Chapter 4
Wala pa akong one day na nabubuhay dito sa mundong ito ay mamamatay na yata agad ako.
This can't be happening.
Hindi na ko gumalaw dahil pakiramdam ko may humihila sa ilalim at kaunting kilos ko lang ay hinihila ako pababa.
Takot na takot akong nakatingin kina Aki at sa blonde guys.
My arms are raised towards them na parang bata na nagpapakalong. In my case, nagpapatulong para maialis ako dito sa kumunoy.
“Huwag kang mag-alala Aya, basta huwag ka masyadong gumalaw para hindi ka lumubog sa mapanlinlang na batis.” Mariing paalala sakin ni Aki. So, ito pala ang mapanlinlang na batis.
Nalinlang ako.
Nakita kong maingat na lumapit sakin si Aki.
“Prinsipe Aki, ako na po ang tutulong kay Aya.” Pagpigil ni Kiro kay Aki.
“Ako na. May pangako ako sa kanya.” Sabi ni Aki dito.
Nakita kong nilabas niya ang golden compact na may mga embedded pala na apat na gemstones. Katulad nung mga nasa bote ng inumin. May diamond, ruby, sapphire at emerald.
Parang may pinindot siya sa isa sa mga stones at biglang may mist na nagshimmer and then nag appear yung puting kabayo ni Aki.
Whoa!
And then may kinuhang lubid si Aki at itinali iyon sa katawan ng kabayo.
Habang hawak niya yung kabilang dulo ng lubid ay kinausap niya ako, “Aya, ihahagis ko ang lubid at patatamain sa kamay mo, hawakan mo agad ng mahigpit. Iaahon kita diyan.”
Pagkasabi niyon ay hinagis niya yung lubid and nung dumapo na sa kamay ko ay agad kong hinawakan. Pinulupot ko pa ng ilang beses para kapit na kapit sa kamay ko.
At sa paggalaw na iyon ay lumubog pa akong muli. Umabot na sa leeg ko ang kumunoy. Ulo at ang extended arms ko na lang ang visible.
Gosh.
Nagsimula ng lumakad yung kabayo at naramdaman kong nahihila ako.
Pero parang may tug-of-war na nagaganap dahil sa bigat nung gown ko.
But thankfully nakaahon din ako. Agad akong tinulungan ni Aki na makatayo.
Yuck! Ang lagkit ng katawan ko na naging color green na. Gusto kong maligo.
Tinanggal ko yung malapot na green liquid sa katawan ko at sa gown.
Habang tumatagal ay nagkukulay lumot ito.
“Aya, gamitin mo 'to.” May inabot na towel sakin si Aki. Ipinunas ko yun sa exposed skin ko na nakapitan ng liquid.
Whew! Kahit papaano natanggal yung lagkit.
“Thanks Aki. Ah ang ibig kong sabihin, salamat.” Ibinalik ko yung towel.
Muli akong nagsalita at kinausap sila sa casual na tono. “Ito pala yung sinasabi niyong mapanlinlang na batis. Nalinlang ako at hinding hindi na talaga ako maliligo sa ganyang batis.”
Natawa si Aki maging sina Kiro at ang mga blonde guys. “Paumanhin sa nagawa kong abala.” Sabi ko sa kanila. Sincere yun ah. Dahil naging padalos dalos ako sa mga kilos ko.
Imbes na ako ang tumulong, parang ako pa yung tinutulungan at mas inaaalala nila. Lalo na si Aki.
Medyo nagulat pa sila sa paghingi ko ng tawad pero tahimik lang silang ngumiti sakin.

BINABASA MO ANG
A Whole New World(On Hold)
Fantasía🏆 Goblin's Award 2018 WINNER for Fantasy Category *Language: Taglish* *Genres: Fantasy, Romance, Adventure Aya Scott's second chance of life in a world that she has never heard of. The world that has been waiting for the girl who, according to the...