Chapter 10

92 68 16
                                    

Dedicated to Kimineah_YoonAh
Thank you sa paghintay ng update. Enjoy!

.....

Chapter 10

Ilang araw din ang lumipas at nakakalungkot man sabihin, hindi ako nag-improve sa paggamit ng espada. Kaya never ako pinahawak ni Aki ng totoong espada.

But the good news is, nakatulong ako kina Aki at sa mga mandirigma, at lalo na dito sa kaharian.

Hindi lang espada at mano-manong labanan ang pina-practice nila, meron nang nagsasanay ng archery para sa malayuang pag-atake, meron na rin gumagamit ng dalawang espada para sa mas dobleng opensa, meron din gumagamit ng lima hanggang walong punyal na katulad ng throwing knives para sa mabilisang pag-atake.

Siyempre ang lahat ng iyon ay mga nabanggit ko sa meeting namin ni Aki at ni Reyna Adana.

Nakausap din namin ang matatalinong guro na siyang nakagawa ng magical golden compact.

Gayundin ang mga maaabilidad na panday dito sa kaharian na siyang gumagawa ng espada at baluti.

Pinagsanib pwersa namin sila upang magawa ang mga iginuhit kong weapons.

Para sa archery, gawa sa ginto ang busog or bow.  Nagawa ng mga matatalinong guro na pwedeng ibend ito kapag gagamitin na.

Napakaganda naman ng pana or arrow, ang katawan nito ay gawa din sa ginto pero ang matulis na dulo na tutusok sa tatamaan nito ay gawa sa diyamante.

Meron na nga pala akong koleksyon ng mga diamonds, sapphire, rubies at emeralds. Naka display sila sa silid ko.

Sobrang saya ko kaya nung agad akong binigyan ni Aki ng mga gems. Nabanggit ko kasi sa kanya na bihira lang sa pinanggalingan kong mundo ang mga ganoong hiyas.

Pero nung nagtagal pala, mauumay ka din dahil lagi mo na lang nakikita yung mga gems at parang wala na itong value.

Which is totoo naman na walang value dito sa mundong ito pero mapapakinabangan sa pagpapatayo ng mga kaharian, magagamit na tools at sa paggawa ng weapons.

Inexplain ko ang paggamit ng bow and arrow at natuwa sila sa mga advantage ng archery. Kahit hindi ako marunong gumamit, alam ko naman kung paano gumagana iyon kaya nung may sumubok na mandirigma ay may nakagawa agad nito at mabilis na natuto. Pina-practice nila para mas magamay nila ang paggamit niyon.

Para sa mga gagamit ng dalawang espada, iginuhit ko ang itsura na parang espadang samurai. Mas manipis at magaan ang pagkakagawa para madaling ikumpas o ihataw ng sabay ng magkabilang kamay.

Nagmistula itong diamond sword dahil yung blade ng sword ay gawa sa diamond.

Dito natuwa si Prinsipe Aki dahil mas mabilis nilang mapapaslang ang halimaw kapag dalawang espadang magagaan ang hawak nila.

Hanga din daw siya sa mga nalalaman ko pagdating sa mga kagamitang panlaban. At di siya makapaniwala na hindi ako nakaranas ng pakikipaglaban gamit ang mga binanggit kong weapons.

Eh sino kasi ang makakalaban ko na pwede kong gamitan ng espada sa dati kong mundo? Uso ang baril doon pero wala akong ganun. Electric wire yung ginamit ko noong nilabanan ko si Mr. Hart at saka kinuryente ko ito sa bath tub.

And speaking of baril, sana alam ko ang paggawa noon para nai-drawing ko at naipagawa din. Too bad, hindi ko yun alam.

Para sa mga maliliit na punyal, ang ginuhit ko ay yung throwing knives, na ikinatuwa ko at ng mahal na reyna dahil maaaring gamitin ng kababaihan.

Oo, nadiscuss ko din kina Aki at kay Reyna Adana ang importance ng pagiging maalam at malakas ng mga babae para maipagtanggol ang sarili nila.

Suportado ako ni Aki nung dinidiscuss ko yun at masaya ako nung sumang-ayon ang mahal na reyna.

A Whole New World(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon