Chapter 15

31 15 0
                                    

Chapter 15 - Aya's POV

“Halina't bumalik na tayo sa kaharian.” Masuyong sabi ni Prinsipe Aki.

Inalalayan niya ako habang sabay kaming tumayo.

Napansin ko na magkakatabing nakatayo sina Kiro, Lumino, at Lupino.

Gosh! Di ko man lang naisip na may audience pala kami ni Aki nung magdrama ako kanina.

“Ayos ka lang ba talaga, binibini?” Malambing na tanong ni Aki.

Napatingin akong muli sa mga mata niya.

Napansin ko na mas lalo yatang naging malambing ang pakikipag-usap ni Aki.

I like it. I super like it.

“Oo, mahal na prinsipe.” Nagulat yata siya kaya napangiti ako.

Sa mga nangyari kanina, hindi ko na pipigilan ang nararamdaman ko sa 'yo, Aki.

Wala na akong pakialam sa sasabihin at sa panghuhusga ng mga nasa paligid ko kung hindi naman nakakasama sa 'yo ang nararamdaman at ginagawa ko.

Nakasakay na muli kami sa aming mga kabayo. May dalang extra golden compact si Aki kaya yung kabayo doon ang ginamit ni Kiro.

Ako? Siyempre nakaangkas sa kabayo together with Aki. Nasa harap niya ako habang nakaupo ng sideways. Just like before.

And just like before, yayakapin ko si Aki.

Chance na 'to eh!

Kaya niyakap ko siya!

I sighed because of contentment.

I so missed this. Riding with him on his horse habang nakayakap sa kanya.

Idinikit ko pa ang pisngi ko sa parte ng dibdib kung nasaan ang puso ni Aki. Buti na lang napunasan na rin yung dugo ng mga hayop sa katawan niya bago kami sumakay sa kabayo.

Naramdaman ko na mas narelax si Aki nung niyakap ko siya.

Nagpatuloy ang marahang paglalakbay namin hanggang sa napansin kong huminto kami. Nasa unahan kasi kami. Ang mga mandirigma ay nasa likuran namin. Maging sila ay narinig kong huminto.

“Bakit, Aki?” Nagtataka kong tanong kasabay ng pagiging mas alerto ko sa maaaring nakaabang na panganib sa paligid.

Wala naman akong narinig na mabangis na hayop kaya alam kong safe kami.

“Sino ang pumaslang dito sa mabangis na hayop? Walang bakas ng dugo ngunit wala na rin itong buhay.”

Automatic kong tiningnan ang tinutukoy ni Aki.

At nanlaki ang mga mata ko.

Ako ang nakapatay sa hayop na iyan!

“Kiro? Sino sa inyong tatlo ang pumaslang sa hayop na iyan?” Tanong ni Aki kina Kiro.

Lumingon ako sa mga mandirigma at lahat sila nakatingin sa akin. Mukhang ayaw nilang magsalita. At tama ba yung napansin ko sa mga mata nila? Parang may takot sila na hindi lang pinapahalata.

Naramdaman kong lumingon si Aki sa mga hindi sumasagot na mandirigma. At nang makita niya ang mga itong nakatingin sa akin ay tiningnan na rin ako ng prinsipe.

Kunot-noo si Aki habang nakatingin sa akin. “Binibini? Kilala mo ba ang pumaslang sa mabangis na hayop?”

Omg!

Bakit kinakabahan ako?!

Ano kaya ang magiging reaction niya pag nalaman niya ang totoo?

Turn off ba kung malaman ni Aki na ako ang pumatay?

A Whole New World(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon