Ring ring ring...
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko,inat inat akong bumangon upang mag ready na papuntang café alas otso ng umaga ang pasok ko at mayroon pa akong isang oras para mag ayos at mag almusal.isinaksak ko ang aking maliit na heater upang mag init ng tubig pang kape bago ako pumasok ng banyo.Pag katapos maligo at makapagbihis ay binalikan ko ang heater na kumukulo na ang tubig,nagtimpla ako ng kape para magising ng tuluyan ang medyo inaantok ko pang diwa kailangan ko talaga ito.ng makapag almusal na ay inayos ko naman ang sarili ko nag apply ako ng kaunting make up at ng makatapos ay kinuha ko na ang aking sapatos at diretso na akong sakayan ng dyip.
Pag dating sa sakayan ng dyip ay husto namang puno na at isa nalang ang kailangan para ito ay tuluyan ng maka alis kaya dali dali na akong sumakay doon at baka mamaya maunahan pa ako.
Pagkapasok ko ng dyip ay sikipan na talaga tumingin ako sa magkabilang side,mayroon pa naman sana kaso mukhang ayaw ata magpaupo ng babae sa tabi nito tinitingnan lang ako nito na nakataas pa ang isang kilay.akma ko na itong pagsabihan ng may mag salita
"Dito ka nalang miss" sabi nong gwapong mama na katabi nong babaeng nakataas ang kilay sa akin hay buti nalang may nag magandang loob pa.
"Thank you!"sabi ko pagkaupo at binigyan ito ng tipid na ngiti.para namang na bato balani ang lalaki.
kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang nag text ng tumunog iyon.ng tingnan ko ay si glen lang pala at nag aya itong lumabas kami at manood ng sine. Hindi ko muna ito nireplayan ibinalik ko nalang ang cellphone ko sa bag ko.Tamang tama pag dating ko ay mga sampung minuto nalang bago mag alas otso dumiretso akong locker room para maka pag palit ng uniform,naabutan ko pa ang ilang mga kasamahan ko doon.
"Balita ko meron daw tayong team building this coming anniversary?" Rinig kong tanong ng isang kasamahan kong si irene habang ito ay nagreretouch.
"Oo narinig ko din yon totoo kaya yon? Kung totoo yon excited na ako!" Sabi naman nong isa kong kasamahan din na si Rica.habang itinatali nito ang buhok.
"Narinig mo din ba ang balita na yan Dianne?" Tanong ni irene sa akin ng mapansin ako nitong nakikinig sa usapan.
"Huh?Hindi eh ngayon ko lang narinig mula sa inyo dahil wala naman nabanggit sa akin si lenzy baka wala din siguro siyang alam".napatingin ako sa relos ko at alas otso na mukhang napansin naman ni Rica kaya nag aya na ito.
" tayo na sa loob mukhang marami ng naghihintay sa labas na mga customer".sabi ni rica at sabay na kaming tatlo na lumakad papunta sa loob ng café.
"Good morning po ma'am gelyn!" Sabay sabay na bati naming tatlo sa boss namin na may ari ng café na ito.bihira lang ito dumalaw dahil busy din ito sa ibang mga branch ng cafe nito.palagi nalang manager ang nagbabantay na friend din ata nito dahil mukhang close na close ang mga ito sa isa't-isa,bakit kaya napadalaw ito ngayon?.baka totoo nga na may team building na magaganap.
"Good morning to the three of you too". Naka ngiti nitong sabi at nilampasan na kami upang tumungo sa opisina nito.
" okay ladies lets start to work at ng maka rami na tayo".sabi ni Rica at pumunta na ito sa mga customers na kakapasok pa lamang ganun din ako at ang iba na may nakapaskil na ngiti sa labi.
Totoo nga na may team building na mangyayari sa darating na anniversary kaya napapunta dito si ma'am gelyn,idiniklara nitong walang pasok ang buong branches ng mga pag-aari nitong café.
Kagagaling ko lang sa restroom upang mag retouch at pag balik ko sa mga kasamahan ko ay parang bubuyog na ang mga ito dahil nagkukumpulan na ang mga ito at parang may pinag uusapan.napapatingin na tuloy ang mangilan-ngilang na customers sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Pervert Boss
RomanceNag kagusto si Dianne sa kanyang among lalaki ngunit may asawa na ito. Pero kahit na alam niyang Mali ay pinagpatuloy parin nito ang kahibangan sa among lalaki. Even though how hard she tried to stop herself from ogling him still she keep on doing...