kanya.

“Aya, hindi pa ito ang sinasabi kong Langit ng Kasiyahan.” Tila nagniningning ang mga mata ni Aki habang nagsasalita.

Teka, wait! Hindi pa ba 'to yung sinasabi niya?!

Sinasabi ko na nga ba ibang langit ng kasiyahan yung tinutukoy ng prinsipe eh!

Grabe siya ah!

Pero...

Bakit napapangiti ako?

“So, malayo pa ba iyon? Gutom na kasi ako, Aki. May makakain ba tayo doon?”

Hindi na ko nahiya na sabihin iyon sa prinsipe. Totoo naman kasi 'yon eh. Makipaglaban ba naman ang beauty mo sa wild animal, siyempre nakakaubos ng energy.

“Hindi na tayo lalayo pa dahil narito na ang sinasabi ko.”

“Ha? Kanina sabi mo hindi ito, tapos ngayon nandito. Ang gulo mong kausap mahal na prinsipe.”

At tumawa ng malakas ang prinsipe.

Tsk, tsk.

“Aki? Ano ba nangyayari sa'yo?”

“Ipagpaumanhin mo, Aya. Wala pa kasing nagsabi sa akin na magulo akong kausap kaya't ako'y nabigla. Ikaw pa lang, Aya. Tanging ikaw pa lang.”

“Ako pa lang? Kung ganoon, magalak ka mahal na prinsipe dahil ako lang at wala nang iba pa ang makakapagsabi sa 'yo niyan.”

Sinabi ko iyon dahil totoong gusto kong ako lang talaga ang nakakabiruan niya ng ganito. Yung kaming dalawa lang.

“Alam kong wala nang iba pa ang makakapagsabi noon sa akin dahil ikaw lang yata ang naguluhan sa akin, Aya.”

“Aki!” Pinandilatan ko ang prinsipe.

“Tanging katotohanan lamang ang sinabi ko, Aya.”

“Pero, Aki!”

A Whole New World(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon