Chapter 17 Aya's POV
“Binibini ko?”
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
Tumitig ako kay Aki and I sighed.
I can't believe we had our first kiss.
I can't believe I had my first kiss at sa isang prinsipe pa!
“Prinsipe Aki, isa pa nga.”
Nanlaki ang mata ng prinsipe at namula ang mukha.
“Biro lang. Wag kang funny.”
“Funny?”
“Funnywalain.” Natawa ako.
Pero nanatili lang nakatitig si Aki.
Ay waley. Hindi niya gets yung joke.
“Ang ibig kong sabihin, wag kang mapag-paniwala.”
“Sinasabi mo ba na huwag kong paniwalaan lahat ng sinabi mo kanina, binibini ko?”
Hala.
“Totoo ang mga sinabi ko na mahal kita, prinsipe ko. Mahal kita, okay?” Agad kong sabi. Baka kung ano isipin ng prinsipe.
“Hindi iyon biro, binibini ko?” Inayos ni Aki ang ilang hibla ng buhok ko at sinipit sa tainga ko.
“No. Hindi. Totoo 'yon. Ang sinasabi ko kasing 'wag mong paniwalaan ay 'yong sinabi kong isa pa nga.”
“Alam ko.”
“Eh alam mo naman pala yung tinutukoy ko, bakit-”
Mabilis niyang ginawaran ng halik ang labi ko at saka niyakap niya ako ng mahigpit.
“Aki...” nabigla ako sa ginawa niya pero napakasaya sa pakiramdam.
Napakasarap din sa pakiramdam na nakakulong ako sa mga bisig niya.
Dapat siya din. Kaya gumanti ako ng yakap. Mas mahigpit pa nga kaysa yakap niya.
“Kay lakas ng binibini ko.” Mahinang sabi niya.
Naalala ko yung kakaibang lakas ko kanina. At kahit na hindi ko iyon ramdam ngayon ay niluwagan ko ang yakap ko sa kanya.
“Isa pa ulit?” tanong ni Aki.
Bahagya akong lumayo sa yakap niya upang tingnan siya.
“Ano'ng isa pa ulit?” paglilinaw na tanong ko. Kasi bawal mag-assume.
“Isa pang halik?” inosenteng patanong na sagot niya.
Napalunok ako. Nahihiya ako. Ganito rin ba naramdaman niya nung biniro ko siya ng isa pa? Shocks! Nakakahiya pala talaga.
“Ah, eh, Aki-”
He kissed me again!
“Aki, teka, tama na nga, baka magsawa ka niyan, eh.” Suway ko habang nakatungo ako dahil hindi ako makatingin sa kanya.
Alam ko kasing namumula ang mukha ko!
“Hindi ako magsasawa, Aya. Pangako.”
“Tiyakin mong maigi iyan, Aki.” Medyo mataray kong sabi kahit na kinikilig ako sa pangako niya.
“Ikaw lang ang babaeng bumihag sa aking puso, Aya. Sana'y naramdaman mo ang pagmamahal ko sa mga halik na iyon.”
Ang saya ko.
Hayaan mo at ipaparamdam ko ang pagmamahal ko sa iyo sa paraang kaya ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa mapunta kami sa area na walang bulaklak at puro damo lang. Sa palagay ko ay ito ang gitna ng kapatagan.
![](https://img.wattpad.com/cover/123807103-288-k651391.jpg)
BINABASA MO ANG
A Whole New World(On Hold)
Fantasy🏆 Goblin's Award 2018 WINNER for Fantasy Category *Language: Taglish* *Genres: Fantasy, Romance, Adventure Aya Scott's second chance of life in a world that she has never heard of. The world that has been waiting for the girl who, according to the...