Chapter 9

71 70 30
                                    

Chapter 9


"Waaaaaaaaah! Ate Aya! Bakit ganyan ang iyong kasuotan?!"

Napapikit ako sa tinis ng boses ni Prinsesa Amiya pero nakangiti akong humarap sa kanya. Natutuwa ako dahil natural ang pinapakita niyang ugali kapag bumibisita siya dito sa silid ko.

"Cutie, pinasadya ko talaga ito sa mananahi niyo dito sa palasyo." Umikot ikot ako sa harapan ng full length mirror sa room ko.

Since hindi ako comfortable suotin yung magaganda at maninipis na dresses, nagpasadya ako ng ilang pares ng leather pants, shirts, long sleeve shirts at sleeve less shirts.

Yung leather pants ay katulad nung kina Aki at ng mga mandirigma pero siyempre may konting adjustments. Yung shirts din pinasadya ko na at least dalawang layer yung tela.

Right now suot ko ang leather pants at tinernuhan ko ng white na long sleeve shirt.

Nagpasadya din ako ng sapatos na kagaya ng sa mga mandirigma. Actually parang boots ang itsura nito at suot ko ngayon dahil magppractice ulit ako ng paggamit ng espada.

Inayos ko rin ang buhok ko. Tinirintas ko ito para hindi sagabal sa mukha ko. At saka ang astig tignan dahil bumagay yung hairstyle sa attire ko na pang fighter ang peg.

Tinitignan pa rin ng prinsesa ang itsura ko.

"Cutie, ito ang susuotin ko sa pagsasanay. Mas makakakilos kasi ako ng maayos kapag ganito ang suot ko."

Nagbuntong hininga ang prinsesa. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi na kagulat gulat dahil iba ang takbo ng iyong pag-iisip. Pero aaminin ko, kahit ngayon lang ako nakakita ng babaeng nakasuot panlalaki, ay bagay naman sa iyo. Hindi ko sinasabi na para kang lalaki ah."

Natawa ako. "Cutie, hindi ako magtatampo sa sinabi mo. Sa mundo kasi namin, normal na rin sa babae ang magsuot ng ganito. Yung ibang mga babae nga ayaw ng mga bestida eh."

"Talaga? Kakaiba nga ang pinanggalingan mong mundo ate Aya."

"Oo. Pero nanibago din ako dito sa mundo niyo. At ngayon nga ay mundo ko na rin. Mas malinis dito ang hangin. Mas magaganda rin ang tanawin. Kaya gusto kong mapanatili ang kagandahan nito."

Totoo ang mga sinabi ko. Sadyang napakalinis at aliwalas dito sa mundong ito.

Masaya ang prinsesa sa mga narinig mula sa akin.

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto ko. Bumilang ako ng lima sa isip ko pero walang reyna na pumasok.

"Tuloy ka."

Nagbukas ang pinto at ang gwapong si Prinsipe Aki ang pumasok sa silid ko.

Mag isa lang pala siya kaya hindi siya dumeretso ng pasok dito sa silid.

Ngunit napahinto siya sa paglalakad at napatitig siya sa akin.

Dahan-dahan ang pagsuyod ng paningin ng prinsipe sa aking katawan. Este kasuotan pala.

Mula sa aking boots, paakyat sa binti, hita, balakang at bewang na nababalutan ng leather pants, hanggang sa suot kong long sleeves.

Kakaiba sa pakiramdam. Para akong hinuhubaran ng prinsipe. Oo yun ang pakiramdam ko, walang kokontra!

Naiilang ako pero in a good way. Oo good way yon.

Napalunok ako at di ko namalayan na habang nakatitig ako sa mga mata niya ay binasa ng dila ko ang mga labi ko.

Nakita pala ni Aki iyon kaya napakurap-kurap ang mga mata niya sa akin.

It's time to break the silence. Baka isipin ng prinsipe inaakit ko siya. Slight lang naman.

A Whole New World(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon