Ng maka labas ng kwarto ay nakita ko kaagad si Jane sa bungad niyon.
"Ate Dianne OK lang po ba kayo!?narinig ko po kasi kayong umuungol kaya po kinatok na kita natakot kasi ako eh kasi sabi nila pag umuungol daw yong isang tao dapat itong gisingin dahil daw po nanaginip ito ng masama"
mahaba nitong sabi habang punong puno ng pag aalala ang mukha.napangiti nilang ako sa tinuran nito.
"At tsaka ano po yong nasa bandang dibdib mo ate may allergy po ba kayo? bakit ang dami mong pantal?"bumaba naman ang tingin ko doon sa bandang dibdib ko at oo nga! Ang dami kong pantal! No Hindi kiss mark pala! Lintek na boss na yon paano pa ako makaka ligo nito bukas? Gusto ko pa sanang mag lunoy sa dagat bukas!kakainis!.inayos ko nalang ang bathrobe ko upang matakpan ang mga yon.binalingan ko si Jane para magpaliwanag dito.
" salamat sa pag alala Jane kagat ng lamok lang yan dami kasing lamok doon sa room ko eh.kaya ako umuungol kanina dahil din doon kakabwisit nga eh ayaw akong patulugin!"
naku! Nakapag sinungaling pa ako ng wala sa oras dahil sa pesteng boss ko na yon!.pagsisintimyento ko.
"Ganun po ba ate akala ko kasi kong ano na nangyari sayo eh".
Nagulat nalang ako ng hilahin ako papalabas ni jane."Teka Jane saan tayo pupunta!?" Tanong ko dito.
"Ate kailangan na nating pumuntang villa mas safe po doon baka po lumindol ulit eh". Peste naman oh!..mura ko sa isip ko.kasalanan talaga lahat ito ng magaling kong boss grrrrr!.bitin na nga! Hehehe I mean gabi na nga! at heto ako at kailangang magpalusot at magsinungaling kay Jane.
" Jane naman eh gabi na ano ka ba tulog na ang mga tao doon sa villa at isa pa Hindi naman lumindol ah baka panaginip mo lang yon!"turan ko sa kanya.
Napatigil naman ito at napaisip.
"Oo nga no? Pero panaginip lang ba yon? Ikaw ate Jane naramdaman mo po ba na parang inaalog yong cottage natin".napaiwas ako ng tingin sa tanong nito.ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
" w-wala a-kong naramdaman kanina ah, baka guni guni mo lang yon Jane".nakayuko ko paring sabi baka kasi makita nito ang pamumula ng mukha ko.
Napatango tango nalang ito.
"Balik nalang tayo sa pag tulog ate anong oras na ba?"hay buti naman akala ko bulabugin pa niya pati mga tao doon sa villa." ahmm past twelve na!"nagulat ko pang sabi ng mapatingin ako sa orasan.
"Sige na Jane pumasok kana sa kwarto mo inum lang muna ako ng tubig".sabay talikod ko dito papuntang water Despenser.ng maka inum ng tubig ay lumakad na ako pabalik ng room ko.
Bigla akong kinabahan ng makita ko si Jane sa aktong bubuksan na ang pintuan ng kwarto kung saan ako matutulog.binilisan ko nalang ang paglakad.alam kong Hindi pa naka labas si sir Paul.dahil pag nakita ito ni Jane siguradong malaking issue ang mangyayari." Jane ano yang dala mo?"tanong ko dito ng maka lapit na ako.
"Ah ito ate?" Sabay taas ng kamay na may hawak.napatango nalang ako.
"Kulambo po ito ate ilalagay ko sana sa loob para magamit mo buti nalang may nakita ako doon sa kwarto ko". Iniabot nito sa akin ang hawak na kulambo.
" salamat Jane para dito,good night!"sabi ko nalang ng tumalikod na ito at pumasok sa room nito.
Ng makapasok ay nakita ko si sir Paul sa gitna ng kama at mahimbing na natutulog.napailing nalang ako.inilagay ko nalang ang kulambo sa gilid kasi wala naman talagang lamok.kinuha ko nalang ang ekstrang unan at kumot at natulog sa mahabang upuan ayaw ko ng maisturbo pa ang tulog nito at baka saan na naman kami abutin!.
Pagkagising ko ay wala na si sir Paul doon sa kamang tinulugan nito kagabi. Inat inat akong bumangon bitbit ang tuwalya papuntang banyo para maligo.
"Jane!,"pakibilisan mo nga diyan!" rinig kong boses na sabi ng mommy ni sir Paul.
Ng makapasok ako ng kitchen ay nakita Kong busy sa pag aayos ng mesa si Jane samantalang ang mommy ni sir Paul ay naglalagay naman ng pagkain sa taas ng buffet table.
"Oh ano pang tina tayo tayo mo dyan nakita mo ng busy ang mga tao dito". Singhal ng mommy ni sir Paul ng mapansin ako nitong nakatayo lang.napa kagat labi nalang ako.Hindi ko inakala na may pag ka tigre! Pala ang ina ni sir.tahimik na tinungo ko nalang ang direksiyon kung nasaan si jane.buti nalang at kaming tatlo lang ang tao dito sa kusina.
" sorry Jane ha nahuli ako ng dating"hinging paumanhin ko.
"Naku! ate ako dapat ang mag sorry! sayo kasi nasinghalan ka ni ma'am Paula kasalanan ko naman kasi eh na late din ako ng gising".
" OK lang yon! Tulungan na kita diyan ako na ang mag lagay ng mga kubyertos sa lamesa".nakangiti Kong sabi dito.
Ng makatapos na kami ay siya namang pag dating nila sir Paul,kapatid nito at mga kamag anak.
Ngumiti si sir Paul ng mag tama ang paningin namin sa isa't isa.umiwas nalang ako ng tingin dito.dahil parang lumukso ang puso ko!gosh!.
#JhoanaGamboa1,princeOfLovers,aliezyara and eds181964.salamat sa matiyaga niyong pagbasa at sa pag boto na din :)
#ricnelly,EsterMolina9,LynDelgado3 and rj2810.maraming salamat po sa pag follow sa akin. xoxo :)
#mistakes are proof that you are trying :)
BINABASA MO ANG
My Pervert Boss
RomanceNag kagusto si Dianne sa kanyang among lalaki ngunit may asawa na ito. Pero kahit na alam niyang Mali ay pinagpatuloy parin nito ang kahibangan sa among lalaki. Even though how hard she tried to stop herself from ogling him still she keep on doing...